I MET HER IN THE DARK

316 5 0
                                    

"I MET HER IN THE DARK"

Nakilala ko sya sa NearGroup. Let's call her Nia and I'm Gio. She's looking for a friend na pwedeng paglabasan ng bigat ng loob. Depressed dahil sobrang pressure sa acads. Yung parents nya kasi parehas professional, isang licensed doctor at engineer. Lahat ng kapatid nya, graduate rin, yung dalawa magna cum laude at yung isa cum laude. Gusto ng parents nya na gumraduate rin sya with honor. 2nd year college pa lang sya at law ang kinuha nyang course. Gusto nya makipagkita agad sakin kahit isang linggo pa lang kami magka-chat. Nakuha ko agad loob nya at may tiwala sya sakin. Nagpalitan kami ng Fb account, at dun kami nag-usap. Somewhere in Sampaloc, Manila siya nakatira, at Bulacan naman ako. Hassle sa biyahe kasi malayo yung sa kanila, pero nakipagkita pa rin ako. Pumunta kami sa coffee shop malapit dun. Iyak sya nang iyak nung nakausap ko at niyakap nya rin ako. Wala na syang pake sa mga nakakakita samin. Pinatahan ko sya, bumili kami ng ice cream sa DQ. Sabi ko may problema ka pa bang iba? Bakit parang di lang sa acads at pressure sa pamilya yung problema mo? Sinabi nya sakin yung totoo na nagkaroon sya ng long time boyfriend, 4 years inabot nila. Binigay nya na raw lahat-lahat pati sarili, pero iniwan pa rin daw sya. Ramdam ko yung sakit ng nararamdaman nya. Hanggang sa every week nagkikita na kami. Ako lagi taga tahan sa kanya tuwing umiiyak, ako lagi umaalalay tuwing down na down, taga bigay ng advice, nagbibigay ng motivation para magpatuloy pa. Gusto ko sapakin yung ex nya. Gusto ko durugin pag nakita ko. Bakit nya niloko yung babaeng binigay lahat at walang inisip kundi pasayahin sya.

After a month, niligawan ko sya. Alam kong gusto nya rin ako dahil hinahanap-hanap nya na ko lagi. Sinagot nya rin ako, kahit sabi nya di pa raw sya buo. Sabi ko, hayaan mong tulungan kitang buuin ulit ang sarili mo. Tuwing magkasama kami, nakikita ko na yung tunay na Nia. Yung ngiti nya, yung pagtawa nang malakas, yung sobrang kulit pag kasama ako, sobrang ingay, etc. Ilang months naging ganun. Masaya lang kami palagi, kung may problema man pinag-uusapan agad.

Hanggang sa dumating yung isang araw na naging cold sya, walang text, call, chat. Yes, walang paramdam. Tinanong ko sa mga friends nya kung anong nangyari kay Nia, sabi nila nagkabalikan daw ulit sila ng ex nya na si Paul. Una, hindi ako naniwala. Naisip ko, hindi nya gagawin sakin yun dahil mahal na mahal nya ko. Na madami pa rin kaming pangarap balang araw na dapat tuparin. Pumunta ako sa mall na pinakamalapit sa kanila, sabi kasi ng mga friends nya dun ko raw sila matatagpuan. Tapos nakita ko sila sa isang cafe. Sabi ko, isa, dalawa, tatlo, babasagin ko mukha ni Paul o isa, dalawa, tatlo, aalis ako at di gagawa ng gulo. Palapit na ko sa kanila kaso nakita ko si Nia, yung saya nya habang kasama si Paul, totoong-totoo kaysa sa saya nya na kasama ako. Yung ngiti nya, yung tawa nyang malakas, sobrang ingay, mas nakita ko na mas totoo. Mas pinili ko umalis kaysa gumawa ng gulo. Nakita kong masaya na sya kay Paul kaya di na ko naghabol pa. Aanhin ko kung hahabulin ko sya, kung masaya naman na sya sa iba. Ang sakit. Sobrang sakit. Pero kailangan kong lumisan dahil may nagpapasaya na sa kanyang iba. Na-feel ko na parang ginamit nya lang ako para mabuo sya. Nung nabuo na ulit, pumunta na ulit sa ex nya. Bakit nya pa kailangan balikan yun kung niloko at iniwan lang sya nun? I met her in the dark at tinanggap ko sya, minahal ng buo, pero bakit yun pa rin ang kapalit?

Salamat na rin Nia dahil sa maikling panahon naramdaman kong naging totoo ka sakin. Na minahal mo rin ako kahit sa panandalian lang. Salamat dahil pina-realize mo sakin na hindi ikaw yung babaeng nararapat sakin at dapat pakasalan balang araw. Mahal na mahal kita, Nia. Pero hanggang dito na lang.

Gio
2014
CEU

Secret Files PHWhere stories live. Discover now