Chapter 51: Lies and Butterflies

Start from the beginning
                                    

Hindi ko siya pinansin at nilagpasan pero bago ko pa magawa iyon ay hinila niya ako sa braso. Napatingin ako sa kanya at sinubukang makawala sa braso niya pero hindi niya ako pinakawalan.

"What are you doing? Let me go!"

Nagulat nalang ako nang bigla niya akong hinila at saka binulungan.

"Use my room, theres a hidden back door in there. Kade's people are looking for you," then he handled his key.

Kasunod ay sinuotan ako ng sumbrero ni Ash. "For safety," he smiled. Genuine smile I ever saw from him.

Napatingin nalang ako sa kanila. They are helping me out. Seriously, ano ang nakain nila? Gusto kong maiyak pero hindi ito ang tamang panahon para doon.

"Thank you," I muttered with heavy eyes up with tears.

"Please be safe," sambit ni Storm. ".. don't let Northerners catch you, be a good example of westerner. I'm counting on you."

Hindi na ako nakasagot dahil hinila na ako ni Chance sa kabilang daan dahil namataan na namin ang mga kasama ni Kade.

Pagkarating sa West dorm ay agad kaming pumasok, una ay nag aalangan si Chance pero agad na nawala nang sabihin ng isa sa mga estudyante doon na ibinilin na kami ni Storm. Ang bilis at nasabi niya agad iyon at nakakapagtakang sinunod parin nila kahit kasalukuyang si Kade ang leader ng West ngayon.

Natagpuan namin ang sikretong pintuan sa likod ng kurtina malapit sa walk in cabinet ni Storm. Hindi ko alam na may ganito siya kaya pala minsan ay mabilis siyang nakakatakas palabas ng school. sobrang dami ng susi at hindi ko mahanap ang para sa pintuan. Lalo pa akong nataranta nang marinig ang boses ni Kade sa labas.

"LET ME IN!" sigaw na nanggaling sa labas.

"This shitty bastard," ngit ngit ni Chance na pasimpleng tinabunan ako kung sakaling makapasok si Kade. "..bilisan mo naman diyan, kinakabahan ako sayo eh."

"Ito na nga, hindi ko lang mahanap."

"Bakit ba kase ang daming susi ni Storm? At hindi man lang talaga sinabi kung nasaan dyan ang particular na susi ng secret door nya tsk. Tutulong na nga lang, palpak pa."

"I SAID, LET ME IN," muli naming narinig si Kade sa labas.

"Sinabihan kami ni Storm, wag ka papasukin," may naglakas loob na nagsalita.

"I am your leader not Storm."

"Your not!" sigaw ng isang babae.

"WHAT DID YOU SAY?" sigaw ni Kade at narinig nalang namin na umirit ang babae.

"Shit! Anong ginawa niya?" alalang tanong ni Chance. "..ano ba Rheiko, di pa ba tapos yan?"

"I'm trying okay?" tagaktak na ang pawis ko pero hindi ko padin makita ang isang susi na hinahanap namin.

"Let my people go, you shitty coward," boses ni Storm ang narinig ko sa labas at naibsan ng kaunti ang kaba ko.

"Your people?" Kade asked with boastful tone.

"Yeah, they declared theirselves as my people. Ask them if you want."

"Where's Rheiko?" Kade asked instead.

"I don't know."

Hanggang sa wakas ay nabuksan ko na ang pinto. Nagulat nalang ako sa nakita. Pader na mataas ang tatalunin bago makababa.

"Jesus!" pasigaw kong sabi nang muntik akong mahulog.

Ngunit nawala ang pagka-kaba ko nang makita sila Hymn, Andreau at Jett akay ang hagdanan pababa.

Of The Shattered CompassWhere stories live. Discover now