Chapter 33

153 22 0
                                    

Chapter 33 : Hurt

Linx's Point of View

"Bro una na kami ni Aries."

"Sige salamat."

Umalis na sina Luke kaya ako nalang ang naiwan dito sa daan. Hindi na ako nagdala ng kotse para naman ma exercise ang mga binti at paa ko.

Kahit ako hindi makapaniwala sa sinabi ko kanina sa park. Nadala lang siguro ako ng emosyon. Aba malay ko kung bakit ko yun naramdaman. Kaso wala na akong magagawa. She's not single anymore at kahit single pa s'ya hindi ko naman s'ya maliligawan dahil nahihiya ako. Kahit nga pag-amin natatakot ako. Bahala na si spider man.

Habang naglalakad ako, may nakita ako sa  Peripheral vision ng mata ko. Tumingin ako sa kanan ko at hindi ako nagkamali. Si Kianna nga yun.

Tumigil ako sa paglalakad para tingnan s'ya. Nakaluhod s'ya sa semento sa tapat ng isang matandang pulubi. Nakangiti ito habang pinapanood 'yung matanda na kumakain. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti. Mag isa na s'ya at wala na 'yung lalaking kasama n'ya kanina.

Tumingin s'ya sa direksyon ko kaya nakita n'ya ako. Agad akong nag-iwas ng tingin at pinagpatuloy na ang paglalakad. I-t-try kong hindi s'ya pansinin para makita kung anong mararamdaman at gagawin n'ya.
Nang makarating ako sa bahay wala akong naabutan. Si kuya siguro ay nasa trabaho na n'ya at si Manang ay naggogrocery.

"Ang boring grabe."

Ilang minuto akong nakaupo sa sofa nang may nagdoorbell. Lumabas ako at lumapit sa gate. Bubuksan sana ito ng guard pero sinabi ko na ako nalang. Pero pagbukas ko...

O___o?

"What are you doing here?" tanong ko kay Kianna.

"Nandito ako para magpaalam sa'yo."

"Bakit sa'n ka pupunta?"

"Babalik ako sa New Zealand ngayon."

"Wait doon tayo sa loob. Pumasok ka muna." Nilakihan ko ang bukas ng gate.

"Huh?"

"Tsk." Hinawakan ko ang pulsuhan n'ya at hinila papasok ng bahay.
Pinaupo ko s'ya sa sofa at ako sa tapat n'ya. "So bakit ka aalis?"

"Uh... May kailangan lang akong gawin doon."

"Magtatagal ka ba?"

She shrugged. "Well kung walang magiging problema baka mga nasa 2 to 3 months lang pero kung mahihirapan ako, baka abutin ng taon."

"What?"

"Ayoko namang umalis ng hindi mo alam so nagpunta ako dito para sabihin sa'yo. Uhm... Kayo nalang muna ang bahala doon sa tatlo. Huwag kayong mag-alala. Kung kinakailangang umuwi kami, uuwi kami."

"What do you mean kami? May kasama ka pa?"

Don't tell me 'yung boyfriend n'ya 'to? Ano mag d-date silang dalawa doon?

"Si Sophia ang kasama ko."

Para akong nabunutan ng tinik. "Buti naman." Bulong ko.

"Huh?"

"Wala sabi ko ingat ka nalang. Ngayon ka na ba talaga aalis?"

"Mmm. Susunod nalang sa'kin si Sophia."

"Ganun ba? Ano bang gagawin mo doon?"

"Hindi ko pwedeng sabihin."

Napasimangot ako. "Daya."

"Kianna? Ija?"napatingin kami kay Manang.

"Oh hi manang." tumayo s'ya at nakipagbeso sa kanya. Napangiwi ako dahil hindi ako makapaniwala.

Black ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon