"Pansinin mo na siya Tais para okay na." Suhestiyon niya. Sumilay sa mukha niya ang pag-aalala.

"Naniwala ka naman na ibabangga niya yan?" Tanong ko sa kanya.

"Pansinin mo na. Wala namang mawawala." Aniya. Nerbyosa naman itong si Shaina.

"Hayaan mo siya. Hindi niya kaya magpakamatay." Sabi ko.

Saktong may nadinig kaming lumagapak. Napatingkayad naman kami dahil sa gulat. Nilingon namin si Henry at nakita naming natumba ang motor niya. Mukhang hindi naman siya nasaktan sa pagkakatumba niya. Gumagawa lang talaga siya ng eksena para pansinin ko.

"Okay." Buntong hininga ko.

Nilapitan naming dalawa si Henry. Napangiti naman kaagad ito nang makitang papalapit na kami sa kanya. Kung di dahil kay Shaina hindi ko talaga siya papansinin ngayon. Masyado siyang loko-loko.

"Samahan mo ko." Utos niya.

Walang pakiusap o please man lang. Tulog ba siya nong nagbigay ang Diyos ng pagkamagalang?

"Bakit?" Tanong ko.

Pinatayo niya ang motor niya na kanina pa nakatumba. Tinignan niya ako sa mata nang may sinsero.

"I know that I was a jerk kanina. Gusto ko lang makausap ka. To have some advice." Mukhang totoo naman itong sinasabi niya.

Tumingin ako kay Shaina upang hingan siya ng opinyon. Ngiti ang naging opinyon niya sa akin. Alam niyang dapat kong samahan si Henry. Kung ito ang magpapabago sa kanya ay magiging mabuti ito sa lahat.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa isang café doon malapit sa may plaza. Sa Funbines Café." Tugon niya.

"Sasama kaming dalawa ni Shaina." Seryosong pahayag ko.

"Sure! Kasya naman kayo dito." Buong galak na sabi at turo sa motor niya.

"Hindi na siguro ako sasama sa inyo Tais." Ani Shaina.

"Bakit?" Tanong ko.

"Yan na kasi ang bahay ko." Turo niya sa kulay blue na bahay. Magkapitbahay pala sila ni Maricel.

"Diyan?" Turo ko din.

"Oo Tais." Aniya.

"Kapitbahay niyo pala ang mga Siosan." Wika ko.

Tumango nalang siya.

"Bukas na tayo mag-usap tungkol diyan. Baka gabihin kayo." Suhestiyon niya.

Umakyat at umangkas ako sa motor. Mabuti na lang na slacks na ang pang-ibabang uniform naming mga female grade 12 students. Hindi mahirap kung umangkas. Tsaka parang ang komportable umupo sa ganitong motor.

"Henry ingatan mo yang kaibigan ko ah? Dapat buo yan pag-uwi niya." Babala ni Shaina.

Sumang-ayon naman si Henry. Sumenyas siya sa akin na humawak daw ako sa bewang niya. Nag-aalagan pa sana ako kaso baka malaglag naman ako kapag hindi ako humawak sa kanya. Pinaandar niya na ang mmotor. Kumaway si Shaina at nagtungo na sa bahay nila habang kami ay papalayo na.

GROWLING HEARTSDove le storie prendono vita. Scoprilo ora