Chapter 42

126 18 0
                                    

Chapter 42 : The truth

Linx's Point of View

"Ano ga yun kahit isa walang nakakaalalang birthday ko na bukas. May busy sa pag-aaway, may wala, may hindi pa nagpapakita. Ano ba 'yan..." Napahawak ako sa batok ko at medyo nalulungkot. Kainis naman kasi yung mga kaibigan ko.

"Hoy nandito na ako."

Mabilis na napatingin ako sa nagsalita.

O___O

"Kuya?!"

"Hello." Bati nya with matching wave hand pa. Pero mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap s'ya.

"Namiss kita Kuya." Humiwalay ako at tumingin sa kanya tsaka s'ya binatukan.

"Aray. Lumabas na nga ako nambabatok ka pa."

"Ikaw eh. Sino ba naman kasing may sabing magkulong ka doon? Kumain ka na ba?"

"Mmm. Katatapos lang."

"Sure ka ah?" Tumango s'ya. "Alam mo bang 'yung dalawang minions nag-aaway na?"

"Hindi."

--__-- kalalabas nga lang pala.

"Tss ayun nag-aaway."

"Ganun?"

Tumingin ako sa kanya. "Eh ikaw? Kumusta?"

Nagkibit balikat s'ya.

"Ayun medyo ok na. Pero kakayaning makalimot. Lumabas na ako ayoko na sa loob boring."

Natawa ako bigla. "Sira ka pala eh. Kulong ka nang kulong."

"Yaan mo na nakatulong din naman sa'kin. At least nakalabas na ako..."

Sumimangot ako. "Kaya ka lang yata lumabas kasi birthday ko bukas. Baka pagkatapos nun bumalik ka na ulit sa loob."

"Uy 'di ah."

"Siguraduhin mo lang. Muka ngang ikaw lang ang nakakaalam eh. Ang mga yun puro away."

"Hayaan mo sila. Magkakaayos din silang dalawa."

"Tch. Sana nga."

Jerome's Point of View

"Nakakatuwang panoodin silang nag-aaway. Galing mo Kuya."

Napangisi ako sa puri ni Cydrick.

Flashback....

Inutusan ko ang isa sa mga tauhan ko na tumawid sa harapan ni Aries. Pero bago pa n'ya ito tingnan, pasimple na itong umalis that's why wala s'yang nakitang nabangga. Ginaya ko ang kotse si Aries na gamit n'ya mismo sa lugar na 'yon at ako ang bumangga sa ama ni Luke na inakala n'yang si Aries. Ang dali naman kasing pag-awayin lalo na't saktong nasa iisang street silang dalawa. I removed all the CCTV camera too para walang makaalam ng ginawa ko.

****

Sinira ko ang brake at ang hand brake ng sasakyan ni Cyrine noong malaman kong aalis sila. Inalam ko muna ang lahat ng dadaanan nila and I'm glad na sa isang scenic drive sila dadaan. Alam kong nagpapanic sila kaya hindi ko na pinatagal pa. Binangga ko na ang sasakyan nila kaya nahulog sila. Buti nalang at hindi sila namatay.

Black ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon