Chapter 6

454 33 2
                                    

Chapter 6 : First Target

Linx's Point of View

Nandito ako sa dagat kung saan palagi akong pumupunta kapag naboboring ako. Gusto kong kumakain ako ng favorite kong flavor ng ice cream na rocky road habang nakaupo sa isang malaking bato.

"Miss ko na kayo mom and dad. Kelan ba kasi kayo uuwi?" kinausap ko 'yung sarili ko habang panay ang subo ko ng ice cream. "Bakit ba ang sarap nito?"

Naalala ko noong bata pa ako, nag-away kami ni Kuya dito dahil ang damot niyang mamigay ng ice cream tapos rocky road pa naman ang flavor. Hinabol ko lang s'ya nang hinabol habang sya naman takbo nang takbo. Dito kami masaya sa lugar nato dahil walang araw na naging malungkot kami sa dagat na 'to kaya ito ang napili kong lugar para matambayan.

Naalala ko rin kaming tatlong magkakaibigan dito. Simula elementary kaibigan ko na ang mga mokong na 'yun at dito rin kami tumatambay.

"Alone?"

Agad akong napatingin sa likuran ko sa nagsalita at hindi ako makapaniwalang nandito s'ya. Umupo s'ya sa tabi ko ng hindi tumitingin sa akin.

"Bakit ka nandito?" Takang tanong ko.

"Bakit bawal ba?"

"Tss nagtatanong lang eh."

Tumawa lang s'ya tsaka tumingin sa akin. "Favorite mo ang ice cream?"

"Oo." tipid kong sagot.

"Alam kong hindi maganda ang una nating pagkikita sa mall."

Natawa ako matapos maalala ang nangyari sa mall dahil lang sa sapatos.

"Kaya nga eh ang lakas mo palang manuntok?"

"Sorry." natatawa n'yang paumanhin. "Linx right?"

Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ko kaya agad akong napatingin sa kanya pero nginitian n'ya lang ako.

"How did you know my name?"

"Wala lang narinig ko lang. Anyway, I'm Kianna. Alam mo bang dito ako madalas pumupunta kapag malungkot ako? Wala kasi masyadong pumupunta dito kaya hindi ko inaasahan na nandito ka. Share ko lang haha."

"Eh?...dito rin ako pumupunta kapag bored o malungkot ako."

"Really?" Hindi niya ako makapaniwalang tiningnan. "Eh bakit parang ngayon lang kita nakita dito?"

Nagkibit-balikat ako. "Ewan siguro kapag malungkot ka masaya ako. Ikaw, kaya ka ba nandito kasi malungkot ka?"

"Masamang magsinungaling kaya oo ang sagot ko."

"Why?"

"I miss my parents."

"Patay na ba sila?."

Agad naman s'yang napatawa sa sinabi ko. "Ofcourse not! Ang lakas-lakas pa nga nila."

"Kung ganon nasaan sila?"

"U.S"

Eh? Nandun din ang pamilya n'ya? Parehas pala kami.

"Pareho pala tayo."

"Iniwan nila kami sa katulong namin pero 'yung katulong na 'yon sa bahay ang pinakaclose ko. Buti nalang nandyan ang panganay kong kapatid para may nakakausap ako sa bahay."

"Sa totoo lang hindi alam ng magulang namin na may mga taong gusto kaming patayin dahil ayoko silang mag-alala."

"Magugulat ka kaya kung sasabihin kong ang kaaway nyo at kaaway namin ay iisa?"

Napasubo agad ako ng ice cream sa sinabi nya. Hindi nga?

"I can't believe it..." bulong ko.

Kaya naman pala kinidnap rin s'ya noong araw na kinidnap si kuya.

Black ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon