Chapter 21

204 26 0
                                    

Chapter 21 : Mall

Cyrine's Point of View

"Mom alis lang ako saglit."

"Ok uuwi ka agad ah?"

"Yes mom bye." Nagbeso kami ni mommy bago ako lumabas ng bahay.

Sumakay ako ng kotse ko na nakapark sa labas ng gate tsaka pinaandar palayo. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Angela.

"Hello beshy."

"[Hello Cyrine, bakit?]"

"Samahan mo naman ako sa mall."

"[Uy Sakto wala akong ginagawa. Okay sige saang mall?]"

"Sa mall na pinuntahan natin last time."

"[Sure. Intayin mo ako sa parking lot.]"

"Mmm see yah." In-end ko ang tawag at pinagpatuloy ang pagmamaneho.

I am going to change my hair color. Sawa na ako sa black. It's time for blonde hair.

Nang makarating ako sa parking lot, naghanap ako ng space for my car to park on. At nang makakita ako, pumunta ako doon pero bago pa ako makalapit, naitigil ko agad ang sasakyan ko dahil sa biglaang pagpark nung isang kotse. Nakaramdam ako ng inis sa ginawa n'ya. Inis na lumapit ako sa lalaking may-ari ng sasakyan nang lumabas ito.

"Hoy lalaki ako ang nauna d'yan---" Nagulat ako sa nakita kong pagmumuka sa harap ko at ganun din s'ya sa akin. "You?! Again?! Sa loob ng mall ininis mo na ako pati ba naman dito sa labas?"

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw. Ako 'yung nauna d'yan at umepal ka naman."

"Bakit ako 'yung nakapark kung ikaw ang nauna?"

"Malamang nang-agaw ka."

"Aba kasalanan ko bang ang bagal-bagal mo?"

Napapikit na ako sa inis. "Wag mong hintayin na makapanapak ako. Tatalsik ka talaga d'yan kahit babae ako."

Napangiwi s'ya. "Talaga lang ah?"

"Hey bro I'm here." Maya-maya may dumating na isang lalaki. "Oh who's this? Girlfriend mo?" tinuro ako nung lalaki.

"Yuck." Agad kong react.

"Ah hindi ba sorry."

"Hello friend nandito ka lang pala." Mula naman sa likod ko, dumating si Angela.

"San ka nagpark?"

"Ah doon lang." Turo n'ya sa direksyon kung sa'n s'ya nagpark. "Buti nalang may umalis na sasakyan pagkarating ko so hindi ako nahirapan."

Ang dami kasing kotse dito wala akong mahanap na bakante. Kung meron ay sa kabila pa nakakatamad umikot.

"Uy Angela."

Napatingin si Angela dun sa isang lalaki at nagulat ito nang makita s'ya. "Wow Aries ikaw pala."

"Mag kakilala kayo?" Bulong ko.

"Mmm." tumango s'ya.

"Nga pala this is Luke ang madaldal kong kaibigan."

"Oh hi. And this is Cyrine. Kaibigan ko rin na madaldal." Sinamaan ko s'ya ng tingin sa sinabi nya pero tinawanan n'ya lang ako.

"Low nice to meet you." Nginitian ko nalang 'yung Aries daw ng tipid.

Nang magtama ang mga mata namin nitong mayabang na lalaki sa unahan ko, parehas naming tinarayan ang isa't isa.

Black ButterflyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora