Just dive in (spg)

1.3K 12 1
                                    

Just dive in. (spg)

My life was simple. But i can say that it is indeed boring. i dont have any siblings, my parents are here with me but they are busy with business although its not a big business, we have this eatery somewhere near palengke.

Until i met you, dinala ka ni mama sa bahay bilang helper sa tindahan namin pati nadin sa bahay pag wala akong kasama.

Ang dumi mo pag punta mo sa bahay, sira sira na damit mo tapos butas din tsinelas mo. payat payat mo tas mahaba ang buhok mo, literal na pulubi at nakakaawa.

"Dito muna siya satin, tutulong siya sa bahay at tindahan." paliwanag ni mama sakin, pinatira ka namin sa bahay. pinahiram mga lumang damit ni dad sayo pati tsinelas. tahimik ka lang nung pinagupitan ka ni dad pinakalbo ka. nung nakita kitang malinis, ayos lang naman ganun padin. mukha ka nang normal na tao. malinis.

mga isang linggo kana samin, ganun padin routine mo. pag nasa bahay ako nandun kalang din tas pagpapasok nako sa school pupunta kanang palengke tutulong kila mama. di naman tayo nagpapansinan sa bahay, lagi kalang naglilinis o nagaayos ng kung ano sa garden. masipag ka, sabi nila mama may sahod ka naman daw kada bwan pero mababa lang kasi samin kana titira. tinawag kadin naming "macmac" nila mama kasi macko ang name mo.

Isang araw kinausap moko, "pwedeng pahiram ng libro?" nagtaka ako sayo pero pinahiram nalang kita ng english book. habang nagaaral ako sa sala nakikita din kitang nagbabasa sa kusina, parang nahihirapan ka. naaawa ako sayo.

lumipas mga araw, ganun padin eksena natin pagkauwi ko ng school at magaaral nakikita din kitang nagaaral din. pero iba yung sayo, mukhang hirap ka talaga. nilapitan na kita, di ka pala marunong magbasa at magsulat. nakakaawa ka talaga macmac.

Tinuruan kitang magsulat at bumasa ng mga simpleng salita. pinakabisado ko pa sayo yung abc at abakada. ayun lang muna lesson natin kasi halatang hirap ka, lalo ako naging determinado turuan ka magbasa.

kinabukasan pagkakuha ko ng allowance ko, nakita ko nalang yung sarili ko na nasa tiangge at binibilihan ka ng librong pambata tas basic math na pang grade 1. pati isang tshirt binilhan kita. yung tig 50 pesos lang. di ko alam kung bakit pero awang awa ako sa lagay mo, kaya ko ginagawa to.

Pagbigay ko sayo kinabukasan, inantay ko pa umalis sila mama kasi nahihiya ako pakita na may pake ako sayo. pagkakita mo nung mga libro, lapis, at isang tshirt mo tumingin ka sakin ng nagtataka tas nagsalita ka, "para sakin talaga to?" parang gulat na gulat ka na may nagbigay sayo ng bagay na sayo lang talaga.

Malapit na magisang bwan ka samin, natuto kana magsulat, bumasa ng 4letter words at kabisado mo na abcd. nagsasalita kana din, ngumingiti pa. tumaba taba kana at medyo kumapal na buhok mong kalbo. nakikita kong maayos kana samin.

nagisang bwan kana, sumahod kana ng 2,500 samin. di ko alam anong ginawa mo pero umalis ka sa bahay habang nagaaral ko. pagbalik mo may dala kang supot, natuwa ako kasi nabilhan mo na ng gamit yung sarili mo..pero hindi, sakin mo binigay yung damit. dress to na simple at mukhang mura. "para san to?" tanong ko sayo. "para sa lahat ng tulong niyo." sagot mo sakin sabay bigay din nung tshirt para kay mama at papa. mukhang samin mo pa nagastos 500 mo. hahaha ang bait mo, lalo kami napalapit sayo. lalo na ako.

Halos apat na bwan kana samin, sabi mo iniipon mo yung sahod mo. di mo naman alam san gagastusin. lalo din tayo naging close, madaldal kana at nambabara. "hoy mac, kain na tayo." "oks." sagot mo. odiba? ganyan kana kabastos sa amo mo ha! "pagtapos natin kumain, sagutan mo yung problem solving sa basic algebra ah." Oo, ganyan kana kagaling agad. natutuwa ako maging tutor mo.

habang nagsasagot ka, kunyari nagaaral din ako. pero pasulyap sulyap ako sayo habang seryoso kang nagsasagot, ngayon ko lang napansin na gwapo ka pala.. height mo lang kasi kapuri puri sayo madalas e. joke haha. pero seryoso, ang tangos pala ng ilong mo, pink din lips mo, mabango kana at sobrang puti, (effective silka no?) haha pero madami ka pading bakas ng peklat sa paa at mga braso. pero kung sa mukha, ang gwapo mo. mahaba na buhok mo, magulo kasi di ka naman ata nagsusuklay.

Secret Files PHWhere stories live. Discover now