Wonder Tutoy

396 8 0
                                    

" Wonder Tutoy"
(SPG: Horror)

Hi, I'm Tristan (real name). Hindi na bago yung ganitong storya sa inyo. At nung una, hindi ako naniniwala sa mga ganitong klase ng kwento. Pero nabago ang lahat noong ako na ang nakaranas.

Nakababatang kapatid ko si Timmy. Wonder Tutoy ang tawag ko sa kanya, at Super Tigas naman ang tawag nya sakin. Dalawa lang kaming anak at hindi nalalayo ang edad namin kaya naman sobrang malapit kami sa isa't-isa.

Bandang alas sais ng gabi, nagpaalam si Tutoy sa'min na magcocomputer lang daw siya. Kaso alas dose na pero wala pa rin siya. Binilin sa'kin ni mama na mamaya na raw ako matulog para may magbukas ng gate sakaling umuwi si Tutoy. Mag-isa lang ako sa sala noon, naglalaro ng cellphone. Inip na inip na ako noon dahil ang tagal niyang umuwi, medyo tinamaan na rin ako ng antok kaya umidlip muna ako. Bandang alas dos, napabalikwas ako sa sofa dahil biglang bumukas yung gate. Alam kong si Tutoy na 'yon pero iniisip ko na baka magnanakaw lang kaya hindi ko pa binubuksan yung pinto. Hinihintay ko muna siyang katukin yung pintuan namin. Pero nakakapagtaka lang dahil mga 5 minutes na ata akong nag-iintay ng katok pero wala pa ring katok sa pinto. Kaya naman dahan-dahan kong binuksan yung pinto para silipin kung sino yung nagbukas nung gate. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si Tutoy, nakaupo siya sa motor ko na nakaparada sa labas. Dali dali ko siyang nilapitan para tanungin kung bakit ayaw niyang pumasok.

Verbatim.
Ako: Bro, anong ginagawa mo diyan? Bakit ayaw mong pumasok? Paano mo pati nabuksan yung gate? Nakalock yun ah. (Sunod sunod kong tanong sa kanya)
Siya: Tinulak ko lang, galing nga e. Bumukas.
Ako: Pahawak nga, baka multo ka e. Hahahaha
Siya: Gago, pero pwede rin. Yun pala nasagasaan ako no? Tapos kaluluwa nalang pala yung kaharap mo. Tapos nandoon yung katawan ko sa kalsada, pinaglalamayan na (tapos umakma siyang nanakot kuno)
Ako: Kalokohan (sabay batok, pero umilag siya) tara na nga sa taas, antok na ako.
(Magkasama kasi kami sa kwarto.)

Kinaumagahan, nagtaka ako dahil sa sofa ako nakahiga, hindi sa kwarto. Pagbangon ko, tumayo ako at naghanap ng makakain sa kusina. Wala si mama at papa, wala rin si Tutoy. Ako lang mag-isa sa bahay. Wala ring iniwang notes kung saan sila pumunta. Kaya sinubukan kong itxt si mama. Tinanong ko kung nasaan sila at kung anong oras sila uuwi. After ilang segundo, tumawag si mama.

Verbatim.
Mama: Gising ka na pala, nandito kami ng papa mo ngayon sa punerarya.
Ako: Ha? Bakit? Sino namatay?
Mama: Yung kapatid mo, si Timmy (Tutoy), nasagasaan siya kagabi. Wag ka nang umalis diyan, pauwi na rin kami.

Hindi ako nakasagot sa mga sinabi ni mama. Napatulala ako bigla, at napaupo sa sahig. Matapos kong malaman na patay na pala yung kaisa-isa kong kapatid. Medyo kinilabutan rin ako dahil kausap ko lang siya noong gabing yun. Totoo palang kaluluwa nalang yung kinakausap ko noong mga oras na yon. Natatawa ako habang umiiyak mag-isa sa bahay. Natatawa ako kasi nakuha pa akong biruin ng nakababatang kapatid ko kahit ganoon na yung sinapit niya. Naiiyak ako dahil nawala nang maaga ang kaisa-isa kong kapatid.

T*ngina mo Tutoy, kung nasaan ka man, magparamdam ka naman sa'min. Miss na miss ka na namin. Miss ka na lalo ni kuya, magparamdam ka, please, kahit sa panaginip ko man lang. Mahal na mahal ka ni Kuya.

Kuya Umiiyak
20**
Others

Secret Files PHWhere stories live. Discover now