I was raped but I was blamed

362 4 0
                                    

I was raped but I was blamed

Nakakaiyak di ba? Masakit kasi. Ako yung narape, pero ako yung nasisi. Ako yung nagago, pero ako daw yung gago. Like wtf? Kasalanan ko? Ginusto ko?

Almost five months ago, I was raped by my bestfriend. Yung bestfriend ko mula pagkabata, yung kuya ko na lagi akong pinagtatanggol, yung nag-aalaga sa akin pag may sakit ako at wala ang parents at boyfriend ko... Siya yung nagtali at nanghalay sa akin. 

Five months ago, I got sick with flu and hindi talaga ako makagalaw halos sa sobrang panghihina. Nasa probinsya nun ang parents ko at may work naman si boyfriend, so tinawagan niya si bestfriend para alagaan muna ako since sobrang nanghihina nga ako. Malaki nga din ang tiwala nila sa kanya since hindi first time na kinailangan ng magaalaga sa akin. Dumating si bestfriend before pumasok ng work si boyfriend. Nung una, okay naman. Pinakain niya ako ng lugaw tapos pinainom ng gamot then nakatulog ako.

Nagising ako later nung naramdaman kong parang may gumagalaw sa may kama ko. I was disoriented at first, pero nung matauhan ako, narealize ko na nakatali ang paa at kamay ko sa kama at ginugupit ng bestfriend ko ang damit ko. Sinigawan ko siya at nagmakaawa ako, pero parang wala siyang narinig at tuloy lang. Napatigil lang siya nung nakita niyang may dugo, I was a fvcking virgin. Pero after a few seconds, tinuloy niya na naman. Naiyak na lang ako.

My boyfriend caught him in the act at hinampas siya ng bote sa ulo kaya nawalan siya ng malay. Napaiyak na lang ako sa pandidiri habang kinakalagan ako ng boyfriend ko at tumatawag siya ng pulis. Sorry ako ng sorry sa kanya, at paulit-ulit niyang sinasabi na di ko kasalanan, pero di ako nakalaban. Nakulong ang bestfriend ko. Nung nalaman ng parents ko, agad silang umuwi. Pero instead na icomfort ako, sampal ang sinalubong sa akin ng tatay ko at masasakit na salita. Malandi daw ako, pokpok..

Pa, Ma. Hindi ko ginusto. Nagmakaawa ako na tigilan niya ako. Bakit kasalanan ko? Bakit boyfriend ko lang ang naniwala sa akin? Bakit siya lang ang nagtanggol sa akin?

Bakit pag may narerape kasalanan agad ng narape? Sa damit ko ba? Manang naman ako manamit. Sa kilos ko ba? Lalaki naman ako kumilos.

Bakit pag may babaeng nakasuot ng maiksi, malandi agad? Bakit pinapabago niyo ang pananamit nila? Hindi ba dapat ang baguhin eh kung paano magisip ang tao?

Tawag ng laman? Eh kung tanggalan ko kaya kayo ng laman, kayong may mga halang na kaluluwa?

Walang pinanganak na malibog, gago.

Ma, Pa. Sana patawarin niyo na ako. Ikakasal na kami ng boyfriend ko. Sana po pumunta kayo. Aakuin niya po ang bata sa tiyan ko.

confused
Education
2011
Education
UEMnl

Secret Files PHWo Geschichten leben. Entdecke jetzt