ALMOST

324 6 0
                                    


ALMOST

The saddest word for me is "almost". We almost made it. We almost did it. We're almost there. Almost. Not quite.

5 months before our wedding. Iniwan mo 'ko.

Dyan palang, ramdam na ng ibang tao kung gano kasakit yung ginawa mo sakin. Sobra daw. Ang hirap mo daw patawarin pero para sakin, sakto lang. Hindi ko ibinabaon yung sarili ko sa lungkot o sakit na nararamdaman ko ngayon. Halos isang taon natin plinano yung kasal natin. Mula sa damit na isusuot ng lahat, sa ichura ng singsing, mga pagkain, souvenirs, lugar kung san tayo ikakasal, ilan ang mga bisita, at kung gano kadaming gastos yon. Natapos natin yung plano. Di ko naisip na pwedeng sa plano nalang din yun matapos.
We're together for 4 years. 4 fucking years. Who would have thought that this could happen. After all the preparations, you just left me. Like nothing has ever planned. Why? Simply because, you love someone else. You've realized that i'm not the one for you. That i'm just like a stepping stone, for you and your ex's happy ending.
Bullshit.

Niyaya mo ko magpakasal. I said yes. Kasi ramdam ko namang masaya ka sakin e. Masaya tayo. Then one day, paggising ko, nagparamdam yung ex mo sayo, at gumawa ka ng paraan para magkabalikan kayo. Ang bilis ng pangyayari. Wala na kong nagawa. Nakakagago nga e. Like, "Hey, nandito ako. Eto na yung singsing sa kamay ko. Binigay mo 'to baka nakakalimutan mo. Ano tol, trip trip ba tayo dito?"

Ang hirap kasi intindihin e. Kahit ipaliwanag mo sakin, malabo pa rin. Kwento mo sakin dati, sobrang mahal mo sya nun. Pinagtabuyan ka nya nung inaayos mo yung relasyon nyong dalawa, kasi may mahal na syang iba but that was 5 years ago. Kaya sinubukan mo syang kalimutan at naghanap ka ng iba, and unfortunately, it was me. Ako yung nadamay sa trip mo. Ako yung "iba" na tinutukoy mo. Okay ka lang? 4 years na tayo. Ikakasal na nga dapat e, "iba" pa rin ako para sayo?

Sa apat na taon na yun, alam kong nagkaron ka ng tatlong girlfriends bago ako. At alam ko din naman na yung karelasyon mo before me e true love mo kamo. Ganun mo sya ibinida sakin bago maging tayo. Pero pinangako mo sakin na sinusubukan mo na sya kalimutan nun e. Na konti nalang makakamove on ka na. Na mas ramdam mo ng masaya ka na ulit sakin. Na nawawala na yung lungkot mo nung iniwan ka nya. Pero eto tayo ngayon, apat na taon na ang lumipas, imbis magkatuluyan e natuluyan na. Wala ka kasing isang salita e. Yung mga pinangako mo sakin nakalimutan mo na pero yung feelings mo sa kanya, hindi pa?

Hindi ko na maisip kung dapat ko pa bang isa-isahin yung mga nangyari satin kaya mo ko napa-oo ng dalawang beses. Una sa tanong na "Can you be my girlfriend?" Pangalawa sa "Will you marry me?" Crap. It took me 4 years, only to found out na fake yang mga tanong mo. At nakakabaliw na napaniwala mo 'ko. Na ako na yung nagpapasaya sayo. Ako na yung gusto mo makasama hanggang pagtanda mo. Ako na yung mahal mo. Pero pucha, nasan na yung mga pinaramdam mo sakin nung simula? Bakit mo binawi at ibinabalik dun sa taong itinaboy ka na dati. Alam mo na yung worth mo diba? Pero nilampaso mo ulit yang sarili mo at handa na namang maging laruan. Nakakaawa ka. Hindi dahil mahal kita pero naaawa ako sayo kasi mas bulag ka pa sa bulag at martyr ka pa sa martyr. Ikaw lang nagbibigay sa sarili mo ng kapansanan e. Gumaling ka na pero pinili mo ulit maligo ng katangahan.

Dinamay mo pa ko. Imbis na nakilala ko yung taong papahalagahan ako, hinarang mo. Kung nung una palang, hindi na kayo nag-inarte pareho edi sana hindi na ko pumasok sa eksena nyo. Edi sana dati palang happy ending na kayo. Edi sana masaya na din talaga ko. Sa taong para sakin at hindi yung manloloko.

Gigil na gigil ako seryoso pero nagipipigil lang ako. Gusto ko kayo murahin pero wala naman ng magagawa yun e. Sa kapal ng mukha nyo pareho? Magsasayang lang ako ng lakas. Kaya wag na. Gagamitin ko nalang yung lakas na yun para kalimutan ka. Pag naging mahina kasi ako, ipipilit ko lang yung sarili ko sayo. Magmumukha pa kong tanga. Edi naging magkamukha pa tayo. Tangina ayoko. Hindi ako magsasayang ng oras sa taong nagsasayang lang ng oras nya para sa iba.

And if i look at the brighter side of this, swerte pa rin ako kasi hindi pa tayo kasal bago mo yun ginawa sakin. But yeah, ilang taon yung sinayang mo. Pero mababawi ko naman yung mga yun. Kung papakiramdaman ko kasing masakit, madedepressed lang ako. Baka maisipan ko pang magpakamatay. Pero alam mong hindi ako ganun. Sayang ang ganda pag puro drama. Mahaba pa ang buhay at hindi ko yun sasayangin sa pag-iyak dahil iniwan mo ko. Madaming pwedeng gawin. Kayang-kaya ko maging masaya, kahit hindi ka kasama.

PS. Kinuha ko na yung share ko dun sa kasal dapat natin. Bahala kayong mag-ipon ulit ng sa inyo. Basta ako, magta-travel ako. Goodluck sa kasal nyo ha? Best wishes mga pakers!

Ms.Traveler

College of Science and Computer Studies
2010
Other

Secret Files PHWhere stories live. Discover now