Chapter 49

130 21 1
                                    

Chapter 49 : Bracelet

Luke's Point of View

"Where's Tito?"

"Loob." Tipid kong sagot at hinayaan nalang s'yang pumasok sa loob.

Pumasok nalang din ako at kita kong sobra s'yang nag-aalalang lumapit kay daddy. Umupo nalang ako sa couch at humalukipkip.

"Tito sinong gumawa n'yan sa'yo? Nawala lang ako ng sandali and then...and then comatose ka na agad? Tito please gumising ka na miss na kita."

Napabuntong hininga nalang ako sign of boredom.

Humahagulgol pa s'ya habang nakayakap sa kanya. "Tito don't leave us. We need you. Wake up already. Please."

"Hindi pa naman patay ok? Oa ka masyado." kontra ko.

"You shut up. Gan'to na nga ang kalagayan ni tito parang wala lang sa'yo."

"Anong gusto mo? Gumaya ako sa'yo? OA masyado? Malaki ang chance na mabuhay s'ya hindi tulad mo na buhay pa parang patay na kung makaarte." Giit ko. Hindi nalang n'ya ako pinansin at pinagpatuloy na ang pag e-emote. Kakarumi lang.

"Dyan ka na nga." Tumayo ako at iniwan s'ya.

Bahala s'ya sa buhay n'ya. Ayokong makasama s'ya naba-badtrip lang ako. Lumabas ako ng hospital at hindi alam kung saan pupunta. Kung uuwi na o gagala muna.

"Buti nalang pumunta ka."

"Oh eh bakit nga ba?"

"Nothing. Katulad nung una, magpapasama lang."

Kasama ko si Cyrine ngayon. Nagpasama ako kasi wala lang. Gusto ko lang. Buti nga pumayag siya ngayon dahil last time na nagrequest ako hindi siya pumunta.

"Bakit wala ka sa daddy mo?"

"Ayoko. May asungot na nando'n."

Nagsalubong ang kilay n'ya. "Asungot? Sino?"

"Wala huwag mo nang kilalanin maiinis ka lang din."

"Ok. So magpapasama ka saan?"

Saan nga ba?

"Uh...hindi ko rin alam." Napakamot nalang ako sa ulo. Dapat kasi pinag-isipan ko muna bago ko s'ya pinapunta.

"Hayst. Yaya naman kasi nang yaya. Tsk tara nga." Nabigla ako sa biglaan n'yang paghigit sa braso ko.

"Oh teka sa'n naman tayo pupunta?"

"Basta. Manahimik ka nalang." Ayun nga ang ginawa ko. Tumahimik nalang ako at hinayaan s'ya.

Naglalakad kaming dalawa habang kumakain ng ice cream.

"Kamusta ang Daddy mo?"

"Still unconscious."

Tumango-tango s'ya. "Hindi na muna kita aawayin ngayon kasi alam kong problemado ka pa. Mamaya pabisita ako sa Daddy mo ah? Gusto ko lang din s'ya makita."

"Oo naman. Pero kapag wala na 'yung asungot doon."

"Sino ba 'yang asungot na 'yan ha? Ako ang magpapaalis sa kanya."

"Upo tayo." Aya ko nang makakita ako ng mauupuan. "Wag na. Baka mag-away lang kayo. Mahirap magharap ang dalawang madaldal."

"Aba. Mabuti nga 'yon para magising ang daddy mo."

Natawa nanaman ako sa kalukahan ng babaeng 'to. "Alam mo ikaw, kahit kelan 'di mo iniiwan 'yang pagkabaliw mo."

"Joke lang. Pinapatawa lang kita. Ngayon atleast napatawa kita kahit na palagi kitang nabubwisit tuwing nagkikita tayo."

Black ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon