with a smile

248 5 0
                                    

"with a smile"

"I'm a freshman of UST, sa pasig ako nakatira at ang 1st subject ko ay 7am ang start, kailangang umalis ng maaga kase mabilis magkaubusan ng jeep pag 6am na tsaka para less traffic na din.

Share ko lang tong experience ko last 2nd week of october. Usually 5am umaalis na ako ng bahay, sa dulong part ng jeep ang favorite ko (yung malapit sa labasan ng pasahero) konti lang ang laman ng jeep mga 5 lang ata including the driver. Mga bandang v.mapa na nun at saktong ako na lang mag isa na pasahero sajeep ng may sumakay na 1 ale na may hawak na 2 bata na nakapang arellano na uniform.

(non-verbatim)

ale: (in a very low voice) manong bayad po, 3 arellano, yung 2 po estudyante.

manong: aha-ay.. Wag na po, di bale na lang, hatid ko na lang kayo dun.

Nagtaka naman ako kase 3 rin yun tas libre? Inisip ko na lang na baka kakilala yun ng driver pero kung kakilala, bakit di man lang nagpasalamat yung ale?

Nang dumaan na sa arellano, bumaba na yung ale, inalalayan ko pa yung isang bata kase hirap syang bumaba, napangiti naman ako kase nginitian ako ng cute na bata.

Pagkababa nila, nagulat ako ng tawagin ako ng driver, ako naman lumapit syempre

(non-verbatim)

manong: boy! Boy!

Ako: po?

Manong: dapat di mo na sila pinansin.

Ako: kawawa po kase yung bata, hirap bumaba sa jeep. Bilib nga ako sa inyo eh kase di nyo pinagbayad.

Manong: bat mo pagbabayarin e malas ang perang galing sa multo.

Napatahimik talaga ako nun. Kabang-kaba!!
Ako: manong wag naman kayo manakot.
Manong: totoo boy, kilala na namen yan ng mga kasamahan ko, laging sa v.mapa ang sakay nyan at bababa dyan sa arellano. Ang sabe, nasagasaan daw yang mga yan kaya laging sumasakay ng jeep pag gantong oras at hinahanap daw yung nakasagasa sa kanila. Mag-ingat ka, marami kang di nakikita, kitang-kita ko sa salamin ko yung duguan nilang anyo, aba! Mukha lang silang ordinaryo pag kaharap nyo, pero nakikita talaga tunay nilang anyo sa salamin.

Buong araw akong nagiisip ng mga sandaling yon, pocha! Hinawakan kopa yung bata at nginitian pa ako. Tumatak na talaga yung ngiti ng batang yon saken.

Ps: sana matahimik na kaluluwa nila :( "

Weng
20xx
Other

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon