Chapter 51

128 20 0
                                    

Chapter 51 : Blame

Kianna's Point of View

"Hoy sis 'yung jowa mo nasa labas naghihintay sa'yo!" Sumakit ang tenga ko sa lakas ng boses ni Ate.

"Anong jowa? Wala akong jowa."

"Puntahan mo na kasi!"

Ano bang pinagsasasabi ng maingay na 'yon?

"Oo na oo na pupuntahan na!" Sigaw ko rin sa kanya at tumayo na para tingnan. "Sino ba naman kasi ito?"

Binuksan ko ang gate at nagulat ako nang makita si Linx na nakatayo sa harap ko pagkabukas ko palang nito. Napangiti naman s'ya nang makita ako.

"Teka anong ginagawa mo dito? Gabi na ah."

"Eh ano ngayon? Gusto kitang makita kaya wala akong pakialam. Kahit hatinggabi na pupuntahan pa rin kita."

Aba aba ang lalaking 'to pa-style.

Napailing nalang ako at lumabas na rin. "Tigil-tigilan mo ako Linx. Punta ka nang punta dito. Mapaano ka pa sa daan."

"Concern ka?"

"Ay alangan. Magiging kasalanan ko pa kung mapapahamak ka."

"Luh hindi ah. Gusto lang talaga kitang makita."

"Ikaw Linx nanliligaw ka palang ganyan ka na. Anong gagawin mo? Tititigan lang ako dito ganon?"

"Kayang-kaya. Kahit magdamag pa."

Pinisil ko ang ilong n'ya. "Dami mong alam."

Natawa lang s'ya at tinarayan ko naman s'ya habang nakangiti. Maangas dapat ako pero nawawala kapag kasama ko siya.

"Ay nga pala may ibibigay ako sa'yo."

"Mmm?"

"Yup. Wait." Pumunta s'ya sa kotse n'ya at may kinuha doon bago lumapit ulit sa akin. "Here. Binili ko para sa'yo."

Takang kinuha ko ang paper bag na inabot n'ya bago tiningnan ang laman.

O____O

Nanlalaki ang mga matang kinuha ko ito.

"Oh my Gosh. Ang cute. Thank you. Ang cute-cute." Nanggigigil ako habang hawak 'yung bigay n'yang ice bear sa we bare bears.

"Buti naman nagustuhan mo. Kinakabahan nga ako dahil baka hindi mo magustuhan."

"Uy hindi ah. Ito nga 'yung favorite ko sa tatlong characters ng we bare bears. Thank you talaga."

"Tch mas cute ka dyan."

"Hindi ka pa naman siguro uuwi 'di ba?"

"Uh... Oo?"

"Mamaya na. Pumasok muna tayo sa loob."

"Eh?"

"Mmm. Tulog na siguro si Ate. Tara sa loob." Hinawakan ko ang pulsuhan n'ya at hinila papasok tsaka ko sinara ang gate. "Sa loob nalang tayo mag-usap. Malamig dito sa labas."

Pumasok kami sa loob at umupo sa living room. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa umabot na sa pag-iingay. Nagluto din kami kahit parehas na hindi marunong tapos kami rin 'yung kumain. Nagluto kami ng adobo at itong kasama ko, s'ya ang nagbantay, pagkakita ko wala ng sabaw. Tapos ang alat pa. Ako kasi 'yung naglagay ng toyo haha. Gumawa din kami ng desserts. See? Kahit gabi nagawa naming magluto na parang mga noob. Lagot kami kay Ate bukas. Tsaka kay yaya Isabelle.

Aries' Point of View

Nakakainis. Lintik na kiss 'yan. Till now nasa isip ko pa. Biglang nag flashback nanaman ito sa isip ko kaya napabangon na ako sa kama.

Black ButterflyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora