"It's done." Sabi ni Ewan nang matapos siya sa paglalagay ng bandaid sa sugat ko.

I take a look at it and I can say na ang ganda ng pagkakalagay niya. Ang linis, walang kalat. He has the heart in this kind of thing. Syempre Nurse nga siya. This is an art to them. The art of caring someone.

Aalis na sana ako nang sabihin niyang sandali lang daw. Tumayo siya at pumunta sa table niya. May hinahanap siya sa drawer.

"This!" Excited niyang sabi nang mahanap na niya ito.

Excited niyang pinakita ito sa akin. Isang set ito ng maliliit na yellow smiley stickers. Hinawakan niya ang braso ko at marahang dinikitan ng isang sticker ang bandaid. Matapos niyang madikit ay hinipan niya ito. He stares directly in my eyes while doing it. Hindi ko alam kung para saan ang ihip.

The air from his mouth smells like mint and it gives a tingling sensation in my body. I close my eyes to enjoy the feeling. It seems that he is trying to get away the pain in my wound. It works actually.

"Flex?" Kanina pa pala niya sinasambit ang pangalan ko. Natuon ang pag-iisip ko sa pag-ihip niya. Ang sarap kasi.

I suddenly feel the heat in my nose. I am sure that it is blushing right now. Nakakahiya.

"So tara na?" Anyaya niya. I answered him yes.

He took great care of me from the clinic, to his car and to my house. Ang overacting niya. Parang gasgas lang naman ito. Malayo sa bituka. Di nakamamatay.

By 6:15Pm ay nakarating na din kami sa bahay.

"Salamat Ewan." Nakangiting sabi ko. Ang awkward talaga nang pangalan niya. Ewan! Haha

"Basta ikaw Flex." Kinindatan niya ako sabay ngiti.

"Babye." Sabi ko.

" Andiyan lang bahay ko oh! Haha." Oo nga, nandiyan lang pala bahay niya. Isang lakad lang galing sa amin. Kapitbahay nga diba?

Paalis na siya nang biglang bumukas ang pinto ng bahay namin. Tumigil muna si Ewan at naghantay. Dumungaw si Mama at sumigaw.

"Ikaw na ba iyan Flex. Sino ang kasama mo? Dito mo na pakainin ng hapunan!" Anyaya ni Mama.

"Narinig mo naman siguro iyon?" Sabi ko kay Ewan. He smiles and make a funny face.

"So igagarahe ko lang ito at susunod na ako. Okay lang?" Pagpapaalam niya.

"Okay na okay!" Tugon ko at nauna na akong pumasok sa loob ng bahay.

Pagkapasok ko ng bahay ay naamoy ko agad ang niluluto ni Mama. Sinigang na baboy ang ulam namin. Yum yum!

"Si Ewan, ang kapitbahay natin ang naghatid sa akin Ma." Anunsyo ko.

"Alam ko, tumawag kanina ang kaibigan mo. Yung Cresjie ba iyon? Kamusta na ang sugat mo?" Kaya pala walang tumawag at nagtext sakin kung nasaan na ako. Nasabi na pala ni Cresjie kay Mama.

Umakyat ako ng kwarto at nagpalit ng pambahay na damit. Marumi na kasi itong uniform ko. Mapaupo ba naman sa sahig ng school ground. Pagkatapos magbihis ay bumaba na ako para tulungan si Mama sa paghahain.

GROWLING HEARTSOnde histórias criam vida. Descubra agora