Chapter 31

143 20 0
                                    

Chapter 31 : Fever

Zhed's Point of View

I was about to wake up Linx when I felt his warm body. Hinawakan ko ang leeg n'ya at nagulat ako dahil mainit na mainit s'ya.

"Anong nangyari sa'yo at ganyan ka kainit?" tanong ko kahit na mahimbing s'yang natutulog. Pinatay ko ang aircon at kinumutan s'ya ng maayos.

"Kuya..." Nagulat ako nang marinig ang boses n'ya.

"Linx? Ok kalang ba? Ano bang nangyari sa'yo at mataas ang lagnat mo ha? Samantalang kahapon ang lakas lakas mo naman."

"Sorry kuya nabasa lang ako ng ulan kahapon."

"Tsk.tsk.tsk at bakit? Saan ka nagpunta kahapon?"

"Kay lolo."

Nalungkot ako sa sinabi n'ya. Hinawakan ko ang buhok n'ya at hinaplos yun. "Kailangan kong umalis ngayon. Kailangan ko nang harapin ang problema ng kumpanya. Pero dahil sa kalagayan mo, dito nalang ako."

"No Kuya I'm ok. Hindi ka dapat mawala dun kaya sige na kuya."

"Linx wag ka nang makulit."

"Nandiyan naman si Manang eh."

"Pero---"

"Sige na Kuya please..."

Umayos ako ng tayo at nag-isip kung iiwan ko ba s'ya o hindi. Habang nag-iisip ako, nagring ang phone na hawak ko. Hindi ko na nakita ang nakasulat sa screen nung sagutin ko ito.

"Hello?"

"[Hi Zhed, I'm Kianna. Itatanong ko lang sana kung kamusta Linx? May sakit ba s'ya?]"

Nilayo ko ang cellphone ko sa akin at tumingin kay Linx. "Dyan kalang Linx."

Lumabas ako ng kwarto n'ya tsaka ulit nilagay sa tenga ang cellphone ko.

"Ahh...Hello Kianna. Oo may lagnat s'ya."

"[What? Sabi na nga ba eh magkakasakit s'ya.]"

"Kailangan kong umalis ngayon iiwan ko s'ya kaya si Manang nalang muna ang bahala sa kanya."

"[I see. Alam ko na pwede s'yang magkasakit dahil kasama ko s'ya kahapon sa sementeryo anyway aalis ka na ba ngayon?]"

"Oo eh. Medyo late na nga ako ng 5 minutes."

"[Ok ok Sorry for disturbing you patay kasi 'yung phone ni Linx.]"

"Hindi ok lang."

"[Okay bye.]"

Binaba na n'ya ang tawag kaya pumasok na ulit ako sa kwarto ni Linx. Lumapit agad ako sa kanya.

"Linx aalis na ako ah. Don't worry pagkatapos na pagkatapos ng meeting uuwi na ako agad ha? Take care." Paalam ko bago bumaba.

"Hi Manang. Kayo po muna ang bahala kay Linx naulanan kasi kahapon kaya ayun nagkasakit..."

"Ano?vOh Sige ingat ka."

"Bye Manang."

"Bye ijo."

Sumakay ako ng kotse ko. Inintay ko munang mabuksan ng guard ang gate tsaka ako tuluyang umalis sa bahay.

Kianna's Point of View

"Hi Manang!" masayang bati ko kay Manang Elissa nang makapasok ako sa bahay nina Linx.

Kilala na n'ya ako at ganun din s'ya nung pumunta ako dito last time. Hindi yun alam ni Linx. Secret nalang kung bakit.

"Oh ija nandito ka na pala."

Black ButterflyWhere stories live. Discover now