Chapter 2

1.4K 54 2
                                    

Chapter 2 : Damn that Guy

Kianna's Point of View

"Ate naman eh! Saan ka ba galing ha? Alam mo bang alalang-alala na ako sa'yo!"

Hindi ko alam kung ano nanaman ang ginawa nitong magaling kong kapatid. Kanina ko pa kasing hinahanap ayaw magpakita. Hindi nalang n'ya sinabing balak n'yang makipaglaro ng tagu-taguan.

"None of your Business." boring n'yang sagot habang nakahiga sa kama n'ya at naglalaro ng codm.

"None of your business." panggagaya ko sa sinabi n'ya tsaka s'ya tinarayan. "Bahala ka nga d'yan kakain nalang ako."

"Dalhan mo na rin ako."

"May paa ka naman 'di ba? Pero kung tinatamad ka edi kay yaya ka mag-utos tss."

"Sungit."

"Whatever." Sinara ko na ang pinto ng kwarto n'ya at dumiretso sa kusina.

Kumuha ako ng fries, cake, ice cream, chocolate, burger basta lahat ng gusto ko.

Dumiretso ako sa kwarto ko tsaka binuksan ang tv at kumain. Anime lover ako kaya puro anime lang ang pinapanood ko. Nasa katapusan na ako ng pinapanood nang may nagdoorbell. Sumilip ako sa bintana at nakita ko 'yung dalawa kong kaibigan. Mukang alam ko na kung bakit.

"Yaya Isabelle! Yaya--"

"Bakit po ma'am?"

"Please open the gates. Nandito na ang dalawa kong kaibigan" utos ko.

Yumuko s'ya ng kaunti tsaka lumabas. Konting segundo lang ang lumipas at pumasok na sila sa kwarto ko ng hindi kumakatok.

-_-

"Ang takaw mo talaga ano? Ang dami-dami mong pagkain na ikaw lang ang kumakain." pati ba naman 'yun napansin pa nitong babaeng 'to.

"Tss. Eh ano ngayon? Asan si Cyrine? Dalawa kayong pumunta dito ah?"

"Nasa cr yata."

"I see. What brings you here?"

Umupo s'ya sa kama ko tsaka kumuha ng fries na kinakain ko. "Pupunta tayo sa mall."

"Mall nino?"

"Sa inyo."

"Bakit hindi pa sa inyo?" inaantok kong tanong.

"Maiba naman."

"Ano bang bibilhin natin?"

"Hmm...bibili tayo ng regalo dahil birthday ni Jake. "

"Nga pala. Ok."

Tumango lang sya tsaka humiga.

Pasalamat s'ya kaibigan ko s'ya dahil except sa mga maids...s'ya, si Cyrine at si Ate palang ang nakakahiga at nakakapasok sa kwarto ko.

"Hi guys"

Napatingin ako sa pinto nang may pumasok. Agad naman akong napangiwi sa attire at muka n'ya ngayon. Pa'no kasi kung makapagsuot ng dress konting yuko lang ata masisilipan na buti nalang may cycling 'tong suot na kakulay din ng suot n'ya tas 'yung muka grabe kung makapaglagay ng makeup. Buti nalang bumabagay pa sa kanya.

"Oh ba't ganyan ka makatingin? Hindi ka na nasanay sa kagandahan ko." tas nagflip hair pa ang luka. "Ano guys kelan tayo aalis?"

"Maliligo at magbibihis pa ako kaya doon muna kayo sa labas."

"K. Basta bilisan mo dahil tutulungan nyo pa akong magdesign para sa party mamaya. Wala pa sina Jake kasama nina mommy papunta sila sa kung saan so it's better na maayos natin lahat before sila umuwi. Mga bago mag 5 pm."

Black ButterflyWhere stories live. Discover now