Epilogue (Part 2)

151 7 0
                                    

After 5 months

Mariane's Point of View

"Huy Liam samahan mo naman ako sa bahay nina tito oh. Ayaw ko lang kasing istorbohin yung moment nung dalawa." Nakasimangot kong sabi kay Liam na nagbabasa ng libro habang nakatayo.

Napatingin siya kay Kevin at kay Kaylie na nagba-bake ng cake doon sa may kusina bago tumawa.

"Ok muka ngang hindi dapat sila ma-istorbo. Tara."

"Thank you Liam. Don't worry babalik din tayo agad. Let's go?"

"Mmm." tumango siya tsaka hinawakan ang kamay ko at maglalakad na sana nang pigilan ko siya.

"Kailangan pa bang hawakan ang kamay ko?"

"Ito naman holding hands lang naman eh. Walang malisya promise." tinaas pa niya ang kanang kamay.

"Psh ok."

Ngumiti siya bago ako hinila paalis.

****

Nandito na kami sa bahay nina tito. Pumasok kami sa gate at sa loob ng bahay.

"Hi tito, tita." Agad kong bati nang makita sila.

"Oh, hi Mariane." Masayang lumapit sa akin si tita at nakipagbeso sa akin.

"Buti napadalaw ka ang tagal na rin nung huli mong punta dito." bungad ni tito.

"Sorry tito you know naman si daddy, over protective."

"Si Kaylie nasaan?"

"Ay nako tita hindi ko na sinama baka masira 'yung masaya n'yang moment."

"Ganun ba--oh who's this guy? Boyfriend mo?" napatingin siya kay Liam na kasama ko.

"No tita. He's Liam," hinila ko si Liam palapit sa akin. "My friend."

"Ah akala ko boyfriend mo ang gwapo pa naman. Hello Liam I'm Kathrina. Tita ni Mariane."

"Magandang araw po." magalang nitong bati.

"Ako naman si Jacob. Mariane's uncle." nilahad ni tito ang kamay n'ya na inabot niya naman.

"Nice to meet you po."

"Ikaw din."

"Oh sakto nagluto ako ng desserts. Tara samahan n'yo kaming kumain."

"Ay sakto gutom na po ako. Tara Liam." Aya ko sa kasama.

"A-ah hindi na busog pa ako."

"At ano namang kinain mo?" Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Tara na huwag na mahiya."

"Sige na Liam sumama ka na sa amin."

"Oh narinig mo naman si tita. Kaya tara na."

Hindi pa rin ito pumapayag kaya hinawakan ko na ang kamay niya at hinila patungong kusina. Hindi nanaman siya tumanggi pa dahil hindi ko rin siya hahayaan.

Christine's Point of View

"Aba mukang nag level-up si bunso ah. Sa'n ang lakad natin?" bungad ko kay Kianna na kakababa lang.

Sobrang ganda n'ya kasi ngayon. Maganda naman talaga s'ya eh mas maganda s'ya ngayon. Bakit pa nga ba ako magtataka eh nagmana naman s'ya sa'kin haha---Choss.

"Sira. Secret ko nalang kung saan ako pupunta."

"Sus may date kayo ni Linx ano? Hay nako sinasabi ko sa'yo Kianna, kapag ikaw niloko n'yan mapapatay ko s'ya."

Black ButterflyWhere stories live. Discover now