Chapter 57

144 18 0
                                    

Chapter 57 : Trying to get

Gian's Point of View

Pagpasok ko sa bahay, sobrang tahimik. Wala ni isang natira dito kahit ang mga tauhan ni Kuya. Nilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng bahay.

Something is wrong.

Wala silang sinasabing plano sa akin kaya wala akong alam sa kung ano mang ginagawa nila. Oo palaging may mali sa lahat ng kilos ng dalawa kong kapatid pero pakiramdam ko...naiiba 'to.

Hindi ko alam pero dumiretso ako sa office ni Kuya Jerome. Ito na ang pagkakataon para malaman ko kung ano mang mga binabalak nila.

Una kong hinalwat ang drawers at nang wala akong napala, sinunod ko ang bookshelves. Binuksan ko ang mga folders na nandoon pero nang wala pa rin akong napala, sa table na ako ni Kuya pumunta. May may samut saring papeles dito. Hinalungkat ko ito isa-isa hanggang sa may pumatak mula sa isang folder na kinuha ko. Nilimot ko ito at tiningnan. Nagtaka naman ako sa nakita.

"Anong meroon sa gubat na'to?" Naibulong ko.

Tiningnan ko ang laman ng folder at binasa.

"Mt. Loetic?"

It's all about information about that mountain and the forest beside of it. Mukang pinag-aaralan ito ni Kuya.

Ibinaba ko na ito at kinuha naman ang isang brown envelope. Binuksan ko ito at kinuha ang mga laman. Mga picture nung magkakaibigan. Lahat sila. Tapos lahat sila ay may mga ekis na. Wala akong maintindihan sa lahat ng ito.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan si Matt.

"Let's meet."

Linx's Point of View

Hinihingal akong tumigil sa pagtakbo nang sa wakas ay nakarating ako. Tumago ako sa isang puno at sinilip ang isang malaking bahay. Maraming mga tauhan ni Jerome ang nagkalat sa labas para magbantay. Wala na akong choice. Lumabas na ako at nagpakita sa kanila. As I expected, tinutukan nila ako ng mga hawak nilang baril kaya naitaas ko ang dalawa kong kamay.

"Wala akong planong makipaglaban sa inyo. Ang kailangan ko ay si Jerome. Nasa'n s'ya?" Tanong ko sa kanila.

"Ibaba n'yo ang mga baril nyo." Utos ng isang lalaking lumalakad palabas na sinunod nila. "Linx. I'm glad you came." Masayang salubong n'ya sa akin pero sinamaan ko s'ya ng tingin.

"Nasa'n ang mga kaibigan ko? Pati na ang kuya ko?"

Tawa lang ang sinagot n'ya sa akin at tsaka may sinenyasan sa may bandang likuran ko hanggang sa may humawak sa magkabilang braso ko.

"Bitawan nyo 'ko! Jerome ilabas mo ang mga kaibigan ko!"

"Haha masyado ka namang confident na makita sila. Akala ko naman matalino ka. Ayun pala may pagkauto-uto ka rin."

"Anong sinasabi mo?! Ipakita mo na sila sa'kin!"

Tumingin s'ya sa mga tauhan n'yang nakahawak sa akin. "Dalhin nyo s'ya sa kwartong para mismo sa kanya." Utos n'ya bago s'ya naunang pumasok sa loob.

"Bitawan n'yo nga ako!" Pilit akong kumakawala habang dinadala nila ako sa kung saan sa loob ng bahay na'to.

Binuksan nila ang isang pinto at ipinasok ako doon. Nakakita ako ng isang upuan dito with a belt on it. Alam ko na kung anong binabalak nilang gawin sa akin.

"Ayaw n'yo akong bitawan ah?"

Naitulak ko ang isang tauhang nakahawak sa kanang braso ko kaya tumalsik ito tsaka ko naman sinuntok ang may hawak sa kaliwang braso ko. Nakita ko namang pasugod 'yung tinulak ko at mabilis akong sinuntok dahilan para matumba ako. Hindi pa ako nakakatayo nang hawakan ako ng isa sa kanila sa kwelyo at muli akong sinuntok ng tatlong beses kaya hindi na ako makarecover ng maayos. Nagpaubaya na 'yung katawan kong inupo nila at itinali sa upuan.

Black ButterflyWhere stories live. Discover now