TINULUNGAN MO KO PERO INIWAN RIN

335 4 0
                                    

TINULUNGAN MO KO PERO INIWAN RIN

Death is something that everyone's afraid of. It's something that every people's been running away from. Habang ako? Eto hinahanap si kamatayan. Inaantay kung kailan ako mamamatay. Lahat na ginawa ko, naglaslas ako, uminom ng sleeping pills, nagpa-overdose sa mga gamot. Pero wala, eh, di talaga umepekto.

Pero a guy once told me na I should live my life like there's no tomorrow, dahil may mga tao na gusto pang magkaroon ng bukas ang buhay nila. Na gusto pang madugtungan ang mga oras na natitira sa kanila. Kaya naman sinunod ko sya. I lived my life like there's no tomorrow, say no to rules. Freedom is life, ika nga ng iba. But everything changed when I met him again. Gumuho ang mundo ko dahil sa kanya. Ngayon alam ko na kung ano ang gusto nya sakin, sabihin noong una kaming nagkita.

We met at hospital in Manila. Sa isang emergency room, obviously I tried to kill myself again kaya ako nasa ospital. Kinausap nya ko, nung una medyo naiilang ako kasi bukod sa di ko sya kilala, parang ang weird pa ng mukha nya, maputla, mapula ang mata, at laging nakangiti. Akala ko nga drug addict sya, eh, judgemental na kung judgemental pero kung kayo ang nasa prosisyon ko, yan rin ang maiisip nyo. Matangkad sya, itim na buhok, mapungay at maganda ang mata (yun nga lang mapula). Pwede mo rin syang mapagkalamang vampire dahil sa tipo ng pananamit nya.

Di pa rin sya tumitigil sa pagsasalita, kinakausap nya pa rin ako kahit na di ko sya pinapansin. Tapos bigla nyang napansin ang braso kong may laslas. Tinanong nya sakin kung bakit ko ginagawa yun, ang magpakamatay. Ang sabi ko wala. Siguro dahil sa mga sinasabi ng ibang tao tungkol sakin, may bipolar disorder ako at meron rin akong anxiety, minsan nasasabihan ako ng iba na baliw raw ako. Pero di ko sila pinapansin dahil di naman ganun kalala ang sakit ko. Nadadala lang ito ng depression dahil bukod sa hiwalay ang parents ko, hindi pa ganoon kaganda ang mga pinagdaanan ko sa buhay. Lumaki ako ng mag-isa, pinapadalahan ako ni daddy ng pera pero kulang pa pang gastos ko sa buong buwan, kaya kailangan kong magtrabaho para makapag-aral.

Sinabi nya sakin na di ko dapat sinasayang ang buhay ko nang dahil sa sinasabi ng ibang tao. He told me na maraming tao ang gusto pang mabuhay kaya dapat ang mga tulad kong malalakas pa ang pangangatawan di dapat ito sayangin. Kung tutuusin, tama naman sya. Di ko dapat sinasayang ang buhay ko dahil sa ibang tao kaya sinunod ko ang mga payo nya. Di ko man natanong ang pangalan nya pero tanda ko ang itsura nya. Tandan-tanda ko pa, kaya kung magkikita kami ulit pasasalamatan ko sya dahil sa words of wisdom nya.

After 3 years, masaya akong namuhay. Di ko pinapansin ang mga sinasabi ng iba dahil alam kong di naman ito totoo. Nagkaroon ako ng maayos na trabaho pagkatapos ko ng college. One time, nagpunta ako sa ospital para mag-donate ng dugo dahil napag-usapan namin ng mga kaibigan ko na sumali sa program ng Red Cross na mag-donate ng dugo. Tinest muna kung eligible ba kami mag-donate o hindi. Ang daming test ang ginawa, kinuhanan din kami ng konting dugo para matignan kung may complications ba ito.

Habang naghihintay sa emergency room, I saw him. He's smiling again. Nakita ko syang nakaupo sa wheel chair, tinuturukan sya ng nurse ng gamot sa braso. Kita ko ang sakit na nararamdaman nya sa mata nya. Even though he's smiling genuinely, you can feel his pain through his eyes. Alam kong may sakit sya. Kaya naman nilapitan ko sya.

Ako: Hi.

Him: Hi. Kilala kita. Have we met before?

It's been 3 years since I met him kaya siguro di nya ko makilala.

Ako: Ah oo. Dito rin sa hospital na to. Nagbigay ka pa nga ng words of wisdom, eh.

Him: Wait. I think, I remember you. Ikaw ba yung... ikaw yung naglaslas?

Ako: Yep, pero di ko na ulit ginawa yun after what you told me. Na-realize ko na tama ka. Di dapat ako nagpapaapekto sa mga sinasabi ng iba.

Him: Tama yan. Kala ko di ka nun nakikinig sakin, eh, di mo kasi ako pinapansin.

Nag-usap lang kami nang nag-usap hanggang sa nagkamabutihan kami. He told his name is Gerard. Tinanong ko sya kung ano ba talaga sakit nya pero di nya ko sinagot. He just changed the topic. Hiningi ko Fb name nya pero sabi nya di raw sya gumagamit ng kahit anong social media sites or apps. Sabi nya, kung gusto ko puntahan ko na lang daw sya dito sa ospital tuwing 2PM weekdays. Um-oo na lang ako. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Sobrang bait nya sakin pero di ko maiwasang mapaisip kung ano ba talaga ang sakit nya.

Days, months, years have passed, binibisita ko pa rin sya sa ospital. Tinanong ko sya kung gaano na ba sya katagal dun sa ospital na yun, ang sabi nya mag-8 years na raw. Lagi kong tinatanong kung ano sakit nya pero ngumingiti lang sya at nag-change topic. Sinubukan kong itanong sa mga nurses kung ano ito pero sabi nila di raw pwede sabihin dahil sabi ni Gerard.

He's already 24 years old and I'm 25. Di nagtagal nahulog ako sa kanya. Nagkagusto, minahal, umamin ako sa kanya na gusto ko na sya, pero ang sabi nya wag daw. Di raw ako pwede magkagusto sa kanya. Iba na lang daw dahil masasaktan lang ako. Di ko mapigilan yung feelings ko. Dumating yung araw na mahal ko na talaga sya. At yung araw na may ipagtatapat daw sya sakin. Sabi nya sa August 8. Saka nya sakin sasabihin ang lahat. Di ko maiwasan kabahan sa pagdating ng araw na yun. 1 month na lang at sasabihin na nya lahat.

Dumating ang araw na August 8. Nagpunta ako sa ospital. Nadatnan ko na nagkakagulo ang nurses at doctor. Lahat sila nagpupuntahan sa room ni Gerard kaya kinabahan ako. Nagpunta ako sa nurse station para tanungin kung ano nangyayari. Ang sabi nila inatake raw ng seizures ang patient. Tinanong ko kung ano ba talaga sakit ni Gerard pero wala, ayaw nila sabihin. Lumipas ang 1 oras.

Dumating ang araw na August 8. Nagpunta ako sa ospital. Nadatnan ko na nagkakagulo ang nurses at doctor. Lahat sila nagpupuntahan sa room ni Gerard kaya kinabahan ako. Nagpunta ako sa nurse station para tanungin kung ano nangyayari. Ang sabi nila inatake raw ng seizures ang patient. Tinanong ko kung ano ba talaga sakit ni Gerard pero wala, ayaw nila sabihin. Lumipas ang 1 oras, lumabas ang isang doctor.  

Doc: Iha, ikaw ba ang kasintahan ng pasyente?  Ako: Ah, hindi po. Kaibigan lang pero baka ho parating na yun. 

Doc: Pero sabi sakin ni Gerard, ang babaeng lagi raw nagpupunta sa kwarto nya, yon daw ang kasintahan nya. Ikaw lang ang dumadalaw sa kanya sa loob ng 5 taon.

Ako: Po? Eh, wala nga hong gusto sakin yun, eh. Tsaka, imposible naman po yatang walang dumadalaw sa kanya maliban sakin. 

Doc: Iha, pinabibigay ni Gerard, ikaw ba si Nicole?
Ako: Opo, ako nga po.
Doc: Para sayo nga to.

May inabot saking sulat si Doc.  Eto yung eksatong sinabi sakin ni Gerard.  Nicole,  Sorry. Alam kong binabasa mo na to ngayon dahil tama ang sabi ng doctor. I only have 6 more years to live after I got diagnosed with cancer. I have brain cancer at di na kaya pigilan ng gamot ang pagkalat ng cells. Sabi ni doc, anytime pwede raw ako magka-seizure which can cause my death. Writing this letter is painful. Di pa kita kayang iwan. The first time I met you, wala tinamaan, eh. Kahit na ang suplada mo nagsasalita parin ako. Sabi ko noon sa sarili ko na hahanapin kita pag gumaling nako. Magpapagaling ako para sayo. This may sound cliché pero na-love at first sight yata ako sayo. Please forgive me dahil di ko agad sinabi sayo kung ano ba talaga sakit ko. Ayokong kaawaan mo ko dahil dito dahil alam kong kaya ko pang gumaling. Pipilitin kong gumaling para sayo. Ikaw na lang ang taong nandyan para sakin. Lahat sila iniwan na ko, kahit parents ko iniwan ako. Nicole, mahal kita. Please forgive me for leaving you this early. August 8 is the day I first met you. And probably the last.  

Love, ‎Gerard 

My world fell after I read his letter. Sana sinabi nya agad. Sana nalaman ko agad. Sana nakagawa ako ng paraan para mapatagal ang buhay nya.   Gerard,  Alam kong nasa heaven ka na ngayon. Sana masaya ka na dyan, di mo na kailangan mahirapan dahil sa sakit mo noon. I miss you so much. Hanggang ngayon ikaw pa rin ang gusto ko. Sabi ng mga kaibigan ko, move on na raw ako cause it's been 2 years since you died. Siguro tama nga sila. Basta lagi mong tatandaan na one day we'll see each other again dyan sa heaven.  

Salamat sa mga nagbasa at tinapos ang story kahit medyo mahaba.  Nicole 201* Unknown

Secret Files PHWhere stories live. Discover now