"Unexpected"

351 5 0
                                    


"Unexpected"

Gusto ko sana tong ipost sa sarili kong facebook account pero ayokong mahusgahan si Keila (Not her real name.)

Si Keila ang FuBu ko. Oo, Fuck Buddy, siya yung nilalapitan ko kapag libog na libog na ako. Nagkakilala kami sa Omegle. Magkaiba kami nun ng eskwelahan pero pinupuntahan ko siya. Ako ang bahala sa lahat ng gastusin kung saan kami, pamasahe niya, lahat lahat. Minsan hinahatid ko pa siya. Sobrang ganda ni Keila. 2014 nung una kaming nag ano. 18 siya nun at 20 naman ako.

Isang buwan ang lumipas bago kami tuluyang may mangyare. Para bang kinilala niya muna ako bago siya pumayag na makipagkita sa akin. Akala ko katulad lang siya ng iba nan aka fubu ko sa Omegle pero hindi, virgin pa siya. Nakapikit siya nun na parang maiiyak na. Hindi ko alam kung bakit pero gusto ko nang tumigil nun. Lalo na't virgin pa siya. Hindi naman siya yung unang virgin na naano ko pero iba kasi talaga. Parang make love ang ginawa namin nun. Walang halong kababuyan katulad ng ginagawa ko nung bago ko siya nakilala.

Katulad nga ng sabi ko, maganda siya. Maputi, matangkad, basta lahat lahat na! Yung ngiti niya nakakahawa. Nawawala yung mga mata niya pagnakangiti siya kaya naman talagang natuwa ako sakanya. Natuwa ang term ko dahil ang alam ko sa sarili ko nun eh hindi ako maiinlove sakanya. Hindi pwede dahil parang ginagamit ko lang siya eh. Yung katawan niya. Pagkatapos din ng makilala ko siya eh never na ako naghanap ng kasex sa Omegle. Siya ang naging FuBu ko talaga. Parang official kumbaga. Wala ng iba. Mga 3 months kaming ganun ng hindi ko na kinaya ang nararamdaman ko para sakanya. Umamin ako sakanya pero ngumiti lang siya nun at tinawanan ako. Gusto kong magalit dahil hindi niya sineseryoso ang mga sinasabi ko. Ayoko lang kasi talagang nakikitang maraming nagkakagusto sakanya. Gusto ko akin siya. Yung attention niya, yung katawan niya, SIYA. Pero matagal bago ko siya naging akin. Mahirap siyang paniwalain na mahal ko siya. Pero wala eh. Nabuhay naman ako habang sinusuyo siya. August 24, 2015 nang sagutin niya ako. Minsan nalang kami may mangyare dahil siya pa lang, siya pa lang ay masayang masaya na ako. Tumagal kami ng 1 year. Pero syempre habang tumatagal ginagawa na din namin ulit yon. Mas masaya at mas mahal namin ang isa't-isa.

Pero hindi ko inaasahan na kukunin siya sakin. Hindi ko inaasahan na mawawala siya sa akin. Never pa ako nawalan ng mahal sa buhay kaya sobrang sakit para sakin na mawala siya. Bakit nawawala ang isang tao ng ganun kabilis? Nalaman ko nalang sa bestfriend niya na nakaplano raw yun lahat. Yung paghahanap niya ng FuBu sa Omegle, yung isang buwan na pagkikilala niya sa akin. Kaya pala parang hindi siya ready nung unang beses namin dahil hindi naman talaga siya ready. Gusto niya lang ng experience, experience bago siya mawala. Gusto kong magpakamatay nun, feeling ko sobrang sama kong tao, hindi ko man lang napansin na may sakit na pala siya. Pero kahit ganun? Nagpapasalamat pa din ako na nakilala ko siya. Na napasaya ko siya

Non-verbatim with her bestfriend
Siya: Alam mo? Hindi naman talaga dapat siya tatagal eh. Kaya nga napadali yung pagkikita niyo dahil natatakot siya. Sobrang natatakot siya na mawala na. 4 months nalang daw kasi ang natitira sabi ng doctor.
Natatawa pa siya nun habang sinasabi yan pero umiiyak na siya.
S: Pero tumagal siya nang magkakilala kayo. Nang magsimula kayong lumabas labas. Mas sumaya siya. Tumagal pa nga ng taon eh. Tinanong ko siya kung hindi ba siya natatakot na maiwan ka. Nalungkot siya nun pero sabi niya susulitin niya raw sayo.

Isang linggo akong umiiyak. Minsan napapatigil kapag tinitingnan ko ang pictures namin sa cellphone pero bigla bigla ring bumabalik. Ayoko ng umiyak pero sobrang sakit talaga. Masagi lang siya sa isipan ko eh naiiyak na ako. Hindi man maganda ang naging simula namin pero gusto ko talagang magpasalamat na dumating siya sa buhay ko. Rest In Peace, Keila. I love you so much. Alam kong masaya ka dyan. Wala na akong ibang magawa kung hindi ang palayain ka. Yung gusto mo nga palang Keila na pangalan ng anak natin eh hindi ko ata kayang gawin na pangalan ng magiging anak ko. Hindi ko kayang gamitin habang iniisip na hindi ikaw ang magiging nanay ng mga anak ko. Haha ito ba ang karma ko dahil sa ginagawa ko dati sa mga babae? Gusto kitang makita. Kahit isang beses nalang. Please.

Please pray for my love.
11/14/16 Rest In Peace My Love...

Lance
2010
--
--

Secret Files PHWhere stories live. Discover now