Car accident

505 3 0
                                    

"Car accident"

Hi, alam kong normal story na ang pag nakaka encounter ka ng doppelganger. Pero yung sa experience ko, I never thought that I could experience the whole thing. Ganto kasi yan...
October 2015 ng i-invite kami ng sister ko for her birthday bash in Tagaytay. So, after ng second class ko tinawagan ko boyfriend ko para i-pick up ako ng mga 7 pm for us to travel to Tagaytay. We agreed naman at sabi pa niya he'll pick me up immediately. So fast forward tayo. Mga 7:30 pm nag end last subj. ko and I received a bad news. I failed my exam. So frustrated ako that time, at dami pang pinagawa ng prof namin. Nagtext naman ako kay Jax na maghintay na lang. I called him after class and here's our convo:

Him: Babe sorry ah? Paalis pa lang ako ng bahay.
Me: (Ngarag mode) KASI NAMAN SABI KO 7 EH. ANO BA JAX!!
Him: Eh kakalabas mo lang naman diba? Wait for me!
Me: I expected na nandito ka na since I told you na 7. Wth jax we're going to be late!
Him: Oo na okay! Wait!
Me: T****** jax! Hurry! Ano ba! 5 mins dapat nandito ka na.
Him: Are you kidding? Dude nasa Marikina ako!
Me: Fine. Let's not talk when you're not here in 5 mins.
Him: Isip bata amp!
Me: Faster ano ba kasi. Ang sabi 7, ano tanga lang? Kaasar ka! Di ka yata nag iisip!

Then he ended the call and naghintay ako sa tapat ng campus for him, ng mga 8:30 na di pa siya dumadating, I bombarded him with calls and texts at puro curses pa yon. I was at that haggard state that time at sobrang pagod ako kaya siguro binuhos ko sa kanya lahat. And mga bandang 9 my sister called me and she said na "I heard sa friend ko na kakarating lang dito may car accident sa may Provident kaya okay lang kung malelate kayo ni Jax. Be safe." And that moment, nanlamig katawan ko at naluluha na ako. Pag may nangyaring masama sa kanya, di ko kakayanin. I texted him again, and after a few minutes his car pulled up in front of me and grabe ang relief ko nun.
Pagpasok ko, bigla akong kinilabutan and napatingin ako sa boyfriend ko na parang ang emotionless niya. Deep inside sabi ko sa sarili ko baka kasi nasaktan siya, napagsalitaan ko kasi. We didn't talked at nagdrive lang siya nagdrive. Ang lamig sa kotse nun at pinatay ko na nga aircon pero parang iba. Yung lamig na nanunuot. Tapos di pa siya nag sasalita so ang creepy. Nang makarating kami ng Tagaytay mga 12, ako muna ang pinapasok sa loob ni Jax. At nang makita ako ng sister ko, she cried and hugged me at naguluhan ako. I asked her what happened and she showed me a text msg coming from an unknown number.

"Sandra, this is Jax' mother and di ko kasi macontact si Jess. Jax died in a car accident earlier mga 9. Please tell your sister na we need her."

And doon nanlamig ang buong katawan ko at parang may humigop ng lakas ko. Napatingin ako sa labas at wala doon ang kotseng sinakyan ko. Nanlaki ang mata ko at nanuyo ang lalamunan ko at bigla namang nagsalita sister ko.

"It's okay jess. I know you're shocked too. Bakit ka pa pumunta dito? Tara let's go to Manila na. Nasa morgue na daw katawan ni Jax eh. Teka, pano ka nga pala nakapunta dito?"

Doon ako nahimatay ng tuluyan. Wala na pala si Jax, di na pala siya kasama ko nun sa buong oras na papunta ako ng tagaytay. Hindi ko din alam paano ako nakarating doon pero ang alam ko lang, ako ang may kasalanan kung bakit namatay ang boyfriend ko. Kung hindi ako naging b*tch at di ko siya pinagmadali edi sana buhay pa siya hanggang ngayon.

Jessica
201*
Others


Secret Files PHOn viuen les histories. Descobreix ara