Chapter 25

169 28 0
                                    

Chapter 25 :  Battle

Aries' Point of View

"Ikaw lalaki ka! Kung may balak kang ihulog kami muuna ka!"

Kanina pa akong nabibingi dito kay Luke. Hawak kasi kami ng mga tauhan nina Jerome at Cydrick dito sa rooftop. Ang sakit na nga ng muka ko dahil sa kasusuntok nilang dalawa. Hindi nga lang kami makapalag kasi hawak nila kami. Pakiramdam ko marami akong pasa sa muka. Pasalamat sila may tauhan silang nakahawak sa magkabilang braso namin dahil kung wala doble pa dito ang gagawin ko sa kanila.

"Tumahimik ka nga kanina ka pa! Paano kami mauunang mahulog eh kayo nga itong nasa alanganin?!"

"May sinabi ba akong kayo? Wala naman diba? Sabi ko ikaw lang! Anong pinagsasasabi mong kami?"

"Nagawa mo pang mamilosopo ha?
Eh kung ihulog na kaya kita?!"

"Sige! Isasama naman kita para parehas tayong patay!"

"Talagang inuubos mo na ang pasensya ko." susugudin na sana ni Jerome si Luke nang marinig naming nagbukas ang pinto dito sa taas.

Si Zhed!

Nawala sa isip ko na nasa building nila kami kaya hindi na ako magtataka kung bakit s'ya nandito.

"Oh Zhed nandito ka na pala." tumawa s'ya at umayos ng tayo.

"Hindi ka pa nakuntento sa nangyari kanina." galit n'yang sabi kay Jerome.

"Syempre, papaano ako makukuntento kung hindi ko manlang kayo nalagyan kahit kaunting bangas sa muka?"

"Tch. At paano naman kayo nakapunta dito?"

"Simple lang. Ewan ko ba sa security nitong building n'yo at madaling lusutan. Sabagay, like owner like employees." May pang-aasar nitong sabi.

"Gagawin n'yo talaga lahat makapunta lang dito sa taas ano? Natatakot ba kayo na maraming makakita sa ginagawa n'yo kaya dito n'yo naisipang pumunta?"

"Hindi naman. Dito kasi sa lugar na ito...sinisigurado kong walang makikielam. Tayo-tayo lang naman kasi ang nandito at sisiguraduhin ko ring hindi makakapunta dito si Kianna o sino man sa mga kaibigan n'ya."

Nakatingin lang kami sa kanilang dalawa hanggang sa bumukas ulit ang pinto at nakita naman namin si Linx na gulat na gulat nang makita kami.

"Tingnan mo nga naman may humabol pang isa oh." nakangising sabi ni Jerome habang nakatingin kay Linx.

"P-Paanong? Teka anong ginagawa n'yo dito?"

"Linx. Diba sabi ko wag ka nang sumunod?"

"Sorry kuya. Hindi ko kayang hindi malaman kung ano ang nangyayari. Pero teka anong ginagawa nila dito?"

"Ano sa tingin mo? Nagpaparty?"Jerome said sarcastically.

"P-paano kayo nakapunta dito?"

"Kasasabi ko lang kanina kung bakit nakakatamad nang ulitin. Pahuli-huli ka kasi."

"Ha-ha nakakatawa. Last na yan ha? Baka kasi mamatay na ako dito katatawa sa sobrang katangahan ng mga sagot mo." medyo natawa kami ni Luke sa sinabi ni Linx. Si Zhed naman ay napailing.

Kami na yata ang may pinakakakaibang kalaban. Imagine nakakapag-usap pa sila ng ganito? Puro sarcastic at pilosopohan.

"Magkaibigan talaga kayo ng Luke na 'yan." iiling-iling na sambit ni Cydrick.

"Alangan namang magkapatid? Nasa harapan n'yo na nga ang kapatid n'ya." nagsalitang muli si Luke.

"Pfffft..."gusto kong takpan ang bibig ko dahil natatawa ako kaya napatingin sila sa akin.

Black ButterflyWhere stories live. Discover now