"Hindi ganoon ang anak ko! Hindi magagawa ni Flex iyon!" Galit na sabi ni Mrs. Cecilio. I can now see a drop of tear from her left eye.

"Pwede po kasi na dinamdam niya ang nangyari kaya siya lumayas." This caught my attention. What a jerk? Sabihin niya na lang kung ayaw niya kaming tulungan. Makikisali na talaga ako.

"Sorry Mr. Investigator." Sabi ko. I can't take him anymore.

"Bakit?" Tanong niya.

"Sabihin niyo na ng diretso kung tutulungan niyo kami sa paghahanap kay Flex." I say in a consistent tone.

Napaisip siya sa sinabi ko. I hit him right. Sapul. Mapapaisip na siya na dapat nga niya kaming tulungan. If he is not a total jerk.

"Okay!" He finally said.

Hindi ko magets ang sinagot niya. Is it an okay-yes or okay-no?

"Anong okay Mr. Investigator?" There is irritation in my voice. Napangisi siya kasabay ng pagkuha niya ng notebook niya at inilagay sa bag.

"We'll help you." Sabi niya.

Iyan ang gusto kong marinig na sagot. Mabuti at tumino na ang kanilang pag-iisip. Kung ako itong sa kanila ay kanina pa ako umuo kaagad. What a shame.

"Magsisimula na kaming hanapin siya Mrs. Cecilio." Paalam niya.

"Sasama ako." Ani ko.

Tinaasan ako ni investigator ng kilay at sabay senyas na sumunod ako sa kanila. Bago umalis ay may sinabi muna ako kay Mrs. Cecilio.

"Pangako ko po na mahahanap si Flex. Gagawin ko ang lahat." Ani ako. Sumilay ang kaunting pag-asa sa mukha niya.

"Salamat Ewan." Sabi niya.

Sumunod na ako sa mga pulis.

****

Sa kasalukuyan ay nakabuntot ako sa Police car ni Investigator. Patungo yata kami ngayon sa Last Street kung saan huling pumunta si Flex. Marahil ay may mga bagay doon na makakatulong sa amin para mahanap si Flex. Mga ilang saglit ay nandito na kami.

Bumaba sa kotse ang Investigator at dalawa pa niyang kasama. Bumaba na rin ako sa kotse. Nagmasid-masid sila sa paligid. Pumasok si Investigator sa may talahiban kaya sumunod ako sa kanya. Sa may talahiban ay may naaninag kaming kumikinang. Pinuntahan iyon ni Investigator upang icheck kung ano iyon. Hinawi niya ang mga matataas na talahib at bumungad sa amin ang isang motor. Maayos ang pagkakalagay ng motor. Parang sinadyq itong itago dito. Teka lang? Kilala ko ang motor na ito.

"Kay Flex iyan." Sabi ko. Napalingon sa akin si Investigator.

"Sigurado ka?" Tanong niya.

"Oo." Tugon ko.

Tinawag niya ang dalawa niyang kasama. Inutusan niya ito na halughugin ang buong talahiban. Tignan kong may mga bagay na makakatulong. Matapos ang ilang oras ay wala kaming nakitang bakas ni Flex o mga bagay na makakatulong sa amin.

"Maaaring naglayas nga si Flex." Ani Investigator.

"Sinabi na namin na hindi ganoon si Flex. Hindi niya iyon magagawa sa pamilya niya!" Naiinis kong sabi.

Nanahimik lang si Investigator at hindi na nakipagdiskusyon sa akin. Alam niya na pagpipilitan ko kung ano ang side ko.

"Parang sinadya na iwan itong motor dito." Sabi ng isang pulis.

"Iniwan? O tinago? Para hindi na mahanap si Flex." Sabi ko.

Tumango lang ang dalawang pulis. Si Investigator ay patingin-tingin lang. Matapos noon ay nag-aya na si Investigator na sa ibang lugar naman maghanap. Hindi na ko sumama sa kanila at nagpaiwan saglit dito sa may talahiban. Sabi pa ng mga pulis ay ipapapick-up na lang daw nila ang motor dito.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isa-isa ang mga kaklase at kaibigan ni Flex sa school. Nakuha ko ang numbers nila sa students' records ng school. Nadial ko na ang iba at ang next kong tinawagan ay si Taissa.

Tatlong ring bago niya ito sinagot.

"Hello? Sino po ito?" Bungad niya.

"Si Taissa ba to?" Tanong ko.

"Opo ako nga. Sino to?" Aniya.

"Si Nurse Ewan ito." Sabi ko.

"Oh bakit po?" Tanong niya.

"Gusto ko lang sana malaman kung nakatawag o nakausap mo si Flex kahapon." Wika ko.

Natigilan siya ng mga ilang segundo sa kabilang linya. Tila may iniisip siya.

"Hindi na po kami nagkausap matapos ang nangyari kay Henry." Sabi niya. She said it in plain voice.

"Ah ganoon ba? Ah sige salamat na lang." Tugon ko.

"Teka lang po! Ano po nangyari sa kanya." May pag-aalala niyang sabi.

"Hindi mo ba nabalitaan?" Tanong ko.

"Na ano po?" Tugon niya.

"Nawala si Flex kahapon." Natigilan siya sa sinabi ko. May lungkot akong nararamdaman sa kanya.

Matapos kong matawagan lahat ay wala pa rin akong impormasyon kung nasaan si Flex. I need to do this. I need the help of someone. Tinawagan ko siya.

Ring...

Sinagot kaagad niya ang tawag.

"Kailangan ko ang tulong niyo." Sabi ko.

*****

Wowot. Ito po muna ah? Appetizer muna ito para sa mga matitinding rebelasyon at pangyayari.

Please mga Palangga! Recommend and Vote po 😘😘😘😘

Halfway to the Ending na po tayo!!!! 😍

GROWLING HEARTSHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin