Chapter 37

117 21 0
                                    

Chapter 37 : Friendship

Luke's Point of View

"Kamusta s'ya?" Tanong ko kay Linx.

Nakaupo s'ya sa couch at ako ay nakasandal sa pader sa tabi n'ya. Nasa private patient room na si daddy.

"Dahil malakas daw ang pagkakabangga sa daddy mo, malakas din daw ang impact ng pagkakatama ng ulo n'ya. Luke, I'm sorry to say this but your dad is in coma at kung magigising daw s'ya, posibleng magkaroon s'ya ng memory loss or Parkinson's disease which is kapag nawala ang 80 percent ng dopamine sa utak n'ya, magkakaroon sya nang ibat-ibang Pd symptoms. Pero posible rin daw na hindi na s'ya...a-alam mo na."

Napapikit ako at umupo sa tabi n'ya. Napahilamos ako ng muka tsaka napahawak sa ulo ko.

"Nakilala mo na ba kung sino? Nagreport ka na ba sa mga pulis?"

Umiling ako. "I'm not going to press charges against the person who did this."

Tiningnan n'ya ako nang nagtataka. "Ano? Bakit?"

"Malay mo isa dun sa tatlo hindi ba?"

Nagkibit balikat s'ya. "Sabagay. Kung sila nga, Tutulungan kitang pagbayaran nila ang ginawa nila at kahit ibang tao pa. But you need to make sure. Pa'no kung ibang tao nga?"

Tumingin ako sa kanya. "Kung ibang tao, ginawan ko na  ng paraan para makita s'ya at mahanap s'ya. Pero kung hindi lang s'ya ibang tao sa'kin at hindi ko inaasahang gagawin n'ya 'to, pasensyahan nalang dahil ako mismo ang gaganti sa kanya kahit na ano ko pa s'ya."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko matatanggap ang nangyari sa ama ko ng basta-basta. Dahil sa kanya, muntikan na akong mawalan ng ama at baka tuluyan na akong mawalan."

"Sino bang tinutukoy mo?"

"Alam mo at kilala mo kung sino s'ya." Tumayo na ulit ako. "Aalis na ako."

"Sa'n ka nanaman pupunta?"

"Basta."

"Alam mo kinakabahan na ako sa'yo."

"Don't be. Kung gusto mo na umuwi, you can go. Bahala na ang mga nurse na magbantay sa kanya. I'm leaving." Wala na s'yang nagawa nang umalis na ako.

Pumunta ako sa parking basement ng hospital para umalis when someone suddenly caught my attention. Tumingin ako sa may gilid ko at nakita ko si Jerome na nakatingin sa'kin habang nakasandal sa kotse n'ya. Ewan ko pero kusa akong lumapit sa kanya.

"Ano kamusta?"

Matalim ko s'yang tiningnan. At kita ko naman ang pang-aasar sa muka n'ya.

"Ikaw ba ang may kagagawan ng lahat ng ito?" Seryosong tanong ko.

"What do you mean?"

"Ikaw ba ang bumangga sa daddy ko?" Tanong ko ulit sa mas malinaw na tanong na ikinatawa n'ya.

"Bakit naman ako ang tinatanong mo?"

"Tinatanong kita kaya sumagot ka!" Inis na sigaw ko na.

"Fine, fine. Alam ko namang kaaway n'yo ako pero kayo lang at hindi ang Daddy mo. So I have no reason to do that. Bakit hindi mo itanong kay Aries?"

Nagulat ako sa sinabi n'ya. "What?"

"Alam kong s'ya ang may gawa nito kasi nakita ko s'ya. Alam kong sinadya n'yang banggain ang daddy mo. Kasi alam naman nating lahat na kapag lumiko ka, makikita mo agad kung may tatawid ba o wala kasi kahit ako mismo ang mag d-drive, makikita ko 'yon. So isa lang ang ibigsabihin nito. And that is sinadya n'yang gawin yo'n. Dahil kung hindi, sana tumigil muna s'ya hindi ba hindi 'yung dire-diretso? Tapos nakita ko pang nilampasan niya lang kayo."

Black ButterflyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora