Chapter 56

125 16 0
                                    

Chapter 56 :  Forest

Kianna's Point of View

Something is wrong and I am sure about that. Wala kaming napala ni Liam kagabi. Till now wala pa akong balita kay Ate. Wala na akong pakealam sa iniisip ko kung totoo o hindi basta ang nasa isip ko lang, may nangyari nang hindi maganda sa kanya.

Patuloy lang ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang mag ring ang cellphone ko. Mabilis na kinuha ko ito at tiningnan kung si Ate. Labis na natuwa ako dahil si Ate nga.

"Hello Ate? Nasa'n ka ba? Kahapon pa kitang hinahanap. Pinag-aalala mo ako alam mo ba 'yon ha? Nasa'n ka ba kase?"

Pero sa halip na boses ni ate ang marinig...

"[Hahahaha. Nakakatuwa ka naman Kianna.]"

Natigilan ako. I know him. I know that voice. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Jerome?"

"[I am.]"

"Bakit na sa'yo ang cellphone ni Ate?! Nasan s'ya?! Sabihin mo nasan s'ya?!"

Muli s'yang tumawa. "[Kung gusto mong makita ang Ate mo pati na rin ang mga kaibigan mo, pumunta ka dito sa  gubat isesend ko sa'yo kung saan. Come here now kung gusto mo pa silang maabutang buhay. ]"

I grinned my teeth. "Anong sabi mo? Pati mga kabigan ko?Ibig sabihin pati sila kinuha mo?"

"[Isn't it obvious Kianna? Isa lang naman ang dapat mong gawin. At iyon ay pumunta dito ng walang ibang kasama. Subukan mo lang magsama ng iba hindi ako magdadalawang isip na patayin ang mga 'to.]

"Wag na wag mo silang sasaktan. Pupunta ako d'yan ngayon din." Pinatay ko na ang tawag at nagmamadaling kinuha ang susi ko sa drawer tsaka kinuha ang leather jacket ko at tumakbo patungong kotse. "Buksan n'yo ang gate." Utos ko sa mga guard.

Pagpasok ko sa loob ay agad ko itong pinaandar palabas. Habang nagmamaneho, tinawagan ko si Liam.

Liam's Point of View

"Uy tol parang unti-unti silang nawawala?"

As usual magkasama kami dito sa as usual din dito kina Kaylie. But we are making sure na hindi nila naririnig ang pinag-uusapan namin. Nasa living room kami habang sila busy sa ginagawa nilang kung ano man.

"Kaya nga eh. Wala kaming napala ni Kianna kagabi sa paghahanap."

Sa pag-uusap namin ,nag ring ang cellphone ko sa bulsa ko. Kinuha ko ito at sinagot.

"Hello?"

"[Hello Liam.]"

"Oh Kianna. Napatawag ka? May balita ka na ba sa ate mo?"

"[Yes. At pupuntahan ko s'ya ngayon. Hindi lang si Ate. Pati na ang mga kaibigan ko.]"

"Kaibigan? You mean Cyrine and Angela?"

"[Oo. Papunta ako sa gubat ngayon. Kinuha sila ni Jerome at pupunta ako para kunin sila.]"

"Ano?! Saang gubat? Teka bakit ka pupunta mag-isa?Sasamahan kita delikado ang gagawin mo."

"[It's ok I can handle myself. I need to go there now. Sumunod nalang kayo ni Kevin kung kinakailangan. I'll send the address.]"

"Talagang kailangan. Pupunta talaga kami dyan."

"[Sige na ibababa ko na'to bye.]" At binaba na nga n'ya ang tawag.

"Oh anong napag-usapan n'yo?"

Stress akong humarap sa kanya. "Pupunta daw s'ya sa gubat. Doon daw dinala ni Jerome ang Ate n'ya pati na ang mga kaibigan n'ya. At siguro pati na rin sina Luke."

Black ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon