Chapter 19

228 26 2
                                    

Chapter 19 : Brother's talk

Linx's Point of View

Umalis na 'yung dalawa at ako naman ay pumunta sa kwarto ni Kuya para i-check kung natutulog na ba s'ya. Hinawakan ko ang door handle at dahan-dahan itong binuksan. Natigilan ako nang makita ko s'yang hindi pa nakakapagpalit ng damit. Nakaupo lang s'ya sa kama at nakasandal sa headboard habang tulala. Ni hindi nga n'ya napansing nandito ako. Kitang-kita ko ang mga luhang bumabagsak sa mga mata n'ya pero hindi n'ya iyon pinupunasan. I decided to enter his room tsaka sinara ang pinto at nag-aalalang lumapit sa kanya.

"Kuya..." Tawag ko sa kanya pero ganun parin s'ya. "Hey bro."

Napatingin na s'ya sa akin at agad na pinunasan ang muka na basang-basa na. Kinuha ko naman ang panyo sa tabi ng lampshade n'ya at pinunasan ang muka n'ya.

"Okay na ako." Sabi n'ya tsaka binaba na ang kamay ko.

Tumingin ako ng diretso sa kanya. "Bakit hindi mo sinabing may problema ka pala?"

Tumingin s'ya sakin.  "Sinabi sa'yo ni Luke noh?" Tumawa s'ya ng mapait. "Ang daldal talaga nun sinabi nang huwag sasabihin."

"Don't worry about it ok? Tutulungan ka naming maayos ito bago pa malaman ng mga magulang natin." Nginitian lang n'ya ako ng kaunti. "How about you and Sophia---"

"Linx. We don't have to talk about that."

"Yes we do."

"Linx, please." He begged but I didn't listen.

"Kuya...alam kong sobrang nasasaktan ka ngayon at alam kong mahal na mahal mo pa s'ya."

"Pano mo nasasabi 'yan eh number one hater ka nga n'ya?"

"Look, I'm sorry." Kumunot ang noo n'ya sa sinabi ko. "Sorry kung naging gan'to ako sa inyong dalawa. Hindi dapat ako nangingialam sa kung ano man ang meron kayo."

Ngayon ko lang napagtanto na mali ako. Nakita ko kung paano siya pinasaya ni Sophia at kita ko kung gaano sila ka-sweet sa isa't isa. Tanging siya lang ang tao na nakakapagpawala ng stress niya kaya hindi ko dapat siya jinudge noong una. Isa pa, it's their relationship. Labas ako kaya hindi ako dapat nakikialam.

"Stop apologizing wala kang kasalanan at isa pa, hindi ko na s'ya mahal."

"Stop fooling around kuya. Wala kang maloloko sa amin at lalong hindi mo ako maloloko. Hindi ka masasaktan ng ganyan kung hindi na talaga. Hindi mo tatanungin ang sarili mo kung tama ba ang ginawa mo at lalo nang hindi ka iiyak kung wala ka nang nararamdaman. Kung sa tingin mo na ito ang mas makakabuti sa inyong dalawa..." Umiling ako. "You are wrong. Kasi hindi mo nakikitang mas lalo n'yo lang sinaktan ang isa't isa."

"Hindi ko naman 'to ginustong gawin."

"I know. Pero kahit hindi mo ginusto, nakasakit ka pa rin." Natahimik s'ya. "I'm sorry but I'm not saying all this para kampihan s'ya kasi sa'yo pa rin ako papanig. Ang sa'kin lang dapat hindi kayo umabot sa ganito kahit ayaw ko sa kanya, i-ignore n'yo nalang ako. Hindi sapat na dahilan ang salitang busy. Dahil kung mahal mo s'ya, busy should be the one who gives up not the person affected by it. At kaya kayo nag-aaway is because it challenge the relationship you have with her kung bibigay ka ba o hindi kaso bumigay ka. Pag-aaway ang magandang paraan para masukat kung gano n'yo kayang tagalan ang isa't isa. Pano 'yan hindi pa nga kayo mag-asawa ganyan na agad kayo pa'no pa kaya kung kasal na kayo?" nang tumawa ako, napatawa na rin s'ya.

"Siraulo. Kasal agad? Pano mangyayari 'yan kung wala na kami?"

"Then find a way to bring her back."

Black ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon