I had a girlfriend. My only girlfriend.

1.8K 5 1
                                    

I had a girlfriend. My only girlfriend.

Yung gf ko, may kambal. Magkamukhang  magkamukha sila. The difference between them was, yung mga ugali nila.

Charry, my gf, was madaldal, matalino, persistent and malakas ang loobsays Napakatapang nyang tao. While Cherry, her twin, ay napaka vulnerable tingnan, tahimik lang at mahinhin. Yung tipong kailangang protektahan.

Si Cherry yung unang nakilala ko kasi dinala sya ng kapatid ko dun sa bahay namin. Magkaklase sila ng kapatid ko. I really liked her. Very ideal na babae at matalino rin.

I thought her name was Charry. Charry yung sinabi ng kapatid ko. Pumunta ako ng bahay nila para manligaw. Kinabahan ako, pero di ako nagpadala. Hinanap ko si Charry sa mama nya , nagpaalam na rin akong manliligaw. Ngumiti lang sya tapos tumango bago tinawag si Charry.

Ibang tao yung nakita kong bumaba ng hagdan na patakbo. Nakasimangot. Tumingin sya sakin tapos ngumisi. Napangiti ako kahit nanibago ako.

Nag usap kami, yung nanay nya nakaupo lang nanonood ng movie pero alam kong nakikinig sya.

NV:
Charry: "Uy pogi, manliligaw ka raw sakin?"
Ako: Oo sana. Kung papayag ka?
Charry: Oo naman. Di ako tumatanggi sa pogi. Pero sigurado ka bang ako?
Ako: Oo. Ikaw talaga Charry.

Nagtaka man ako kasi pogi yung tawag nya sakin at hindi kuya, di ko pinansin. Tapos bigla syang sumigaw. Nagulat ako.

"Cherry! Cherry! May nanliligaw na sakin!"

Tapos may bumaba. Kamukhang kamukha nya. Bigla akong napakurap ng ngumiti.

Sabi nya "kuya, kumusta? Ingatan mo si ate ha?"

Napa "oo" nalang ako kahit nawindang yung utak ko. Pero nahiya ako kaya pinagpatuloy ko nalang.

7 months ko syang niligawan. Nakikisagap ng balita tungkol sa kambal nya. Sinagot niya ako ng graduation nila. Masaya naman ako kasi nakakatuwa syang kasama. No dull moments.

Hanggang nagdalawang taon na. Dun na kami parang gumulo. Naging busy sya, ganun din ako. Magkasama kami ng kambal nya sa work kasi dun sya nag apply. Nung nagtagal na, para akong nalito. May mga dumadaang tanong sa utak ko. Mas nakakasama ko ng madalas si Cherry, natutuwa ako kasi nagagawa ko syang alagaan na di ko nagagawa kay Charry kasi napaka independent nya.

Nagselos si Charry. Unang beses. Hanggang sa nag away kami. Unang beses. Di naman kasi sya nang aaway o naghahanap ng gulo. Inaway ko rin sya. It was one heated argument na nauwi sa sumbatan kung sinong mas nagsasakripisyo sa aming dalawa. Galit na galit na ako kasi ayaw nyang tumigil. Paulit ulit at paikot ikot nalang. Until I told her that...

"Di mo ba alam na si Cherry dapat yang nasa pwesto mo? Kasi sya dapat yung liligawan ko nun at hindi ikaw. Kung tama yung pangalan na sinabi ng kapatid ko, iba sana yung tinawag ng nanay mo."

Pero sabi nya " Alam ko. Pag nawala ba ako, magiging masaya ka? Kayo?"

I didn't mean it when I said yes. Sobrang nagalit lang ako.

Pagkatapos nun, nag sorry sya at ganun din ako. Tapos parang wala ng nangyari. Mahal ko si Charry, mas napatunayan ko yun ng natakot ako sa tinanong nya. Natakot akong mawala sya.Then Christmas and New year came. Sobrang saya naming nagcelebrate. Before the year ended, she gave herself to me. I was her first.

January 5, 2016.

Tawag ng tawag yung mama nya. Di ko masagot kasi may meeting kami. Paglabas ko ng conference room, andun si Cherry. Umiiyak. Her news broke me.

Wala na si Cherry. She took her own life. Pumunta kami ng hospital ng nakataxi. Di ko kinayang magdrive. I was shaking and crying. Pati si Cherry.

Paulit ulit nya akong sinasabihan ng "I love you" nung umagang yun. Pero pinatayan ko sya ng tawag nung nakulitan nya ako.

Sabi nya sa sulat nya, na mahal nya ako but why would she set me free? Asking me to be happy when I lost her that day. She was saying sorry for what she did to herself and thanking me for making her happy.

Sinisisi ko yung sarili ko. Hindi sana ako nagsalita ng masama. Yun lang ang alam kong dahilan.

Iniisip nyang hindi ako masaya. Na napilitan lang ako sa kanya. Kahit si Cherry yung nagustuhan ko nung una, sya naman yung minahal ko ng sobra. I should have showed her more assurance. Hindi sya masaya kasi lagi syang nagdududa na hindi ko sya mahal.

Mukha namang masaya ng huling araw na magkasama kami. Bakit hindi ko napansin na hindi yun totoo? Maybe because I focused too much on how I feel and not on how I make her feel. I never asked her if she was okay. I forgot everyone has a weakness. I was her weakness. My words were her poison.

Arnold M.
Computer Studies and Systems
2012
UEMnl
College

Secret Files PHWhere stories live. Discover now