Chapter 29

186 23 1
                                    

Chapter 29 : Feelings

Zhed's Point of View

Nagising ako mula sa sobrang himbing ng pagkakatulog ko. Medyo masakit pa ang ulo ko kaya hirap akong bumangon. Napatingin ako sa salamin at nagulat ako sa itsura ko. I look like a monster---no worse than a monster I mean.

Naamoy ko rin ang sarili ko at napatakip agad ako ng ilong. Amoy alak pala ako. Biglang nagflashback 'yung nangyari kagabi. Nagpunta nga pala kaming bar at hindi ko inaasahang malalasing ako. Hindi ko alam kung sinong nagdala sa akin dito. Baka si Linx.

Tumakbo ako sa cr at naligo. Nag toothbrush din ako tsaka nag mouthwash ng dalawang beses dahil yung bibig ko ay amoy alak. Wala na akong maalala kagabi maliban sa nalasing ako at kasama ko nun si Sophia--

O___O?

Hala kasama ko nga pala si Sophia kagabi. What if may nasabi ako sa kanya? What if may nagawa akong hindi maganda? Pag nalalasing kasi ako at kung sino ang huli kong kasama may nasasabi akong hindi maganda o kaya bigla ko nalang sasaktan...Aish bakit kasi si Sophia pa? Sana si Linx o sina Luke nalang babae si Sophia eh tsaka mahal ko 'yun. Tsk. Sana naging maayos ako kagabi habang kasama s'ya.

Lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa kwarto ni Linx. As usual nadatnan ko s'ya na tulog na tulog pa rin. Tumingin ako sa wrist watch ko then sa kanya. It's already 11 am but he's still enjoying lying on the bed. Lumapit ako sa kanya at katulad nga ng lagi kong ginagawa, hinila ko ng mabilis ang unan nya at hinampas sa kanyang muka.

"Aray! Kuya inaantok pa ako eh puyat ako ok?" tinalikuran n'ya ako at natulog ulit.

"Anong puyat? Don't tell me naglasing ka kagabi? Ako lang ang pwede at hindi ikaw."

"Isa lang naman. Hindi na mauulit."

"Tsk. Ano bang oras ka umuwi ha?"

"I think mga nasa 10 pm."

"Maaga naman pala eh. Bakit ka naman napuyat ng ganyan?"

"10 pm akong nakauwi pero 4 am na ako nakatulog."

"What?! Anong nakain mo at late ka na natulog ha? Huy Linx sumagot ka."

"Sorry kuya may nangyari kagabi na hindi nagpatulog sa'kin so please lang...gigising ako mamaya inaantok pa talaga ako."

"Ok pero before mag 1 pm gigising ka na."

"I will."

Lumabas na ako ng kwarto n'ya at nagpunta sa kusina. Nadatnan ko si Manang na inaayos ang mga pagkain sa lamesa.

"Goodmorning manang." bati ko.

"Oh Zhed gising ka na pala. Gigisingin pa sana kita. Halika naghanda na ako ng pagkain n'yo. Si Linx?"

"Nandun sa kwarto n'ya tulog pa napuyat daw."

"Hindi naman s'ya nalasing kagabi. Nauna pa nga s'yang umuwi sa'yo."

"Po? Nauna si Linx? Kung ganon sino ang naghatid sa'kin dito?"

"Ah yung Girlfriend mo."

"Si Sophia?"

"Oo. S'ya kumain ka na may gagawin pa ako." umalis na s'ya at ako naman ay naiwang gulat na gulat.

Si Sophia ang kasama ko kagabi tapos s'ya pa ang naghatid sa'kin? Kainis!

Kumain nalang ako nang kumain dahil pakiramdam ko isang taon akong hindi kumain sobrang nagutom ako grabe. Nakailang kain ako ng paborito ko at nung favorite namin ni Linx kaya sure akong magagalit sa akin 'yon kapag inubusan ko s'ya ng paborito naming dalawa kaya sinabi ko kay Manang nung matapos akong kumain na ipagluto nalang si Linx noon at ng kahit anong pagkain. Sinabi ko ring huwag kakalimutan ang ice cream para mas matuwa s'ya.

Black ButterflyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon