Chapter 59

216 17 0
                                    

Chapter 59 : Start the game

Kianna's Point of View

"Say Hi first. Black Butterfly."

Literal na nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napanganga ng kaunti sa narinig ko mula sa kanya.

"P-Paano mo nalaman?" Gulat na gulat ko pa ring tanong.

Maayos naman 'yung pagpapanggap na ginawa namin ni Sophia. Hindi ako makapaniwalang nalaman n'ya.

Natawa s'ya tsaka binaba ang baril na itinutok n'ya sa akin. "Let's just say na...hindi mo ako maloloko. Noon palang na hindi pa kita kilala, alam ko nang ikaw ang Black Butterfly. Kung si Jemore, naloko n'yo, pwes ako hindi."

Napailing ako tsaka napakurap ng ilang beses.

"Ok ok. Sige magaling ka na. Pero akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit ganito? Anong ibig sabihin nito?"

Bumuntong hininga s'ya tsaka tumalikod sa akin at doon pumunta sa wall sa tapat ko at sumandal.

"Tsk.Tsk.Tsk." Umiling-iling s'ya. "Tatlo tayong leader ng mga grupo. Ikaw, ako at si Jerome. Ikaw ang nangunguna sa ating tatlo at pumapangalawa ako. I don't like that position. So let's have a twist. Ow wait. Papatayin nga pala kita kaya kita dinala dito. So...kapag wala ka na, ako na ang mangunguna hindi ba? And I like that."

"You're insane." I laughed in a silent way at napailing. "Paano mo naman mapapatay ang isang katulad ko?Pangalawa kalang, nauuna ako. Hindi naman ako kasing hina ng iniisip mo."

"Pero isang kalabit ko lang nito..."Itinaas n'ya ang kamay n'yang may hawak na baril para ipakita ito sa akin at doon tumingin. "Patay kana." Muli n'yang ibinalik ang tingin sa akin."Isn't it easy, hmm?"

I nodded. "Sabagay...pero wag mo lang iintayin 'yung oras na makatakas ako dito."

"Psh hahaha. Paano naman mangyayari 'yon eh muka namang imposible ka nang makawala d'yan sa mga tali."

I chuckled. "Jhoanna...I ain't called Black Buttrerfly for nothing." And then I smiled.

"Well," Umalis na s'ya sa pagkakasandal.b"Let's see about that later." Nginitian n'ya muna ako bago s'ya lumakad palabas at iniwan ako.

Nang makaalis s'ya ay napangiwi ako.

"Yeah. Let's see about that later."

Kevin's Point of View

"Do we really need to enter this?" Naitanong ko nang makarating kami dito sa Loetic Forest.

Medyo creepy kasi.

"Bakit? Natatakot ka? Kung gusto mo kami nalang ni Matt."

Napakamot ako sa ulo ko sa sinabi ni Gian.

"Hay Nako Kevin. Wala namang gubat ang hindi nakakatakot kapag gabi ano ka ba. Cheer up magkakasama naman tayo."

Bumuntong hininga naman ako sa sinabi ni Matt.
"Oo na sige na sige na hindi na ako matatakot. Pero teka. Alam ba natin kung saan tayo pupunta pagpasok natin sa loob?"

Sabay silang napakamot ng ulo at sabay sumagot ng...

"Hindi."

---__---

Third Person's POV

"Lee." Tawag ni Jerome sa isa n'yang tauhan. Lumapit naman ito kaagad. "Ikaw na ang bahala sa walong 'yon. Ito." Inabot nito sa kanya ang anim syringe." Ibigay mo 'yan sa iba para mas mabilis ang trabaho. Patulugin n'yo agad para hindi na manlaban."

Black ButterflyWhere stories live. Discover now