Chapter 36

137 21 0
                                    

Chapter 36 : Flashbacks

Liam's Point of View

In my opinion, I don't want to be a bodyguard and I know that Kevin feel the same way.  Pero wala kaming magagawa dahil utos ito ni Jhoanna na sinang-ayunan ni Sophia at sakto namang kailangan ng magulang nila na may gu-guide sa kanila so we have no other choice but to accept her order. She also told us na posibleng madamay sila sa gulo dahil ang ex-boyfriend daw ni Mariane ay isa sa magkakapatid na Delos Reyes. Nalaman din n'ya na matagal na pala nitong hinahanap si Mariane pero hindi daw n'ya  makita kaya tinigil n'ya pero kailangan pa rin silang bantayan dahil mahirap na kapag nakita sila ng mga ito.

'Di ba may pagkachismosa din itong si Jhoanna. Alam na alam kasi 'yung nangyayari sa buhay nila hahaha---de joke lang.

"Alam mo tol bigyan nalang nila ako ng ibang gagawin huwag lang maging bodyguard ng dalawang babae na 'yun.  I was not born to be a bodyguard geez." Reklamo ng kasama ko.

"Wala namang may gusto nito kundi 'yang leader n'yo."

Kung ayaw niya, mas ayaw ko lalo pa at napaka-attitude ng binabantayan ko. Buti nga si Kaylie mabait pa pero itong si Mariane? Never mind.

"Nga pala. Sa ating dalawa ako lang ang tauhan ni Red spider at ikaw ay kay Black butterfly pero bakit naisipan mong magbantay din sa dalawang babae na 'yun?" Tanong n'ya.

"Syempre hindi ako papayag na mag-isa ka lang kaya kahit labag sa kalooban ko, nag volunteer ako."

"Wow thanks tol ah pero muka namang hindi lang tayong dalawa ang may ayaw dahil pati itong mga kailangan nating bantayan, parang ayaw rin na magkaroon sila ng bodyguards."

"Yeah the feeling is mutual." umayos ako ng tayo. "Let's just accept our situation wala din naman tayong magagawa kaya hayaan nalang natin. Ang trabaho lang naman natin ay bantayan sila so we have nothing to worry about."

Magkibit balikat sya. "Sabagay."

I looked at my wrist watch. "Gabi na. Mukang kailangan na ulit nating pumunta. So tara na?"

He took a deep breath before he nodded.
"Ge tara na."

Umalis na kaming dalawa papunta sa bahay ng kailangan naming bantayan.

NAKASANDAL lang kaming dalawa ni Kevin sa tabi ng pinto habang nagce-cellphone. Nabobore kasi kami kaya naisipan naming maglaro. Kanina pa kaming nagbabantay almost 2 hours na.

Si Mariane ay nag-aalis ng make-up sa muka samantalang 'yung kaibigan n'yang si Kaylie ay nilalaro ang balahibo ng alaga n'yang aso.

"Kayong dalawa."

Sabay kaming napatingin ni Kevin sa kanilang dalawa.

"Hindi kami lalabas ng bahay dahil tutulog na kami kaya pwede na kayong umuwi."

Nanlaki ang mga mata namin sa sinabi ni Mariane.

"Bukas nalang kayo bumalik." Kaylie said.

"Talaga? Buti naman bored na bored na ako dito." reklamo ni Kevin kaya siniko ko s'ya.

"Sige balik nalang kami bukas bye sa inyo."

Tumango lang sila kaya umalis na kami.

"Whoo! Salamat naman." Tuwa kong sabi dahil kanina ko pang gustong umalis.

"Let's eat?"

"Tara. Gutom na ako nagrereklamo na 'yung tiger sa tyan ko."

"Yung lion din sa tyan ko nagwawala na din."

Black ButterflyWhere stories live. Discover now