MY STORY OF 'US'

330 4 0
                                    


MY STORY OF 'US'

"Sorry mahaba. Pero sana matulungan nyo ako na mabasa nya ito.

So its been 4years since nung nag graduate ako nursing sa PIYU.

Isa na akong Nicu Nurse ngayon.
Thankyou sa mga naituro sa akin ng mga profs ko and sa discipline nila sa mga nursing students. Ako nga pala si Lianne.

Eto talaga yun.

When i was in college, i met this guy, itago nalang natin sa name na RJ.

He's may seatmate, though, nakikita ko na sya dati before kami maging magka block, crush ko na talaga sya. Tapos noon naging magkablock na kami,

kasi alphabetically arranged ang section pag junior ka na,

Di lang basta magka block ha, seatmates pa. Wow. Haha

Kilig talaga ako noon.
Alam yon ng mga tropa ko. Happy di naman sila for me.

Nakilala ko si RJ. Sobrang bait pala nya. Matalino, mayaman, sya yung tipo ng lalaki na ipapakilala mo talaga sa parents mo.

Pero may gf pala sya, na ka block din namin,

Sinubukan ko syang iwasan, pero, nasa nature talaga nyang ang pagiging mabait at caring, so na fall ako lalo. Pero never ko syang nilandi, naging close lang talaga kami..

Nahalata na pala ng gf nya ang closeness namin. Hangang sa inaway nya ako, sila ng tropa nya, nagpopost din sila sa FB ng kung ano ano about me,
Puro parinig sa classroom at halos ibully na nia ako. At that time, wala talaga akong naging kakampi.

Kasi ako ang lumabas na masama.

""Sorry, huwag na muna tayo magusap. Nagagalit gf ko""

Yun na ang last na text nya sa akin. Bago kami tuluyang maging awkward ni RJ.

Di talaga kami nagpapansinan na kahit magkagroup kami, or seatmates... casual lang, unlike dati na sobrang kwentuhan namin.

Hanggang maggraduate ata kami. Never ng naibalik yung dati.

After graduation, siguro 6mos after nabalitaan ko na nagbreak sila ng GF nya.
Sobrang nanghinayang ako sa kanila. After ng mga nangyari maghihiwalay din pala sila kasi nanlalake si Girl.

Hanggang sa nagchat sa akin si RJ ng birthday ko.
Rj: happy birthday Ian.
Me: thanks musta? Nabalitaan ko ang nangyari.
Rj: ah oo. Wala eh, may mga bagay talagang hindi nagtatagal.
Me: oo nga eh. Okay ka lang?
Rj: magiging okay din ako. Sorry pala dati, sinubukan ko naman na ipagtanggol ka, pero, wala akong nagawa.
Me: wala yon, matagal na. So friends na ulit tayo?
Rj: oo naman. Di naman tayo nag frienship over. Haha
Me: sayang kung alam ko lang na iiwan ka din nya
Rj: bakit?
Me: ako kasi hindi kita iiwan....... joke
Rj: haha. Ikaw talaga. Namiss kita.
Me: namiss din kita,wala ng nagpakopya sakin. Haha

And ayun na ang pinaka magandang birthday gift for me. Naging close ulit kami ni RJ. Palagi kaming magkachat, nasa Batangas na ako noon, nasa Manila naman sya.

Siguro may 3mos din kaming palaging magkausap.

Rj: bakit single ka parin? Diba sabi mo pagka graduate, pwede na mag bf?
Me: haha. Natandaan mo pa yun, wala eh, walang magkagusto.
Rj: bakit naman?
Me: yung gusto ko kasi, ayaw yata sa akin.
Rj: ganun dapat sinasabi mo.
Me: di ko ata kaya. Baka mareject ako.

Never talagang nasabi ko sa kanya, na gusto ko parin sya.

Hanggang sa lumabas ang result ng board exam. Goodthing pasado kaming dalawa. Magkikita sana kami sa Moa, pero naaksidente ang lolo ko, di ako nakapunta. Nagbakasyon naman sya sa US. Di narin kami nagkita. Nagskype naman kami, pero naging busy ako, nag kawork na rin ako, sya ay nakawork din.
Nagtetext ako sa kanya at nag pero,

""hi,hello,musta,okay lang,ikaw ba,okay din, ah okay""

Ganyan lang.
Hanggang sa kalimutan na.
Tapos last year, nabalitaan ko na may gf na sya. Nasaktan nanaman ako, aaminin ko. Gusto ko talaga sya.
Nung nakita ko palang sya sa FREEDOM PARK. sya na talaga ang gusto ko.
Kaso never nabigyan ng pagkakataon na mapagbigyan ang love ko para sa kanya.

Sa Sunday, may reunion ang group namin. Iniisip ko kung pupunta ba ako, or Hindi??
Kasi everytime na nakikita ko kung gaano sila ka sweet ng gf nya, nanghihinayang talaga ako, kasi, Ako dapat yun eh. AKO SANA YUN.

KUNGA MABASA MO MAN ITO RJ, MASAYA NAMAN AKO PARA SAYO. KASALANAN KO RIN, KASI DI KO NAMAN TALAGA NASABI SAYO NA GUSTO KITA, KASI ALAM KO NAMAN NA KAIBIGAN LANG TALAGA TURING MO SA AKIN..

eto ako. Single parin, nagiisa sa buhay, umasa sa wala..nasasaktan, umiiyak.

GIRL ASA
2007
IN
FEU Manila

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon