Faith

524 6 1
                                    

"Faith"

I took her for granted.
Let's call her Faith.
Last July 2009 nung ligawan kita. 2010 March 28, nung sinagot mo. Oo, tandang tanda ko pa Sobrang saya ko nun kasi nasuklian ng pagmamahal mo yung paghihirap ko, 2 years alam kong okay pa ang lahat. Maswerte ako kasi kahit busy ako sa studies ko at bilang varsity ng school namin iniintindi mo pa rin ako kahit wala na akong time sayo. Alam ko sa sarili kong sobrang mahal mo ako. Nakuntento na akong mahal mo lang ako. Sabi ko noon sa sarili ko, di mo ako kayang iwan kasi sabi mo pa ako ang buhay mo..

Sabi mo noon, unti unti akong nagbabago at naging cold sayo pero imbes na suyuin kita sinabayan ko ang pagtatampo mo. Hinihintay kong ikaw ang unang magsorry, at hindi naman ako nabigo kasi ginawa mo yun. Hindi ko inisip na iiwan mo ako. All I know is hindi mo ako kayang iwan kasi mahal mo ako. Pero gaya nga nang kasabihan na 'There is no permanent in this world except CHANGE"

Last March 25 2013 before our 3years anniversary nahuli mo akong may kahalikang iba. And worst bestfriend mo pa. Oo nakita kita. Alam kong nakita mo kami ng kaibigan mo. Nakita ko yung mga luha mong umaagos sa mata mo. Nakita ko kong pano ka tumakbo ng mabilis. Lasing ako nun pero alam ko ang nangyayari. Dala na din siguro ng kalasingan kaya di ko na din nakontrol ang sarili ko. Dun lang ako nahimasmasan pero wala akong lakas ng loob na habulin ka. Ano pang mukha ang maihaharap ko sayo. Wala na akong lakas nung mga oras na yun.

Kinabukasan nun napagdesisyonan kong puntahan ka sa bahay niyo pero imbes na ikaw ang madatnan ko suntok ng Daddy at Kuya mo ang sumalubong sakin. Tinanggap ko yun kasi alam ko namang deserved ko yun. Umuwi ako sa bahay na hindi nalalaman kung asan ka. Naisipan kong mag online kinagabihan nakita ko ang status mo. "Single" na. Yung mga pictures natin together sa wall mo wala na lahat.

Wala na akong makitang bakas, wala na. Ganun kabilis. Nagmessage ako sayo. Nagpaliwanag ako. Kaso wala akong napala. Sabi ko mag-usap tayo pero lahat ng calls ko nirereject mo. Naiinis na ako noon. Pero iniisip ko nalang na di pwedeng sabayan ko ang galit mo. Kong anu ano pang paliwanag ang ginawa ko pero sa laking gulat ko bigla mo akong blinock sa facebook. Kinabukasan pumunta uli ako sainyo. Nagbabakasakaling harapin mo ako at kausapin man lang. Pero tanging pinsan mo lang ng andun at ayaw akong kausapin. I feel frustrated!
Pumunta ako sa bahay ng kaibigan mo pero bigo pa rin ako. Pinagtataguan mo pa ako?! Yun lang ang tanging lumalabas sa bibig ko kahit wala naman talaga akong kausap.

Sa mga lumipas na araw. Tuwing umaga, usually nandito ka sa bahay para isurprise ako at kulitin sa pag gising ko.

March 28, 2013.. nasan ka na? 3years anniv. natin Faith. Pero walang dumating na Faith maghapon.

Nakakabakla man pero namimiss na kita baby! Sobrang miss na kita. Pumunta ako sa bahay niyo kinabukasan pero si tita ang nadatnan ko. Yung coldness niya yung ramdam ko. Halos ayaw niya akong kausapin at mukhang napipilitan lang na harapin ako. Ang unang lumabas sa bibig ko

"Asan si Faith tita?"

Tita: Umalis na siya nung 27 nang gabi pa. 

"San pumunta tita?"

Tita: Sa ibang bansa.

After that di ko alam kong saan ako pupunta. Dinala ako sa playground kong saan kita unang nakita at nakilala. Ang sakit pala. sobrang masakit pala. Napaiyak nalang ako kasi napakawalang kwenta kong lalaki. Ano bang masamang ginawa mo para saktan kita. Ang tanga ko Faith! 4 years had passed and still ikaw pa rin ang nasa isipan ko.

Alam kong huli na ang lahat para maibalik ko pa yung dating tayo. Ang huling balita ko sayo In a relationship kana sa isang Fil-am at boto sakanya family at relatives mo. :)

I hope masaya ka na. Karma ko na siguro ito sa pananakit ko sayo.. 4 years na ang nakalipas pero wala parin akong maipalit sa pwesto mo. I know I am a Jerk for hurting you. I am really sorry baby. I love you and I still do.

Kuya K
Engineer
others
others

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon