"Babe, pwede moba ako samahan mamaya kay Sister?" Bulong na tanong ni Tristan kaya tumingin ako sa kanya.

"Oo naman, why?" Tanong ko.

"Gusto kong tawagan si Mom para sabihin din yung tungkol satin." Sagot naman nya kaya ngumiti ako at tumango.

"Sure, pagkakain natin." Sabi ko at kumain na nga kami.

Nagulat din sila ate May ng sabihin ni kuya na sila na nga ni Ella pero yung tungkol sa kasal ay hindi pa nila alam at tanging kaming tatlo lang , miski si Ella ay hindi nya alam ang balak na yun ni kuya Jayvie.

Pagkatapos nga naming kumain ay nagpaalam lang kami saglit tsaka kami pumunta sa office. Naabutan namin duon si Mommy na masayang nakikipag kwentuhan kila Sister.

"Oh, bat kayo naparito?" Tanong ni Mommy ng makita kami.

"Kakausapin ko lang po si Mommy, Tita." Sagot ni Tristan. Napansin ko na parang nagbago ang expression ni Mommy ng banggitin ni Tristan ang mama nya.

Tungkol na naman ba to sa nakaraan nila? Tsk.

"Sister pwede ko po bang makausap si Mommy?" Tanong ni Tristan.

"Okay sige, walang problema." Sambit ni teacher sabay abot ng phone. Lumabas kami at dumiretso sa field tsaka nag dial si Tristan.

"Nasa Korea ang mama mo?" Tanong ko.

"I think no." Sambit nya kaya nagtaka ako.

"You think? Hindi kaba sigurado kung asan sya?" Tanong ko pa.

"Tingin ko naman ay nasa Korea sya pero  di ko sigurado." !agulong sagot nya.

"Ang gulo mo." Sambit ko at bahagya naman syang natawa. Maya maya pa ay nag riring na ang phone kaya ni-loudspeaker nya ito.

"Hello?" Sagot nung boses babae sa linya.

"Mom?" Si Tristan.

"Hey! Tristan, are you okay?" Tanong ng mama nya.

"Yes, ah Mom where are you?" Tanong ni Tristan.

"Namimiss mona ba ako?" Hindi sinagot ng mama nya ang tanong. Napangiti ng malungkot si Tristan sa tanong ng mama nya.

"Yes, i miss you." Sambit ni Tristan. Hinawakan ko ang kamay nya kaya napatingin sya sakin at hinalikan ako sa noo.

"Pauwi na ako." Sagot nito na ikinabigla ni Tristan.

"M-Mom?"

"Hahahaha! Nakasakay na ako sa kotse papunta dyan, tsk sabi ko naman sayo uuwi kami dyan ng daddy mo diba? Hehehe isu-surprise sana kita kaso namiss mo agad ako kaya sinabi kona." Masayang sabi ng mama nya. Masayahin tala siguro sya.

"Talaga Mom?" Tanong pa nito.

"Yes! Hahaha bat ka nga pala napatawag?" Tanong ng mama nya.

"Wala lang Mom, may ipapakilala lang ako sa inyo." Sambit ni Tristan na nakangiting tumingin sakin kaya napangiti din ako.

"Sino? Nakoo babae ba yan?" Paguusisa pa ng mama nya.

"Hahaha! Tsaka kona sasabihin malalaman nyo naman mamaya eh." Pabitin na sabi ni Tristan.

"Tsk, okay. Malapit nadin kami, bye muna." Sabi nito.

"Okay, bye Mom." Nakangiting sabi ni Tristan at binaba  nga ang linya.

"Kinakabahan ako." Sambit ko.

"Why?" Tanong ni Tristan na hinawakan pa ang buhok ko.

"Baka hindi nya ako magustuhan." Kinakabahan ngang sabi ko.

First Kiss, First LoveWhere stories live. Discover now