Chapter 40

134 20 0
                                    

Chapter 40 : Friendship problem

Angela's Point of View

Habang naglalakad ako, napatigil ako nang may humara sa aking isang kotse. At nang lumabas ang nakasakay, hindi na ako nagulat nung s'ya ang makita ko. Nakangiti s'yang lumapit sa'kin pero hindi ako naniniwalang totoo yo'n.

"C-Cyrine... Anong ginagawa mo dito?"

"Nag d-drive bakit bawal ba?"

"H-hindi naman sa gano'n."

"Well hinaraan kita dahil may balak sana akong gawin."

Hindi ako sumagot at nagsalubong nalang ang kilay.

"Gusto mong malaman kung ano? Eto tanggapin mo."

"Ah!"

Matapos niyon, hindi ko inaasahan ang paghampas n'ya ng kung anong hawak n'ya sa ulo ko at kasunod no'n ay nawalan na ako ng malay.

Linx's Point of View

"Kung alam ko na nandito 'yan, edi sana hindi nalang ako pumunta."---Luke.

"Akala mo naman gusto rin kitang makita."

"Edi maganda parehas tayo. Hindi kasi ako sanay makipagkita sa mga kriminal na katulad mo."

"Anong sabi mo?"

"Guys ano ba? Pinapunta ko kayo dito para mag-usap ng maayos. Pwede bang mag-usap kayo ng walang trashtalkan?"

Tumahimik lang silang dalawa.

"Walang mag-aaway nandito kayo sa bahay namin kaya umayos kayo."

"Bakit ba kasi kailangan pa naming mag-usap? Wala naman kaming dapat pag-usapan?"

"Luke." Pagod akong tumingin sa kanya. "Hindi kayo aalis hangga't hindi kayo nagkakaayos."

"Paano ako makikipag-ayos sa taong 'yan? Kung ibang tao baka matanggap ko pa pero itong taong 'to? Unexpected 'to."

"Ilang beses ko ba dapat sabihin na hindi ko nga sinasadya?"

"Ilang beses mo bang nakakayanang magsinungaling?"

"Nagsasabi ako ng totoo."

"Tamo nagsinungaling nanaman. Hindi mo na ako mauuto."

"Kung ayaw mong maniwala edi wag."

"Sadya."

"Tsk. Alam mo naiinis na ako sa inyo. Umayos nga kayo. Ikaw Luke hindi naman ikaw 'yan ah?"

"Kung hindi nangyari yo'n sa tingin mo magiging gan'to ako?"

Napabuntong hininga ako. "Aries naman kasi bakit hindi ka nag-iingat?"

"Hindi ko naman alam na mangyayari 'yon ok? Walang katao-tao sa street na 'yon kaya hindi ko inaasahang may tatawid. Malay ko bang daddy n'ya 'yon?"

"Pero kahit na mali pa rin na hayaan mo lang s'ya."

"Ano ba sinabi ngang tiningnan ko kung meroon ang kukulit n'yo naman."

"Paano mangyayaring tiningnan mo eh hindi ko nga nakitang lumabas ka?" Nagsalita ulit si Luke.

"Eh hindi ko nga nakitang nando'n ka."

"Anak ng...mga bulag ba kayo? Alam n'yo hindi ko... Hindi ko kayo maintindihan. Ipaliwanang n'yo ngang maigi." Gulong-gulo na ako.

"Totoo ang sinabi ko. Hindi ko s'ya nakitang lumabas para i-check manlang ang nabangga n'ya at kitang-kita ko 'yon dahil nasa kabilang road side lang ako."

Black ButterflyWhere stories live. Discover now