KUYA BILI MO KO NAPKIN

476 13 0
                                    

"KUYA BILI MO KO NAPKIN"

Nasa SM Sangandaan ako non, di ko naman alam na magkakaron pala ako ng regla nung araw na yon, mga hutaness! Hahaha. Medyo sumasakit na yung puson ko pero gora pa rin ako. Lakad pa rin ako ng lakad so habang tumatagal nararamdaman kong may bumubulwak sa perlas ko. Hahahaha. Hutaa yun pala lalabas na yung ketchup ko iiwww yukkk. Medyo may tagos na ko non pero di gaanong halata kasi nga yung high waist na suot ko non. Tas ayun binibilisan ko na lakad ko non papuntang CR, letse di ko mahanap. Kaya ayun nakita ko si kuyang pogi na nagce-cellphone, hinatak ko siya besss AS IN HATAK TALAGA HAHAHAHA gulat na gulat siya ih.

NV
Siya: Ate nasaktan ako ano ba yon?! (galit)
Ako: (medyo umiiyak kasi nga masakit na puson ko plus may tagos na ko) Kuya plsss huhuhu ang sakit talaga ng puson ko tapos may tagos na ko KUYA BILI MO KO NAPKIN PLSSSS
Siya: Shit. Come here.

Hahaha hutaaa ang bait niyaaa! Sinamahan ako ni kuya kung san yung CR, tapos ayun di pa ko pumapasok sa loob kasi yung kamay ko hawak niya pa. Umiiyak pa din ako non kasi nga yung puson ko talaga. Hahaha.

Siya: Shocks ate bat sakin ka pa nagpatulong? (medyo worry suya saken shet)
Ako: Ikaw lang po kasi nakita ko kuya sorry. Huhuhu. (iyak pa din hagulgol na)
Siya: Hayss okay okay. Bibili ako ng napkin tsaka shorts mo okay? Just wait. (natataranta)
Ako: (iyak pa ren)

So ayun na nga hinihintay ko siya sa labas ng  CR hahaha p*ta ang tagal niya. Iniisip ko baka tumakas na siya. Tung unu iyak na ko ng iyak. Hahahaha. Tas maya maya bumalik na siya. Eto naaaa! Hahahaha.

BESSS NIYAKAP NIYA KOOOOOO!!!!

Siya: Shit, miss please wag ka na umiyak (nakayakap). Oh eto pumunta ka na ng CR magpalit ka na hihintayin kita dito. (inabot saken yung paper bag na may damit, undies, short)

Bess yung panty na binili niya Hello Kitty HAHAHAHAHAHAHA!

Tapos ayun na nakapagpalit na ko tinapon ko na yung pantalon ko. Hahaha. Nakakahiya kasi kung iuuwi ko pa. Haha. Ayun na nga lumabas na ko sa CR nakita ko siya natataranta pa rin tingin ng tingin sa orasan niya.

Ako: Hmm kuyaaa (medyo paos)
Siya: (lumapit sakin) Ano? Okay ka na ba? Masakit pa ba puson mo?! Nyetaa miss dapat kanina pa ko nasa school eh. Hayss.
Ako: (medyo naiiyak na naman) Huhuhu kuya sorry po ikaw lang talaga nalapitan ko eh. Sorry talaga sorry.
Siya: Tsss okay lang. Tara kain tayo?
Ako: Ha??
Siya: Tsss halika nga. (hatak na naman niya ko)

So ayun na nga. Hahaha. Nilibre niya ko sa Jollibee kumain lang kami ng kumain tas tinanong niya din name ko sa fb p*taanesss ang kapal ng muka ko! Hahaha. Pero ang bait mo kuyaaa. Di ko alam kung reader siya dito. Hahahaha.

BASTA KUYA MARAMING SALAMAT SAYO. KUNG MABABASA MO MAN TO ALAM MONG IKAW TONG TINUTUKOY KO DITO.

Ps: Cute ako.
Pps: Tatag ko yung regla ko pag napost to.
Ppps: Nagcha-chat po kami ni kuya hanggang ngayon. Mwahaha.

Ncl Mcrd
Unknown

Secret Files PHWhere stories live. Discover now