Chapter 18

237 24 1
                                    

Chapter 18 :  Problem

Matt's Point of View

Hanggang ngayon hindi ko pa rin malimutan si Christine. Kaya ko s'ya nagawang saktan dahil aalis kami at maiiwan ko s'ya kaya mas pilini kong saktan s'ya para magalit s'ya sa akin at humiwalay at tama nga ako ganun nga ang nangyari. Kaso may problema ako. Hindi natuloy ang pag-alis namin at ngayon may galit s'ya sakin at wala na kami, wala na akong magagawa lalo na't hindi lang ito ang unang beses na sinaktan ko s'ya.

Nandito ako sa bar kasama ang kaibigan kong si Gian. Kauuwi lang din n'ya galing Korea pero nakakapagtaka na ganito ang itsura n'ya. May pasa sa muka tapos may benda ang kanang braso.

"Ano bang nangyari sa iyo? Bakit ganyan ang itsura mo muka kang tanga."

"Tch long story."

"Sinabi na kasing huwag makikipag-away eh."

"May nakaaway lang. " Nagsalin s'ya ng beer sa shot glass ko at ininom.

"Balita ko nandito na 'yung mga kaaway nyo ah?"

Napatingin s'ya sa akin. "Eh ano ngayon? Si Kuya nalang ang bahala sa kanila."

Umayos ako ng tayo at sumandal sa sofa na inuupuan ko. "Will you mind if I ask you?"

"No. What is it?"

"Bakit mo--este n'yo naging kaaway sina Kianna at Sophia?"

"Because of what they did to us."

"Ano 'yun?"

"Secret is always a secret."

"Putcha damot mo pare."

"Ganyan talaga ang mga gwapo. Ikaw dre anong problema mo? You can't fool me dahil nagyayaya kalang uminom kapag may problema ka."

Napayuko ako ulit tsaka tumunghay. "Si Christine kasi..."

"Oh anong nangyari sa inyong dalawa ng jowa mo?"

"Ang sabi sa akin ng ama't ina ko aalis kami papuntang Canada at doon na daw kami titira kaya sinaktan ko si Christine para iwan n'ya ako at ganun nga ang nangyari pero ang problema ko, hindi natuloy ang pag-alis namin kaya nagsisisi ako na sinaktan ko s'ya..."

"Humingi ka ng second chance."

"Anong second chance? Nagawa ko na sa kanya 'to noon at binigyan n'ya ako ng second chance. Twice is enough and thrice is too much."

"Wow ikaw na talaga. Buti pa ako pa easy-easy lang. Hindi ko pa kasi nararanasan ang love na 'yan."

"Pano mo mararanasan eh napakawomanizer mo. Kahit isang babae wala ka pang sineseryoso"

"Tss. Wag mo ngang ibahin ang topic. Alam mo antanga-tanga mo eh. Kaya nga may Ldr hindi mo kailangang makipaghiwalay. Kayang-kaya non mangibang bansa mapuntahan kalang. Gago mo pre" natawa lang ako tsaka uminom. "Pero seryoso. Bakit ka pa sumasama sa akin sa kabila ng pagkatao ko at isa pa, isa sa mga kaaway namin si Christine at posibleng ako ang makapatay sa kanya."

Huminga ako ng malalim at tumingin ng diretso sa kanya. "You are my friend ok? Kaya wala akong pakielam kung ano ka pa. At isa pa, hindi ko naman hahayaan na mapahamak si Christine. I will always protect her lalo na sa inyo. Pero alam kong iba ka sa mga kapatid mo kaya hindi mo 'yon magagawa. I trust you ok?"

Natigilan s'ya sa sinabi ko pero natawa kalaunan. "Sus drama mo haha pero thank you na rin--teka lang mag c-cr lang ako sandali dito kalang."

"Sige bilisan mo."

Umalis na s'ya at ako naman ay nagpatuloy sa pag-iinom.

Makalipas ang 20 minutes wala pa rin s'ya. Tinawag siguro s'ya ng kalikasan. Maya-maya may narinig akong ingay sa may hindi kalayuan sa gilid ko.  Maingay naman dito dahil ng stereo pero muka kasing nagkakagulo doon kaya tumayo ako at lumapit para makita kung anong nangyayari.

Black ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon