Chapter 22

198 26 0
                                    

Chapter 22 : Four hurt words

Gian's Point of View

"Kuya." Tawag ko kay kuya pagkabukas ko ng pinto ng office n'ya. Nakaupo s'ya sa swivel chair kasama si kuya Cydrick.

"Oh? May kailangan ka?"

Lumapit ako sa kanya. "Bakit hindi n'yo sinabing may iba papala tayong kalaban? Akala ko 'yung mga babae lang? Bakit may mga lalaki pa pala?" Nagkatinginan silang dalawa sa sinabi ko."What?"

"Sorry sadya naming hindi pinaalam sa'yo." Nagsalubong ang kilay ko sa sinagot ni kuya Jerome.

"Huh? At bakit?"

"Look. Dapat hindi muna namin sasabihin sa'yo 'to pero dahil nandito ka na, ngayon na namin sasabihin."

Napataas ako ng kilay. "And what is it?"

"We decided na kami nalang ni Cydrick ang magpapatuloy ng mga plano at ikaw, gawin mo nalang ang gusto mo at huwag mo na kaming pakikielaman---"

"Ano?! Ayoko nga!" Mabilis akong tumutol sa sinabi n'ya.

"Gian." May tonong pananaway si kuya Cydrick.

"Tsk! No way! Ngayon pa't nakilala ko na 'yung iba. Lalo na ang Zhed at Luke na 'yon. Kung alam ko lang na kaaway din natin sila, sana sa bar palang tinuluyan ko na sila."

"Paano mo ba nakilala 'yang mga yan?" Tanong ni kuya Cydrick.

Flashback...

Naisipan kong pumunta sa mall para bumili sana ng bagong cellphone. Ayoko na nung akin. Sawa na ako.

Habang naglalakad ako, napatigil ako nang makita sina Liam na pumasok sa Entrance. May mga kasama s'ya at isa na doon si Kianna. At teka pamilyar pa sa'kin 'yung isa. Nang dadaan sila sa gilid ko, tumalikod ako para hindi nila ako makita. Nang makalampas sila sa akin, pasimple akong pumunta sa likod nila at pasimpleng sumunod nang hindi nila alam. At sa tayo ko, pakinig na pakinig ko ang usapan nila na hindi ko inaasahang maririnig ko ngayon mismo.

"Bakit parang hindi na ulit nagpaparamdam si Jerome?" Pakinig kong tanong ni Liam.

"Nako may naiisip nanamang kalokohan 'yon." Nagtaka ako nang sumagot 'yung isang lalaki.

Don't tell me...kilala niya kami?

"Yaan mo s'ya. Kahit ilang beses pa s'yang mag comeback ok lang lagi naman tayong ready." Nagtaka ulit ako sa lalaking muka ngang pamilyar sa'kin.

"Ikaw naman Luke. Umayos ka lalo na't isa pala sa kapatid no'n ang nakaaway n'yo ni Zhed sa bar noon." So s'ya pala 'yung nakaaway ko? At 'yung Zhed pa.

Black ButterflyWhere stories live. Discover now