Chapter 39

132 19 1
                                    

Chapter 39 : Selfish

Aries' Point of View

Nasa dining room ako kasama ang dalawa kong pinsan at ang tito ko. Nagulat nga ako nang dumating sila.

"Buti naman tito naisipan n'yong pumunta dito."

"Oo nga eh. Pasensya ka na sobrang busy lang talaga."

"Ok lang yun. Si tita bakit hindi n'yo kasama?"

"May pinuntahan s'ya. Pero next time daw sasama na s'ya."

"Ah..."

"Kuya Aries bakit mag-isa lang kayo dito?bWala po ba kayong kapatid?" Tanong sa'kin ng pinsan kong batang lalaki.

Tumawa ako at ginulo ang buhok n'ya. "Wala akong kapatid."

"Pano po kung may multo?" Tanong naman ng kapatid n'yang babae na ikinatawa ko rin.

"No. Walang multo dito."

Masaya kaming kumakain habang nagku-kwentuhan nang hindi namin inaasahang...

"Yuko! Yung mga bata!"prinotektahan namin ni Tito ang mga pinsan ko dahil sa sunod-sunod na bala ng baril ang tumama dito mismo sa dining room.

Napapikit ako habang naririnig ang mga gamit dito na nababasag. Sunod-sunod ito at walang tigil. Ang mga pinsan ko umiiyak na. Nagtagal pa ito ng ilang segundo bago tumigil. Unti-unti kaming tumayo at para akong nanghina nang makita ang malalang epekto nnito

"Aries." Seryosong tawag sa akin ni tito kaya tumingin ako sa kanya. "Ano 'to? May mga kaaway ka ba? Muntik nang mapahamak ang mga bata."

"Tito I'm sorry. Hindi ko rin inaasahang mangyayari ito."

"May kaaway ka ba?" Hindi ko ito nasagot.

"Mabuti pa po umalis na muna kayo. Baka mapahamak pa kayo dito. Lalo na ang mga anak n'yo. Sorry po talaga. Pasensya na. Muntik pa kayong mapahamak nang dahil sa akin."

Huminga s'ya ng malalim. "Palalampasin ko ito ngayon. Pero kung ikaw naman ang mapahamak, wala akong magagawa kaya umiwas ka na sa gulo hangga't maaga pa." Wala sa sariling tumango ako. "Sige na aalis na kami. Mag-iingat ka nalang."

Hinatid ko sila palabas ng bahay hanggang sa makaalis na sila.

Naikuyom ko ang kamay ko at isang tao agad ang unang pumasok sa isip ko lalo na't nagflashback sa utak ko ang huling sinabi n'ya.

"Kakalimutan kong kaibigan kita at kahit 'yang ulo mo handa kong pasabugin. Basta ama ko, walang kaibi-kaibigan. Tandaan mo 'yan."

Nagmadali akong sumakay ng kotse at mabilis itong pinaandar. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Linx.

"Hello Linx?"

"[Hello Aries bakit?]"

"Na'san si Luke?"

"[Kaaalis lang namin ng hospital. Pauwi na kami ngayon. Magkasama kami bakit?]"

"Magkita muna tayo."

Nandito ako sa labas ng subdivision namin habang iniintay sila. Hindi naman nagtagal at dumating din sila. Tumigil ang kotse nila sa tapat ko at sabay silang bumaba.

"Oh bro bakit ka nakipagkita?"

Sa halip na sumagot, dumiretso ako kay Luke tsaka ko s'ya hinawakan sa kwelyo n'ya at galit na sinandal sa kotse ni Linx.

"Uy Aries sandali." Mabilis na lumapit sa akin si Linx at sinubukan akong ilayo kay Luke pero mas lalo kong hinigpitan ang paghawak sa kwelyo n'ya.

"Anong problema mo? Bitawan mo nga ako!"

Black ButterflyWhere stories live. Discover now