Chapter 58

180 20 8
                                    

Chapter 58 : Revelation

Zhed's Point of View

"Ugh! We need to get out of here as soon as possible. Hindi ako nababagay dito nasasayang 'yung beuty ko." Mataray na sambit ni Cyrine.

"Baka mamaya patay na tayo inuuna mo pa din 'yang kaartihan mo."

Napangiwi sa inis si Cyrine sa sinabi ni Luke. "Alam mo ikaw palagi ka nalang kontra. Pwede bang wag ka nalang umimik?"

"Wag ka ring magsalita kung ayaw mong magsalita ako."

"So ano 'to? Nakadepende pa sayo 'yung pagsasalita ko?Kapal mo naman."

"Ang arte mo kase."

"Ikaw lang ang naaartihan sa akin. Ikaw lang 'yung nagrereact sa atin oh. Mahiya ka nga."

"Tsk. Tumigil nga kayo. Hindi na nga tayo ligtas inuuna nyo pa 'yang pag-aaway nyo."Si Christine na 'yung sumaway sa kanila kaya tumahimik na silang dalawa.

Tahimik lang akong nakaupo dito. Magkakasama kaming lahat liban kay Linx at Kianna. Lahat kami nakatali dito sa inuupuan namin. Nakakainis lang.

"Sina Linx at Kianna nalang 'yung wala dito. Sana naman hindi na sila makuha." Napatingin ako kay Angela sa sinabi n'ya.

"Sana matulungan nila tayo." Nakasimangot namang wika ni Cyrine.

"We don't have to waste our time para umasa sa hindi tayo sigurado. Kailangang gumawa tayo ng paraan para makatakas tayo dito." Seryoso namang sambit ni Sophia.

Hay...wala akong ganang makipag-usap ngayon. Iniisip ko si Linx. Ano na kayang nangyari do'n? Kung nandito kaming lahat, hindi malabong makuha din s'ya pati na si Kianna. Kung pwede lang sanang tawagan at warningan s'ya kaso wala sa'kin 'yung cellphone ko. Hindi ko alam kung nasaan. Naiwan ko pa yata. Tapos nakatali pa ako.

"Oh Zhed. Ang tahimik mo yata?"

Napatingin ako kay Aries. "Wala. Nag-aalala lang ako kay Linx."

"Shit. My sister. Pati ako nag-aalala sa kapatid ko." Pati si Christine halata ang pag-aalala sa kanya tulad ko.

"Ahh...nakakainis na. Ayoko na dito. Lagot sa'kin 'yang si Jerome kapag nakawala ako dito." Muling reklamo ni Cyrine.

"Wag kang mag-alala. Makakatakas tayo dito. Hindi ko lang alam kung pa'no pero...tiwala lang. Iyon ang mahalaga."

"Angela is right. Tiwala lang. Makakatakas tayo." Pagsang-ayon ni Sophia sa kanya.

Oo. Siguro nga makakatakas kami. Pero...ang hirap isipin kung pa'no. Ni walang paraan ang pumapasok sa isip ko ngayon.

Nabalot kami ng kaunting katahimikan.

"Ah..guys..."Napatingin kaming lahat kay Sophia nang magsalita ito. "May...gusto sana akong...sabihin sa inyong lahat."

Teka...wag n'yang sabihin na may tinatago nanaman s'ya sa akin o sa amin? Akala ko wala na s'yang sikreto. But I am willing to accept whatever that truth is.

"Ano 'yun?"---Cyrine.

"Ah..."

Natigil s'ya sa balak n'yang sabihin at sabay-sabay naman kaming napatingin sa bumukas na pintuan.

"You jerk!" Sigaw ni Cyrine sa kanya nang makapasok si Jerome.

"Ow hi everyone. Kamusta kayo dito?" nakakainis ang pagiging sarcastic n'ya.

"Ano nanamang pinaplano mo at dinala mo kaming lahat dito?"---Luke.

"Nasa'n ang kapatid ko?" Tanong ko.

Black ButterflyWhere stories live. Discover now