Chapter 54

130 18 0
                                    

Chapter 54 : Missing

Kianna's Point of View

Nasa'n na ba si Ate? Kanina pa akong naghihintay dito sa bahay. Sabi n'ya kasi dito ko nalang s'ya intayin. Hanggang ngayon wala pa kaya naman naisipan kong tawagan ang secretary n'ya.

"Hello Secretary Kim Uhm... Nandyan ba si Ate?"

"[Nako wala na dito si Ma'am Christine. Kanina pa po s'yang umalis para makipagkita sa inyo.]"

"What? Kanina pa s'yang wala dito pano nangyari 'yon?"

"[Hindi ko alam eh. Pero kanina pa talaga s'yang nakaalis.]"

Sobra akong nagtaka. "O-ok. Salamat. Just call me kung bumalik s'ya."

"[Mmm. Sige]"

Binaba ko na ang tawag at muling naghintay. Magpapasama kasi s'ya somewhere tapos ang tagal-tagal naman.

"Matawagan nga ulit ." Muli kong tinawagan si Ate pero katulad kanina, patay pa rin yung phone n'ya.

Napahalumbaba nalang ako.

"Oh bakit parang problemado ka?" Napatingin ako kay yaya Isabelle.

"Wala po naiinip lang ako kay Ate ang tagal n'ya po kasi eh."

"Huh? Uuwi s'ya ngayon?"

"Yes po. May pupuntahan kasi kami pero hanggang ngayon wala pa. 3 pm na eh 2 pm ang usap naming dalawa."

"Baka naman may dinaanan lang."

"Hay baka nga po. Hindi ko kasi matawagan kaya hindi ako makasigurado."

"Intayin mo lang ha? Maiwan na muna kita."

"Mmm." Tumango lang ako tsaka s'ya umalis.

Sa'n naman kasi pumunta yun? Nakalimutan na yata ang usapan namin.

(1 hr later)

Nagsimula nanaman akong magtaka and at the same time kabahan. Tinawagan ko na lahat ng pwede kong tawagan. Si Secretary Kim, si Matt, sina Cyrine at Angela. At lahat-lahat na pati mga kaibigan n'ya. Nakakainis lang kasi ni isa sa kanila walang may alam kung nasa'n s'ya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ako makapag-isip ng lugar kung sa'n s'ya posibleng naroon. Nakailang missed calls ako pero wala pa rin talagang sumasagot. Still off 'yung phone n'ya. Kinakabahan na talaga ako.

"Ate nasa'n ka na ba?" Hawak-hawak ko lang cp ko habang pauli-uli at nakahawak sa ulo ko.

Ano ba kasing pwede n'yang puntahan? Wala talaga akong maisip. Sa trabaho lang naman s'ya laging naroon. Tsk. After a few hours at wala pa rin s'ya, Mukang iisipin ko na ang hindi ko dapat isipin.

Linx's Point of View

"Hay bakit kaya hindi pa s'ya gumigising?" Malungkot na wika ni Luke.

"Bakit naman kasi nagprivate room ka pa sa halip na sa ICU?"

"Parehas naman kasi 'yung mga nando'n dito. Private lang ang pinagkaiba. I hate ICU. Doon namatay ang mommy ko remember?"

Oo nga pala.

"Yaan nalang natin na nandito s'ya."

"Ahh...Luke about sa wedding n'yo. Ano naayos n'yo ba?"

Humarap s'ya sa'kin. "Yes. Nakumbinsi ni Camille ang daddy n'ya."

"Nah-adjust 'yung months? What if nagising ang daddy mo nang hindi pa nakakaabot sa araw na 'yon tuloy pa rin?"

"Ayaw ko man pero mukang ganoon na nga."

"Hay kung bakit naman kasi ganyan ang mga ginagawa d'yan sa mga business." Nasabi ko nalang.

Black ButterflyWhere stories live. Discover now