"THE ONE THAT GOT AWAY"

396 4 0
                                    


"THE ONE THAT GOT AWAY"

We started talking last year on my birthday. Days passed you keep on sending me messages through FB. I knew you were just another typical guy na naghahanap ng chicks. Then you asked for my number, hindi ko binigay. January 1, 2016, first time natin magkatext. I knew you were trouble pero I said okay lang. Single ako. Single ka rin naman. But I just came from a 4-year relationship before you.. We first met January 08, 2016. Kasi ang kulit mo sobra.. Days passed, you asked me formally to go out on a date with you. And I said okay. You fetched me from work. Then after two days, we had dinner again. You gave me flowers. And that was the start of our courting stage. We get closer and closer each day. Ang bilis. And I knew babaero ka. At ako old school girl. Magkaibang magkaiba tayo. You've been with a lot of girls. Ako I've been with two.. I had to continuously remind you na nagmmove on pa ko at I was still rebuilding myself and you would always say na okay lang at willing to wait ka. Then eventually naging tayo rin. Lagi ko sinasabi na ang bilis ng mga pangyayari satin. Na takot ako masaktan na naman. Pero ikaw all out ka. Mahal na mahal mo ko at minahal na rin kita agad kahit takot ako na baka lokohin mo lang ako. Masaya. Sobrang saya. Funny guy ka kaya siguro na-fall ako agad. Noon lang ako naging sobrang saya sa taong kakakilala ko lang. Puro tayo tawanan. Dumating na ang mga araw na nag-aaway tayo, pero mas minahal natin isa't isa. Nagplano na tayo ng buhay natin. Sobrang sigurado ka na sakin. Isang gabi tinanong mo ko ng "Pag inaya ba kitang magpakasal bukas, papayag ka na?" Sabi ko hindi. Lagi akong ganun, kasi nga doubtful pa rin ako. Takot ako. Pero I knew deep down me, ikaw na yun. Na sana tayo na nga talaga.. Ang clingy mo. Text ka ng text. Tawag. Chat. Gusto mo lagi tayo nagkikita. Yung sweetness mo na para kang bata. One night magkachat tayo around 12am sabi ko magddinner lang ako. Baba lang ako from my condo unit. You said ikaw rin nagugutom. Sabi mo sabay na tayo magdinner tapos sabi mo luluwas ka (from Bulacan to Ortigas) para kain tayo nang sabay. Sabi ko "Baliw ka ba at hindi na dahil late na." Pero sobrang mapilit ka. Lumuwas ka para lang kumain tayo. You surprised me with flowers on ordinary days. Bouquet or single stem rose, kahit ano pa yan, you made my heart melt.. You always made me feel that I'm safe and secured.. Your height and built that made me feel na hindi ako masasaktan at protected ako. Ang saya mo kasama, dami nating photos and videos together na puro tawanan lang. Ang gaan ng buhay simula nung nakilala kita. Everything just felt so right for the first time. Sabi ko "Siguro nga, ikaw na yun. Ikaw na yung panghabangbuhay ko. At malamang tayo na talaga." Masaya lang. Hanggang sa nagpplano na tayo ng future nating dalawa dahil ganun ka rin naman pala, gusto mo ako na yung huling mamahalin mo. Nagplano tayong mag-aabroad tayo sandali para makaipon na. Magtatayo ng negosyo. Magpapakasal. Magttravel. Everything went smoothly. Until I told you na delayed ako. Na baka buntis ako. I was down that time kasi hindi ako ready kahit alam kong wala naman tayong magiging problema. Natatakot lang ako na baka magbago ka na. Pero sabi mo okay lang. Pananagutan mo. At hindi mo ko iiwan.. Naging panatag ako. Magpapacheck up na sana tayo sa OB, hanggang dumating ang isang simpleng araw na naging pinakamasakit na pangyayari sa atin.. Pauwi tayo, iniinis mo ko. Magkahawak tayo ng kamay. At as usual, nagsasabihan na mahal natin ang isa't isa. Dahil masama pakiramdam ko, sabi mo, "Sige tulog ka muna." Parang sinabi mo na wag ako mag-alala dahil ikaw na ang bahala. Pumikit na ko at noong muling pagkadilat ko, nakita na kitang walang buhay sa tabi ko. Hindi ko alam kung anong nangyari. Pagdilat ko puno at pader na ang kaharap natin. Ni hindi ko alam ang gagawin. Ginigising kita pero wala. Hanggang dinala na ko sa ospital. Lumipas ang isang araw, noon ko nalaman na wala ka na. Ginusto ko na ring mamatay. Noon ko naramdaman na handa na rin akong mawala. Sobrang sakit na sa sumunod na nakita kita ay nasa kahon at salamin ka na. Hindi ko maisip na yung taong kasama kong bumuo ng mga pangarap ay bigla na lang naglaho.. Ni hindi man lang tayo naikasal.. Pagkatapos ng ikaw mailibing, nalaman ko na dalawang buwan na nga akong buntis. Naisip ko kaya siguro iniligtas mo ko sa malagim na sinapit natin... Masaya pa rin ako kahit papaano dahil may iniwan ka sa akin na PANGHABANGBUHAY.. Bukod sa masasayang alaala.. Alam mo ang mga luha ko habang isinusulat ko ito. Akala ko wala ng bukas nung nawala ka pero kailangan kong magpakatatag para sa anak natin.. Sana masaya ka na Baby ko.. Mahal na mahal kita.. I miss you more each day.... You set a fire within me that will not die.. You gave me FOREVER within numbered days.. Sa loob ng limang buwan, nabago mo ang buhay ko at pinasaya mo ako nang sobra.. Napakasakit ng nangyari pero kinakaya ko.. I cannot wait to be with you again.. I love you from earth to heaven....

At para sa lahat ng nagbabasa at nagmamahal,
Maiksi ang buhay. Always choose to love and forgive.. Seize every moment with your loved ones.. Find time to bond with them.. Make more happy memories than pain and regret..

Nagmamahal,

Wifey
Batch 2015

Secret Files PHWhere stories live. Discover now