Chapter 28

172 21 0
                                    

Chapter 28 : Kiss

Kianna's Point of View

"Waaaah! Oh my gosh!" malakas na sigaw ni Cyrine sa gulat.

"Hahahaha!"-Luke

"Nakakagulat naman 'to."-Angela.

"Shh ayan na ulit."-Sophia.

Kanina pa silang ganyan habang nanonood ng horror movie. Annabelle ang pinapanood nila. Favorite ko 'yan kaya wala lang sa akin kung nakakagulat o nakakatakot. Sa kanila nga ako nagugulat hindi sa palabas. Nandito lang ako sa likod nila habang kumakain ng popcorn. Sa totoo lang ako na ang nakakaubos ng popcorn kasi sila, nakatuon lang ang atensyon nila sa pinapanood nila kaya hindi na sila makakain. Pati 'yung cake hindi na ginalaw kaya nung naubos ang popcorn kumuha naman ako ng cake.

Bahala sila basta ako kakain lang dito.

Habang kumakain ako biglang tumabi sa akin si Linx." Ang daya mo bakit inubos mo na yung popcorn?"

"Kasalanan n'yo. Nood kayo nood hindi n'yo na ito iniibo kaya ako na ang kumain."

"Ang daya mo."

"Anong madaya dun?"

"Basta----"

"Guys tara sa bar mas masaya dun!" nagulat kaming dalawa ni Linx sa pagsigaw si Aries.

"Good idea!" sigaw naman ni Cyrine.

Sabay-sabay silang tumingin sa aming dalawa ni Linx at binigyan kami ng
'ano-sasama-ba-kayo' look.

"A-ah I'm not sure---Wait!" nagsasalita pa lamang ako nang hilahin ako ni Angela.

"Don't be kj bess minsan lang 'to so let's go."

"Stop pulling me Angela!"

"Maganda na ang sure kaya hindi kita bibitawan."

"Aish! Sasama na ako ok? Can you just put down my hand?"

"No."

Napairap nalang ako at nagpahila na. Okay na naman kasi dito na nanonood kami kina Aries kasi nakakakain ako ng popcorn eh sa bar? Walang ice cream, walang fries, walang everything except sa beers, loud music, blah blah blah.

****

At the bar.....

Nakaupo lang ako sa couch habang kumakain ng chips. 'Yung mga kaibigan ko andun nagsasayaw kasabay ng maraming tao. Maya-maya may isang lalaking umupo sa tabi ko at pagtingin ko akala ko si Zhed ayun pala si Gian.

"Ano Gian? Gagawa ka ng gulo dito sa bar? Tss huwag mo nang ituloy." walang ganang sabi ko sa kanya at natawa naman s'ya.

"Wag kang mag-alala wala akong gagawing masama."

"Okay buti naman."

Hindi ko na s'ya pinansin at pinagpatuloy ulit ang pag kain. Alam ko na sa tatlong magkakapatid s'ya lang ang matino kaya alam kong wala s'yang gagawing masama.

"Nga pala before I forgot. I just want to say sorry for what my brothers did before."

"It's ok."

"Ok ba 'yun?"

"Yes for me but for my friends... I don't think so."

"Pakisabi nalang sorry."

"You don't need to say sorry. Mga kapatid mo ang may kasalanan hindi ikaw. Pero huwag mong iisipin na may tiwala ako sa'yo. Hindi ka nga tulad nila pero alam kong kakampi ka nila dahil magkakapatid kayo at kalaban n'yo kami."

Black ButterflyWhere stories live. Discover now