Kim Hyun-Joong

597 8 0
                                    

Kim Hyun-Joong

Im from DLSU-D, graduated yr 2006 and here's my story...
1st year college yr 2002 orientation.. when i first laid my eyes on him alam ko sa sarili ko, nagkagusto na ko sa kanya. Lalo na ng di ko akalain na magiging classmates kaming dalwa. Tahimik sya at sobrang suplado, yung tipong kulang na lang ismiran ka, may thrill oo at mas humahanga ako sa ganong guy..pero dumating yung point na nakakahurt na pala. Di sya malapit sa mga girls, pero yung mga classmates kong babae pag inapproach sya..kinakausap naman nya, pero pag dating sakin hindi..nagtataka ako bakit ganon sya sakin, sobrang sinupladuhan nya ako, nakakatrauma na din minsan feeling ko napapahiya na ako, to the point na i was asking myself, bakit sobrang ilag sya sakin, naisip ko siguro dahil ba sa itsura ko? hindi kasi ako palaayos, may pagkaboyish pa ako..may itsura naman ako, chinita, maputi din at di ako nagpapabaya sa studies..hindi ko lang alam talaga kung may nagawa ba akong mali sa kanya noon? Kahit nalulungkot ako hinayaan ko na lang.

2nd yr college nagstart na ako magayos, nagsusuot na ako ng fitted clothes at naglalagay na ng light make up.. ganun pala pag nakapag make over, tumitingin na yung mga dating di naman tumitingin sayo, at kabilang na sya dun. Nahuhuli ko na syang sumusulyap sakin..kaya akala ko magbabago na ang lahat. Pero mali, hindi pala, ganun pa din yung trato nya sakin. Sobrang sinusupladuhan padin nya ako and it really bothered me, napapaisip talaga ako kung bakit sya ganon? and at the same time.. nasasaktan ako. Naguguluhan ako sa kanya, minsan magsmile sya sakin at minsan bubulyawan ako. Nasabihan pa nya ako bat daw ako nagpapa angkla ng braso sa lalaki, at sa kalsada pa? napaisip tuloy ako noon, anong sinasabi nya? sino yon? naalala ko pinsan ko, pinsan kong lalaki lang naman palagi ko kasabay umuuwi nun at ganun talaga kami kaclose. Di ko tuloy sya maintindihan kung ano gusto nyang iparating. Mas nalulungkot lang ako. Kung tratuhin nya ako para syang si Kim Hyun-Joong sa Playfull Kiss Kdrama pabigla biglang magagalit (kaya tawagin na lang natin syang Kim) ganun sya kasuplado sakin.

Masakit na.. wala pa akong mapagsabihan ng nararamdaman ko, hindi ko masabi sa mga kaibigan ko..kasi, ini li link nila si Kim sa isa kong kaibigan. May nabalitaan din ako na may crush daw sya sa lower batch namin. Kaya tumahimik na lang ako, kahit sobrang nalulungkot lalo na pag kinakantyawan nila si Kim at inili link sa babae tinatago ko na lang yung nararamdaman ko. Wala akong magawa..wala din naman akong karapatan na masaktan.. sinasarili ko na lang yung sakit na nararamdaman ko para sa kanya.

Isang araw, may masugid na nanligaw sakin..hinahatid sundo nya ako, simula noon naging kakaiba na ang kilos ni Kim. Kapag napapagawi ang tingin ko sa kanya masusurpresa na lang ako dahil nakatingin na pala sya sakin. Natitigilan na lang ako..dati kasi ako lang ang madalas na tumitingin sa kanya, pero ng sandaling yon ako na ang madalas bumibitiw ng mga tingin sa kanya. Para kasi akong matutunaw..kulang na lang pamulahan ako, sobrang kumakabog ang puso ko lalo na pag nakikita ko yung emosyon sa mga mata nya. Lalo lang tuloy tumitindi ang nararamdaman ko kay Kim.

Oo, mahal ko na talaga si Kim, pero wala akong lakas ng loob para umamin sa kanya..hindi ko din alam kung ganoon din ba yung nararamdaman nya sakin.

Dumating na yung time na napagod na ako sa paghihintay, hanggang sa mga titig ko na lang kasi napapadama at napapaabot sa kanya ung nararamdaman ko, takot akong magtapat baka kung ano pa ang sabihin nya at ng mga classmates namin, baka mapahiya ako o kaya mapagtawanan o kaya ireject nya. Bakit wala kasi syang ginagawa? Assuming na kung assuming pero para talagang may pag tingin sya sakin. Sobrang nadisappoint na ako, natuon ko na lang tuloy ang pansin ko sa manliligaw ko, matagal syang nanligaw sakin halos 6 months..sa huli, sinagot ko na din sya.
Akala ko, makakalimutan ko na si Kim, pero mas lalong nahulog lang ang loob ko sa kanya. Nagbago ang lahat..nagugulat na lang ako at nakikipagbiruan na sakin si Kim. Out of the blue, bigla syang tatabi sakin at mangungulit sa classroom! One time bigla syang sumulpot sa tabi ko at bigla bigla akong tinanong, ""sino ang mas gusto mo, si___ o ako?."" napamaang ako sa kanya, namamangha sa narinig habang tumitibok ang puso kong nagtatanong sa mga mata nya. ""huh?."" Sabi ko. ""mm..wala"" sagot na lang nya sakin, tipid na lang syang ngumiti sakin at lumabas na sya ng classroom.. hindi ko alam kung biro ba yon o totoo, pero masamang biro sakin yon.. mas nasasaktan lang kasi ako. Sa araw araw kasing dumaan sa buhay ko umaasa ako na isang araw may ipagtatapat syang nararamdaman sakin. Maraming beses syang naging ganoon.
Hanggang isang araw! Bigla nya akong sinabayan sa pag uwi! Lunch time! (Umuuwi kasi ako sa dorm ko para maglunch at ang bf ko naman madalas kasabay maglunch ang mga tropa nya) Nagulat na lang ako dahil hinihintay pala ako ni Kim sa may pintuan ng Food Lab! sabay na daw kaming umuwing dalwa! Para akong natuod habang nakatingin sa kanya. Mabilis ang tibok ng puso ko. Naramdaman ko na lang na naglalakad kaming pareho papuntang rotonda, pigil na pigil ko ang damdamin ko sa kanya..sumasabay ako sa mga hakbang nya habang nagtatanong ang isip ko kung bakit nagkakaganoon sya sakin? Pinakalma ko ang dumadagundong kong puso.. sya ang nagsimula magsalita. Nagusap kami, casual lang, kahit sa loob loob ko di pa din ako makapaniwala. Hanggang sa umabot sa usapang lovelife! ""Bat wala ka pang girlfriend..?"" casual kong tanong sa kanya kahit umuusal ang dibdib ko sa kaba, di ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob itanong yon. (ang gwapo nya, sobrang ganda ng mga mata, matalino pa sya kaya di nakakapagtakang di ako magkagusto sa kanya) ""Bat ayaw mo pa ligawan yung crush mong si ....?."" (tinukoy ko yung nababalitaan kong crush nya sa lower batch namin) patay malisya ako kunyari sa tanong ko kahit kabado ang puso ko sa magiging sagot nya.. ""Hindi ko naman talaga sya gusto.. hindi ko talaga crush yon, may gusto talaga akong iba kaso.. (tinignan nya ako sa mga mata) may boyfriend na sya.. hihintayin ko na lang na maghiwalay silang dalwa saka ako magtatapat sa kanya."" Sabi nya, ng sandaling yon, parang tumigil lahat ng mga bagay sa paligid ko, halos di ako makapagsalita, di ko maintindihan kung ano ang iaakto ko, parang gusto kong maiyak na di ko maintindihan, pigil na pigil ko ang sarili ko, ako ba yung babaeng tinutukoy nya? gusto ko ng itanong, kaso naduduwag talaga ako.. bigla na lang akong nanghina. Magkatabi kami sa jeep, pero di naguusap, sumasagap ng hangin, pinapakalma ang sarili ko habang nagpapakiramdaman kami sa isat isa. Pilit kong pinapagaan ang lungkot na nararamdaman ko.. nais kong umiyak pero hindi pwede. Hanggang sa bumaba na ako, thank you na lang ang nasabi ko sa kanya (nilibre nya kasi ako ng pamasahe) sya naman ay tipid na ngumiti na lang sakin. ""Sige"" pamamaalam nya.

Napakalungkot ko. Araw araw akong nagiisip kung ako ba ang tinutukoy nya? gusto kong malaman ang totoo kahit huli na, kahit may bf na ako! Ang bf ko, minahal ko sya pero kahit pagbalik baliktarin ko ang puso ko, iuntog ko ang ulo ko mahal ko talaga si Kim! Walang araw na nagdaramdam ako dahil di ko maamin ang pagmamahal ko sa kanya. Gusto kong ipagsigawan ang nararamdaman ko kay Kim! gusto ko ng magtapat, gusto ko ng malaman na baka sakaling ako yung babaeng gusto nya..!

Tumagal ang set up ng ganoon, may bf ako pero si Kim ang lihim kong minamahal, naisip ko ng makipaghiwalay sa bf ko, wala namang nakakaalam ng nararamdaman ko kay Kim pero alam kong nagiging unfair ako sa bf ko.. Hanggang sa, nalaman na ng bf ko na may gusto ako kay Kim! Nalaman nya yung nararamdaman ko ng mabasa nya ang sinusulat kong nobela..! Oo, matagal na akong nagsusulat ng nobela, sa nobela ko na lang kasi naidadaan ang nararamdaman ko para kay Kim, doon ko na lang ibinubuhos yung pagmamahal ko sa kanya. Nagalit ang bf ko sakin, alam ko naman na mali ako, pero pagkatapos non, hindi pa din nya ako binitawan! Di nya ako ni-let go.
Lumipas pa ang isang taon ganun pa din ang set up..3rd year hanggang mag 4th year na kami, parang go with the flow na lang, alam ng bf ko na di ko kayang magtapat kay kim kaya siguro di din sya bumibitaw sakin. Samantalang kami ni Kim ganon pa din, hanggang tinginan na lang.. hindi ko alam kung lungkot na lang ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Isang event sa catering subject namin ang naganap na alam kong pwedeng maging dahilan ng ikauuntog ni Kim. (Di ko na lang ikkwento dahil malalaman ng mga kabatch kong readers dito kung sino ako)
Right after non, naramdaman kong iniiwasan na ako ni Kim. Isang araw nag open up sakin ang classmate ko (na sobrang malapit kay Kim) sabi nya.. may nagugustuhan daw si Kim noon pa, araw araw pa daw nyang napapanaginipan yung girl.. kaso, hindi sya makapagtapat dahil may bf na yung girl. Parang halos may bikig ang lalamunan ko habang nakikinig sa kanya, tinanong ko sya kung sino yung girl, sabi nya ""wag na, hindi na, kasi ititigil na din daw ni Kim ang nararamdaman nya dun sa girl, iiwasan na daw niya yung girl kasi pagod na din daw sya maghintay."" Pigil pigil ko ang nararamdaman ko sa sinabi ng classmate ko.. gusto kong mapaiyak, nanlumo ako.

Simula noon, naramdaman ko na talagang sobrang iniiwasan na ako ni Kim. Wala na yung Kim na minsang naging palabiro sakin, si Kim na pa bigla biglang tatabi sa upuan ko at mangungulit, si kim na basta basta na lang bubuhatin yung paper bag ko dahil mukhang pagod na pagod na daw ako, si Kim na biglang susulpot sa harapan ko at sasabihin kung pwedeng sabay na kami umuwi. Tuluyan na akong nilayuan ni Kim..pinaramdam nya talaga sakin yung word na ""Tama na!""

Ang sakit, hanggang ngayon po nararamdaman ko pa din yung sakit, napapaiyak ako habang naalala ko lahat, pinupunasan ko ang luha ko habang sinusulat ko to, umaasa kasi ako na isang araw magkakaroon sya ng lakas ng loob na magtapat ng nararamdaman nya. Pero hindi po nangyari. Hanggang tingin na lang pala kaming dalwa. ""Lost in Your Eyes"" yun ang kanta ko para sa kanya.

Nabalitaan ko na lang na nagkagirlfriend na sya ng magtrabaho na sya. Hindi din kami nagkatuluyan ng bf ko.

Lesson learned: ""Don't hesitate to confess your feelings to someone you really love even they push you away, coz if you don't, you'll gonna regret it someday."" Parang ako, 30years old na ako..pero sobrang pinagsisisihan ko ang hindi ko nagawa noon, mamatay na ata ako na dala dala tong nararamdaman ko para sa kanya.

Pasensya na po sa pagbabasa.. napanaginipan ko na naman kasi sya, kaya sobrang naging emosyonal na naman ako. Sana next life..itadhana na kaming dalwa para sa isat isa.

""No matter how or life takes me away, i will always be thinking and loving you KIM""

Godbless Everyone!

FriendsterPrinzess College of Tourism and Hospitality Management
(CTHM) 2005-2008


Secret Files PHWhere stories live. Discover now