One night we fought.

560 6 0
                                    


One night we fought.

A serious argument na umabot sa batuhan ng masasamang salita sa isa't isa.

Nagmurahan kami. Cursing each other. Hanggang sa umabot sa hiwalayan.

"MAMATAY KANA SANA!"

The last words I said before I hang up the phone.

Hindi na siya tumawag ulit.

Iyak ako ng iyak dahil masakit para sakin na umabot kami sa ganun. It was all started when he don't want us to celebrate our third anniversary together the day after this worse night because he said he is busy doing his plates.

I admit it, I became immature. I over-reacted. It was my fault why all of this happened.

The next morning I woke up.

When I checked my phone I saw 63 missed calls from his sister.

Wala pa akong load that time so I rushed to the near store ng nakayapak. Wala hilamos. Walang sipilyo. Wala lahat. I don't know the reason of the calls basta kinakabahan talaga ako.

Tinawagan ko yung sister ng boyfriend ko.

Me: BAT ANG DAMI MONG MISSED CALLS? ANONG NANGYARE?

At first hindi siya nagsasalita. Ilang beses kong inulit yung tanong. Hanggang sa sinabi niyang "Kinakatok namin sa kwarto niya kanina para gisingin pero di binubuksan. Sinusi nila mama ung pinto. Wala na si kuya, ate."

"Anong wala? Nasan siya?"

"Patay na si kuya. Binangungot."

Humahagulgol ang kapatid niya. Pero di parin ako naniwala. Pumunta ako mismo sa bahay nila pero naka lock ang bahay. Isang kapit bahay nila ang nag sabing nasa morgue na sila.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong mababaliw. Wallet at cellphone lang ang dala ko. Mula sa tindahan bumyahe ako sa bahay nila ng nakayapak. Iyak ako ng iyak habang tinatawagan ang phone ng boyfriend ko. Kahit out of coverage tinatadtad ko siya ng message na "Mag reply ka! Asan ka?!"

Hanggang sa dumating nalang yung sasakyan ng funeraria. May bitbit na gamit pang burol. Di ako makatayo sa kinauupuan ko. Pinipilit kong isipin na tang ina hindi to totoo! Nananaginip lang ako! Hindi ako iiwanan nun!

Bumaba sa kotse ung kapatid at mama ng boyfriend ko na umiiyak. Nilapitan ako at niyakap. May limang lalake na lumabas bitbit ang isang kabaong.

Ayokong tignan.

Hindi siya yun. Baka ginu-goodtime lang ako. Hindi pa patay ang boyfriend ko. Patawa tawa kong sinasabi sa sarili ko.

Pero nung nilagay na ung pangalan ng namatay hindi ko na nakayanan..

Buong pangalan ng boyfriend ko.

Dun na ako nag simulang mag wala. Nawala narin daw ako sa sarili simula nun. Nakikita nilang nagsasalita na raw ako mag isa. Kinakausap ko raw ang boyfriend ko habang nasa kabaong. Umiiyak ako at natatawa. Ilang buwan raw ako naging ganun.

Anniversaryng anniversary nagluluksa ako. (hanggang ngayon na nag tatype ako naluluha ako dahil ang sakit sakit alalahanin)

Inaway ko siya that night without knowing na may nakahanda pala siyang anniversary surprise para sakin.

Ayaw niyang makipag kita sa FEU dahil gusto niyang umuwi ako ng maaga sa bahay dahil dito niya gagawin ang suprise niyang ipagluto ako.

Ipinakita sakin ng mama ko lahat ng ingredients at pagkain na ipinatago ng boyfriend ko sa kanya na gagamitin nya sa araw ng anniversary namin.

Lalo akong nadurog nang nalaman ko yun. Inuntog ko ng inuntog ang ulo ko sa pader dahil naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko matanggap. Tangina. Ang sakit sakit mawalan. Hanggang ngayon pakiramdam ko kung maaaksidente ako o masasagasaan, papasalamatan ko pa ang makakapatay sakin eh.

Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay kung yung buhay ko, wala na.

Araw araw nasanay akong nandyan siya. Magkasama kami. Naririnig ko ang boses niya. Ngayon...

wala na.

Totoo nga siguro yung sinasabing Be careful what you wish for.. Kaya hanggang ngayon nagsisisi ako kung bakit ko sinabi yun.

Ang unfair. Sobrang unfair ng buhay.

Clara C**z
2010
Other
FEU Silang

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon