Chapter 45

148 20 2
                                    

Chapter 45 : Poison

Christine's Point of View

Kanina ko pang napapansin si Kianna na hinang-hina na naglalakad at nakahawak sa ulo n'ya.

"Anong nangyayari sa'yo?  Kanina ka pang ganyan."

"W-wala 'to ate medyo naliliyo lang ako."

Agad akong lumapit sa kanya nung bigla s'yang matutumba buti nahawakan ko s'ya agad kaya hindi s'ya tuluyang bumagsak.

"Ano bang huli mong kinain? O baka naman nagpapalipas ka ng gutom."

"N-no ate hindi. Kagabi pa'to bigla-bigla ko nalang naramdaman."

Hinawakan ko ang likod n'ya at hinaplos. Bakit ba nagkakaganto itong kapatid ko eh malakas pa s'ya kahapon.

Maya-maya nakita ko s'yang humawak sa tyan n'ya at napatakip ng bibig at mukang nasusuka. Dali-dali s'yang tumakbo papunta sa sink. Ako naman ay sinundan s'ya at tama nga ako nagsusuka nga s'ya. Nag-aalalang lumapit ako sa kanya at hinawakan muli ang likod n'ya. Hinayaan ko lang s'yang magsuka at nagtagal din ng ilang segundo bago s'ya naghugas at nanghihinang tumayo.

"Magsabi ka nga sa'kin Kianna. Buntis ka ba?"

Halatang nagulat s'ya sa sinabi ko. "W-what? A-anong buntis? Sino namang gagalaw sa'kin?"

Nag kibit balikat ako. "Maybe Linx."

Mas lalo naman s'yang nagulat nang sabihin ko ang pangalan ni Linx. "Ano?! Ate hindi. Nagsusuka lang at naliliyo buntis agad?"

"Malay mo may kung anong nangyari sa birthday party n'ya."

"Hay ewan ko sa'yo. Magpapahinga nalang muna ako sa kwarto ko."

"Sasamahan na kita baka mamaya matumba ka pa."

Hindi na s'ya sumagot kaya inalalayan ko na s'yang maglakad pataas sa kwarto n'ya. Pagpasok namin, dahan-dahan ko s'yang hiniga sa kama n'ya.

"Magpahinga ka nalang muna. Hindi muna ako papasok sa opisina para bantayan ka." kinuha ko ang comforter ng kama n'ya at kinumutan s'ya. "Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka." tumango lang s'ya. "Sige iiwan na kita dito."

Lumabas na ako ng kwarto n'ya at sinara ang pinto.

***

"Kamusta s'ya doc?" tanong ko sa doctor na tinawagan ko.

"Buti tumawag kayo agad dahil hindi maganda ang lagay ng kapatid mo pero wag kayong mag-alala ok na s'ya ngayon."

"G-ganun po ba. Bakit po ba s'ya nagkakaganyan?"

"Well, tatapatin na kita. According to her diagnosis may nainom s'ya na may kasamang lason. Kumalat ito sa buong katawan n'ya at malakas ang epekto sa utak n'ya."

Natakpan ko ang bibig ko sa sinabi n'ya. "Lason? "

"Yes. At sa nakikita ko, hindi agad ito tatalab sa nakainom at sa oras na tumalab, tatagal ito ng 24 hours. Kapag natapos ang 24 hours, maaari s'yang mamatay. Isang malaking tulong na tinawagan mo ako agad para maisalba ang buhay niya bago pa umabot sa ganoong oras."

Sino naman kaya ang hayop na naglagay ng ganun sa inumin ni Kianna? Sigurado akong sinadya ito.

"So paano una na ako tawagan mo lang ako kung may kailangan ka. Kailangan n'ya lang ng mahabang pahinga at babalik na ang lakas n'ya."

"Sige po doc. Salamat."

"Ok I'll go now." Tumango ako tsaka s'ya umalis.

Umupo ako sa tabi ng kama n'ya at hinawakan ang buhok n'ya. Hindi ko tuloy maisip kung ano ang nainom n'ya. Hindi ko naitanong sa kanya kung ano. Meroong nakalagay sa kanyang dextrose. Hindi ko rin ma-imagine na sobrang grabe naman yung effect ng lason na iyon buti nalang nakatawag agad ako ng doctor sobra na talaga akong nag-aalala sa kanya. Kapag nalaman 'to ng mga magulang namin ako ang malalagot.

Black ButterflyWhere stories live. Discover now