Chapter 5

545 40 0
                                    

Chapter 5 : Easy Fight

Linx's Point of View

Nauna akong bumaba sa kotse nang makarating kami sa bahay. Sa labas ko nalang muna iniwan ang kotse ko mamaya ko nalang ipapasok o kaya naman sa guard ko nalang ipapapasok. Ngunit nang bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse para kunin si kuya, biglang may dumating na isang babae.

"Hey! Sinong may sabing pwede kang pumunta dito?!" dumating kasi 'yung manloloko n'yang girlfriend.

"Nabalitaan ko kasi ang nangyari sa kuya mo. Nag-aalala lang ako para sa kanya."

"Pwede bang umalis ka nalang? Wala akong pakealam sa nararamdaman mo sa sa kanya. He needs to rest so you better go."

"Linx please hayaan mo akong gamutin s'ya."

"No." tutol ko.

"Sige na...miss na miss ko na rin s'ya."

"Matapos mong lokohin ang kapatid ko magsasalita ka ngayon ng ganyan?"

"I don't know what you're talking about." naguguluhan n'yang sambit sa akin.

"Wag ka ngang magmaang-maangan dahil nakita ka lang naman ni Kuya na may kasamang iba. Ni hindi ko nga sinasaktan 'yan tapos ikaw na girlfriend niya lang sinaktan mo? Ang tibay naman talaga ng muka mo eh 'no? Aalis ka o aalis ka?"galit na talaga ako.

"Sinong kasama? Si Liam ba? Hindi ko s'ya boyfriend."

"Hindi ko alam pero simula pa noong una hindi na kita gusto para sa kapatid ko. Pero sige pagbibigyan kitang gamutin s'ya then after that, you can go."

"Thanks linx."

"Don't be thankful. Kasi ayoko ng makatuluyan ka ni Kuya kaya lalayo ka na sa kanya after this. Actually dapat ako 'yung magpasalamat kasi binigyan mo s'ya ng dahilan para lalong hindi ka na n'ya balikan. Kesyo mababaw man o hindi ang dahilan. Totoo man o hindi basta stay away. " mariin kong sabi.

"Linx---"

Kinuha ko si Kuya na mahimbing na natutulog at hindi na s'ya pinansin. Bunuhat ko nalang s'ya para hindi magising. Pumasok na kami sa bahay at inutos ko nalang din sa guard na s'ya nalang ang magpasok ng kotse ko sa garahe. Nang marating namin ang kwarto n'ya ay hiniga ko s'ya agad sa kama.

"Bantayan mo muna s'ya magpapakuha nalang ako ng dapat na kunin sa mga katulong sa baba."

She just nodded before sitting next to the bed and caressed my brother's hair.

I went downstairs and went to the kitchen. "Yaya!"

Napalingon agad 'yung isa naming katulong na nandito sa kusina. "Yes sir?"

"Magdala ka ng yelo sa taas sa kwarto ni Kuya. Baka kasi nagkabukol s'ya. Pakibilisan nyo nalang. Magdala na rin kayo ng first aid kit nandoon nanaman si Sophia."

Yumuko s'ya tsaka ginawa ang pinag-uutos ko. Lumabas muna ako para magpahangin. Bigla kong naisip ang nangyari kanina. Salamat nalang at niligtas s'ya ng babaeng nakaaway ko. Hindi ko alam pero biglang nawala ang galit ko sa kanya dahil kung wala s'ya, mawawalan ako ng kapatid pero napaisip rin ako...

Bakit nila s'ya dinukot sa pagkakaalam ko kasi ay wala kaming kaaway--teka hindi kaya...

Ang dalawang magkapatid na iyon?

Ang tanga mo Linx. Nagtanong ka pa sa sarili mo.

Sila nga pala. Palibhasa'y ang tagal ng bakasyon kaya nalimutan ko na.
Sigurado pa ako sa sigurado na sila ang may pakana sa nangyaring kidnapan. Talaga namang gusto nanaman nila kaming paglaruan. Matagal na panahon silang nagpahinga at sigurado ako na sa loob ng mga panahong yoon ay nakapag-isip na sila ng mga plano para mapatay kami.

Black ButterflyWhere stories live. Discover now