Chapter 27

195 26 0
                                    

Chapter 27 : Birthday

Cyrine's Point of View

Nakaluhod si Jerome habang hawak ang tagiliran n'yang walang tigil sa pagdugo. Lumakas ang ihip ng hangin sa may bintana ng kwarto ko kaya ang mga buhok na nakahara sa muka ko ay naalis. Napahiga na s'ya sa sahig dahil sa sitwasyon n'ya. Nang napahiga s'ya, nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang babae sa likod ni Jerome na nakatayo habang hawak ang isang kutsilyong maraming dugo.

"S-Sophia?"

Inangat n'ya ang ulo n'ya kaya napatakip ako ng bibig. She smirked at me pero nananatili akong istatwa dahil sa gulat.

Naagaw ang atensyon namin kay Jerome sa pagtayo nito at naglakad palabas ng kwarto ko. Sinundan ko lang s'ya ng tingin hanggang sa mawala s'ya sa paningin ko.  Hindi ko na s'ya pinigilan dahil baka dito pa s'ya mamatay sa kwarto ko. Creepy.

Humarap na ulit ako kay Black butterfly pero nagulat ako dahil wala na s'ya sa harapan ko. Napatingin naman agad ako sa bintana.

Don't tell me sa bintana s'ya dumaan? Ang taas-taas kaya nito. Tumalon kaya s'ya?--bakit ang bilis-bilis nung mawala?

Nakangiwi ako habang nakatingin sa kabuuan ng kwarto ko. Parang dinaanan ng bagyo at lindol--ay meron pa pala...tsunami pa. Nag-ayos ako ng sarili ko. Sinuklay ko ang buhok ko at pinuyod. Umalis ako ng kwarto at bumaba. Nang makita ako ng ilan sa mga maids namin, agad silang lumapit sa akin kaya naman nagtaka ako.

"W-What's going on here--"

"Ma'am Cyrine sino po 'yung lalaki kanina?/Yung duguan po?/Pano po s'ya nakapasok?/Ano pong ginagawa n'ya dito?/kilala n'yo po ba s'ya?"paulit-ulit nila 'yang tinatanong at sabay-sabay pa kaya wala akong maintindihan.

"Stop! Stop! Stop! Stop! STOP!!!!"napasigaw na ako dahil nakakabingi na sila. Agad naman silang napatahimik at napayuko. "Pwedeng isa-isa muna kayo? Iisa lang ako at lima kayo."

"Sorry maam Cyrine." sabay-sabay nilang paumanhin.

Napabuntong hininga ako at napahawak sa batok ko. "Ok I'll explain everything...that guy na nakita n'yo kanina...wala lang 'yun. He's just my friend. Accidentally s'yang nasaksak ng kutsilyo sa tagiliran n'ya. I don't know how is that happened but don't mind him. Nagmamadali lang s'ya na umalis dahil nga ng kalagayan n'ya."

"Ganun po ba maam? Naku pasensya na po kayo dahil sa sobrang oa namin." maid 1

"It's ok but promise me one thing."

"Ano yun ma'am?" maid 2

"Don't tell mom about this...promise me that all of you will gonna be quiet understood?" they nodded. "Good. Pwede n'yo nang ipagpatuloy ang mga ginagawa n'yo."

Yumuko silang lahat at sabay-sabay na umalis. Ay teka. May kailangan nga pala kaming gawin. Makaalis na.

Aries' Point of View

Ang daya ng mga kaibigan ko nakalimutan ang birthday ko. Lampas na 'yung araw ko at akala ko maaalala nila hindi rin pala. Pag dumating din ang araw nila hindi ko sila papakielaman nakakatampo kaya.

Hala s'ya nabading na'ko.

Matamlay akong pumasok sa kwarto ko.

O__O???

Sinara ko ang pinto at lumapit sa kama ko na may mga...

REGALO?!

Umupo ako at kinuha ang isa tsaka tiningnan. Kahit isa ay walang nakalagay kung kanino galing.

Black ButterflyWhere stories live. Discover now