Tumakbo ng mabilis si Dave at Ezra sa direksyon ng halimaw. Sumunod naman kami ni Armie habang sina Jessa at Nema ay nagpaiwan lang. Nashock ata sila sa nakita nila kaya hindi na sila nakagalaw pa.

Kanya kanya kaming tutok ng flashlights sa every direction ng gubat. Nandito na ulit ang halimaw. Siguradong pinagmamasdan nya lang kami. Nasa isang sulok lang sya na hindi namin nakikita. Madilim at umuulan kaya mas mahirap itong makita.

Bigla itong lumabas galing sa itaas ng puno. Sabay naming lahat itong pinaputukan ngunit hindi ito natamaan. Tumigil kaagad ang lahat sa pagpapaputok. Nawala na naman ito. Ang bilis nya! Nito!

Anong klaseng nilalang ito?

Bakit ang lakas nito?

Nakita ata ni ang Dave halimaw kaya nagpaputok na naman sya. Sunod-sunod ang pagpapaputok nya ng stun-gun. Wala naman syang natatamaan. Malapit na kay Ezra ang direksiyon ng pinapuputukan niya.

"Dave tama na!!!" Sigaw ni Armie ngunit huli na. Imbes na ang halimaw ang matamaan ay si Ezra ang natamaan nya.

Agad naman na tumilapon si Ezra papalayo. Siguradong tulog sya sa tama nya. Hindi naman nakakamatay ang tama nito. Makukuryente ka lang at mahihimatay. Masakit parin.

Natulala na lang si Dave sa nangyari. Tumakbo kami ni Armie sa pinagtilapunan ni Ezra. Sa malayo pa lang ay kita na namin ang ilaw ng flashlight nya. Nang sandaling malapit na kami sa kanya ay biglang may humila sa kanya. Napasigaw na lang ako ng malakas.

"Flex? Flex? Tara na!" Sigaw ni Armie. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Hinahabol ko ang hininga ko. Dahil yata ito sa lamig at takot. Naghahalo na ang nararamdaman ko. Patuloy akong pinapakalma ni Armie. Breathe in, breathe out. Wala na si Ezra.

"Flex? Hello Flex?" Tanong ni Taissa sa kabilang linya. May pangamba sa boses nya.

"B..ba..bakit?" Tugon ko.

"Balikan nyo sina Jessa at Nema, nandun na ang halimaw!"



NEMA

Naiwan kaming dalawa ni Jessa dito malapit sa may tents. Ang tagal nilang bumalik. Matagal nga ba? O parang humahaba lang ang oras dahil sa nadarama naming takot?

"Andito na sila!" Sambit ni Jessa na sumilay ang ngiti sa kanyang mukha.

Sa wakas ay bumalik na rin sila. Makikita ang ilaw ng flashlight na paparating kaya sinalubong namin sila.

"T... t... a.... o..." Choppy ang linya ni Taissa.

"Hindi klaro Taissa." Aniya ko sa kanya habang tinatapik ang earpiece ko. May gustong sabihin si Taissa. Malapit na kami sa ilaw.

"T A K B O ! ! !" Ang pagsisigaw ni Taissa sa kabilang linya. Kasabay non ang malakas na tili ni Jessa.

Tumayo ang mga balahibo ko sa sumunod na nakita ko. Hawak ng halimaw ang duguang katawan ni Ezra. Parang laruan nya lang kung hawakan ito. Ni parang wala itong bigat sa kanya. Patay na ba siya? Hindi ito totoo.

Tinutok ko ang shotgun sa ulo ng halimaw. Nakatitig sa akin ang nanlilisik nyang mga mata. Pinaputok ko ito ngunit bigla nyang pinangharang ang katawan ni Ezra. Nanghina ang mga tuhod ko. Siguradong patay na si Ezra dahil durog na ang ulo nito sa tama ng shotgun.

Itinapon ng halimaw ang katawan ni Ezra at dahan dahang lumakad papalapit sa amin. Maririnig ang mahinang hugyaw ng halimaw. Parang ang tunog ng galit na aso.

Dahan dahan akong lumapit kay Jessa habang nakatutok pa rin ang hawak kong shotgun sa halimaw. Nang malapit na ko sa kanya ay bigla ko syang hinila ng buong lakas.

"Takbo Jess!!!" Sigaw ko sa kanya. Tumakbo naman sya sa hudyat ko habang ako ay nagpaulan naman ng putok sa halimaw. Nakakabingi ang tunog nito at ng tunog ng buhos ng ulan.

Umikot ang halimaw. Iniiwasan nya ang mga putok. Naghahanda ito. Bigla syang lumapit sa akin at sinakmal ako sa braso. Nanlabo ang mata ko sa sakit ng kagat nya. Ngunit hindi ako nagpadaig sa kanya. Itinutok ko ang shotgun at ipinutok sa bandang dibdib nya. Napabitiw sya sa pagkagat kasabay ng pagkalmot sa leeg ko. Napaungol sya ng malakas kasabay ng pag-ungol ko. Parehas na kaming sugatan.

Sinundan ko si Jessa kahit sobrang sakit na ang nararamdaman ko. Kung gaano kalakas ang ulan ay ganoon din kalakas ang pagtulo ng dugo galing sa mga sugat ko.

"Nem andito ako." Pagtawag ni Jessa sa akin. Pumunta ako sa dako kung nasaan sya.

Hindi na ako nakapagsalita sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Grabe ang pagtangos ni Jessa habang hinahawakan ako. Kita nya kung gaano na ako kagrabe.

"Nem wag kang bibigay ha?" Umiiyak nyang sabi.

Grrowwwllll!!!

Nandito na ulit ang halimaw. Ngunit unti unti na yatang nawawala ang wisyo ko. Umiikot na ang paningin ko.

Lagot na.


JESSA

Nakita ko na ang pinakamalalang dapat makita. Ang patay na katawan ni Ezra at ang naghihingalong si Nema. Nakaakbay sa kanang braso ko si Nema na pilit kong pinalalakad at sa kanang kamay naman ay hawak ko ang shotgun.

Palinga-linga ako habang kami ay tumatakbo. Hindi ko makita ang halimaw ngunit naririnig ko ang huni nito. Madulas ang daan dahil umuulan kaya mas mahirap ang pagtakbo namin.

Naririnig ko ang agos ng tubig. Malapit na yata kami sa Usok Falls. Alam kong sinusundan pa rin kami ng halimaw. Wala ng pag-asang masundan kami nina Armie. Wala akong tracker habang ang kay Nema naman ay nasira sa enkwentro nya kanina sa halimaw.

May naisip akong magandang paraan para makatakas sa halimaw.

Growwwwllllll!!!! Awwwoohh!!!

Nandito na sya! Dali dali kami na pumunta sa spring. Kalahating gising lang si Nema kaya ang hirap ng sitwasyon. Rinig ko na ang malakas na yabag ng halimaw.

Malapit na kami sa spring.

Nang time na tatalon na kami ay biglang hinablot ako ng halimaw sabay kagat sa braso ko. Mabilis ko ring itinutok sa kanya ang shotgun at pinaputok. Natamaan ito sa may bandang tyan. Napainda ang halimaw sa sakit at natanggal ang pagkakakagat nito sakin.

Kaagad akong sumunod na tumalon sa tubig kung saan nauna ng tumalon si Nema. Nagising na sya sa sobrang lamig. Agad kaming lumangoy patungo sa likod ng tubig ng Falls.

Hindi biro ang sobrang lamig ng tubig. Parang tinutusok ka lang ng libu-libong karayom sa sobrang lamig. Umuusok at nangangatal na rin ang mga bunganga namin.

Grrrrrr!!!!

Nandito pa rin ang halimaw. Makikita ko mula sa pinagtataguan namin na hinahanap at sinisinghot nya kung nasaan kami. Nag-aalala ako para kay Nema. Siguradong hindi sya makakatagal sa ganitong sitwasyon.

"Hhh.hin...d..di ko  na. kaya Jes." Nangangatal na sabi ni Nema.

"H..wwag kang bibitiw Nem." Tugon ko. Wala na kong mailuluha sa sobrang lamig.

~~~~

This chapter contains violence. Strong parental guidance is advised.

•Follow me
•Recommend
•Comment
•Vote a ⭐️

Thank you 😘

GROWLING HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon