Chapter 48

127 21 1
                                    

Chapter 48 : Cinderella

Aries' Point of View

Nandito kami sa bahay ampunan. Gusto ko kasing dalhin dito si Angela kaya sinama ko s'ya. Ito yung orphanage na palagi naming pinupuntahan nina Linx para tulungan.

"Hahahaha!"ang sakit na ng tyan ko katatawa.

Pano kasi pinupuyudan si Angela nung mga bata eh hindi pa naman sila marunong Mag puyod. Vini videohan ko s'ya at hindi ko mapigilan ang pag tawa ko. Muka kasi s'yang bruha. Ibat ibang puyod ang ginawa sa kanya. May puro braids may pigtails, etc.

"Whoo Angela you look so goooood hahahaha!"

"Stop teasing me."

"Hahahahaha!"

Natapos na sila tapos biglang kinuha ni Angela yung cellphone at tinapat sa akin. Tinakpan ko yung camera gamit yung kamay ko pero inalis n'ya yun.

"Oh mga bata alam n'yo na ang gagawin n'yo."napatigil ako sa pagtawa nang marinig ko ang sinabi n'ya.

"Teka Angela anong ibig mong----"

"Kayo naman po ang aayusan namin."

"A-ah hindi ok lang ako."pilit akong ngumiti pero lumapit parin sila sa akin.

"Go Kids make him very ugly. Uglier than me."

"Yes po Ate Angela."sabay sabay nilang sagot.

"H-hoy Angela pigilan mo 'tong mga 'to."

"Ayoko nga. Sige na para parehas tayo."

"A-ayoko. Waaaaah!"napasigaw ako nung pag tulungan nila yung buhok ko. Ngayon siya naman yung tumatawa.

"Hahahahaha!Ayos lang yan Aries!hahahahaha!"

"Angela lagot ka talaga sa akin!"

"Hahahaha!"ayan tumawa lang s'ya nang tumawa.

Hindi na ako nakapalag at hinayaan nalang sila na gawin ang gusto nila sa buhok ko.

"Ayan ok na po."umalis na yung mga bata at nang makita ni Angela ang muka ko,lalo syang natawa.

"Ang cute mo Aries promise hahaha!"

Nakasimangot lang ako dahil kanina pa n'ya akong tinatawanan. Pano kasi pinuno nung mga bata ng hair clip ang buhok ko as in sobrang dami kaya siguradong pangit nga ang itsura ko.

Tinigil na n'ya ang pag vi-video at tumingin sa akin.

"Now let's have a game."

"Ano namang game yan?"

Nag labas s'ya ng mga make ups at pinatong sa isang maliit na lamesa sa tabi namin.

"Oh ano naman yan?"

"Hinabilin sakin ni Cyrine yung mga make ups n'ya kaya ito ang gagamitin natin sa game."

"Anong game?"

"Mag lalaban tayo ng bato bato pick tapos kung sinong matalo, kukuha yung mga bata ng kahit anong gusto nilang make up at ilalagay sa muka ng natalo. Kahit saan din nila pwedeng ilagay."

"Ikaw nalang ang mag laro."aktong tatayo na ako, hinila nya ang braso ko pabalik sa upuan.

"Dali na wag kang kj minsan lang to."

"Mag muka pa akong tyanak jan."

"Ok lang yan. Wala ka pa ngang make ups muka ka ng tikbalang eh---ay hindi joke lang hehe."

Black ButterflyWhere stories live. Discover now